Nag-take ako ng one week break dahil sa nangyaring aksidente. I wasn't confined, my friends are just overacting. Kunwari concern sila pero lakas naman akong murahin kapag kami kami nalang
May sira yata utak ng mga 'to
Sa bahay lang ako buong maghapon. Sunday na almost 4 days na akong hindi nakakapasok sa trabaho. Apat na araw na rin akong hindi gumagawa ng mission ko. Alam ko namang maiintindihan ni Tito Millio since alam niya naman ang lahat ng nangyari sa akin that day
"Omg! Just kiss her, what are you doing?" I was shouting at my TV
Nanonood lang ako ng kdramas' and movies the whole week at si Alex naman ang nasa posisyon ko sa office. Ayaw ni Camille sa ganoon kaya si Alex na ang nag-volunteer since siya naman nagsabing mag rest muna ako
Before they came from work, I already cook something. Favorite nila yung niluluto kong egg and shrimp na piniprito sa butter. We have our own department store in this building so it wasn't hard to buy something for cooking
I hope they'll like it, still. I haven't practice cooking dishes like this. Busy na kasi ako kaya halos nag-oorder nalang kami sa online
"Oh, you're home already?" I asked Alex. Hinihingal pa siya at halatang tumakbo papunta rito
"Yawa yung mga tambay sa labas, hayup. Habulin ba naman ako ng walis putangina" hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya
"Bakit naman kasi may tambay sa baba? Wala bang guards?"
"Ewan ko, baka nasa loob nagm-monitor"
Hinintay namin si Camille bago kami kumain dalawa. Halos 12AM na ng makauwi si Camille. Hassle raw kasi late dumating yung papalit sa shift nila sa office. May mga international calls pa naman ng ganitong oras kaya kailangan talagang may nagttrabaho para sumagot ng calls
We prayed before eating our dinner. Pinuri pa nila ang luto ko kahit maalat. Masarap naman daw kasi kapag nasa kanin na at alam din naman nilang hindi ako madalas nagluluto ng ganitong pagkain
"How are you? Are you okay now? Omg, I heard what happened. You must be so scared" Geniva said with her worried eyes. She's so like Alex, kapag nagsama sila magiiyakan lang sila parehas
"Im fine now. It's not that scary though" I laugh a bit
She looks scared instead. "It's what? Not scary? Omg, are you still sick?"
"Geniva, chill, ako lang 'to"
Sinimangutan niya ako dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi siya nagbibiro dahil nakikita ko naman ang nagaalala niyang mata. Ayoko lang madagdagan pa 'yon. I want them to know that I'm okay, kahit ano pa mangyari sa akin palagi akong magiging okay
I'm still uncomfortable at my sit. I don't know, this absolutely is what I felt before. Why am I always over acting? Kaya ako nak-kidnap e, hayup
Walang nakalagay sa schedule list ni sir Jake kaya siguro hindi na siya papasok ngayong araw. Kailangan ko pa rin kasing tapusin ang ibang appointments at papers na galing sa mga endorsement at mga ibang company
Hindi siya ganoong mahirap pero dahil marami ang mga natatanggap ng number one na company sa lalawigan namin ay hindi rin siya madali
I had to stay up late with Lovely. Over time siya ngayon so baka umaga na rin siya maka-uwi. I was about to go home when I received a call from an unknown number
Nag-dalawang isip pa ako dahil baka kung sino na naman iyon at masamang bagay na naman ang nangyari o mangyari "Hello?"
"Is this Ms. Martinez?" I was stunned. Gago,,
"Uhm, yes, why?"
"Oh, I'm Jake's friend. He doesn't want to come home with me. Our another friend is also drunk so yeah" iba yung boses niya, para bang natatakot na nagh-hesitate sa mga sasabihing salita "Tsk. I'm really sorry if I ever disturb you but Jake is just so annoying. He's been talking about you since he got drunk and told me to call you"
"Uhm, I don't think I can come"
"Oh, you think so? I'm sorry. I'll try my best to carry this two then, thank you"
I'm not going there. Who knows? Malay mo prank lang pala 'yon at may nant-trip lang sa akin. Unknown ang number niya, dapat cellphone nalang ni sir Jake ang ginamit niya if ever, diba?
Bahala na kung anong mangyari, he's with a friend. I know he'll be safe.
I slept peacefully after doing my task at home since my friends are still working. Little did I know, that friend left them there. He doesn't know I won't be there and leave them
I got a call from a woman saying that two men are in her restaurant and she was going to close the store. Hindi ako tumayo sa kinahihigaan ko at inutusan nalang ang mga pinagkaka-tiwalaan kong nagt-trabaho kay Tito Millio
They arrived safe, I guess? Ayos naman si sir Jake sa trabaho kinabukasan e. Mukhang hindi pa nga naaalala ang mga nangyari, parang hindi umuwing lasing na lasing. Nagiiiyak pa
"Ms. Martinez, did you call me last night? I got a call from a woman and she said I must pay the bill. What bill?" He said innocently
"I didn't call you last night, sir. Maybe it's a restaurant owner or something?"
Nilagay niya pa ang kamay sa baba at tila nagiisip kung ano ang nangyari at ang tungkol sa sinasabi ko. It will took him an hour or two thinking. He really passed out last night, sobrang ingay niya hanggang makarating sa condo unit
"Have you ever been in love?" He asked. Sa Entrance lang kasi siya hinatid nung inutusan ko dahil hindi pamilyar sa kaniya yung guard
"Can you please walk? You're so heavy!" I tried so hard to carry him but also ended up getting help from the staff
"Did you know that I only fall in love once?" Nagsasalita pa rin siya, naririnig ng babaeng staff but I already told her na huwag nalang pansinin dahil lasing nga "And guess what, she betrayed me. How can she do that to me? The hell, who she think she is?"
"Thank you, I'll do the rest here" I thanked the staff and she just bowed and smiled at me before leaving "What's your passcode sir?"
"Passcode?"
"Yes, sir. Passcode, so we can enter your condo" I tried to smile, para sabihin niya agad
"You mean my house? I don't want to be with my mom!"
"Jeez, I can't with you anymore"
Hindi kasi nakaapply ang fingerprint niya. Madali na kasing gayahin ang fingerprint nowadays kaya passcode ang ginamit niya. Ginamit ko yung app na sinabi sa'kin ni Aienah before and glad it works
Inihiga ko siya sa sofa habang nagsasalita pa rin siya mag-isa. He's now tearing up. Siguro broken pa rin siya, sabi niya ngayon lang daw siya na inlove e
Ang ganda ng interior design ng bahay niya. Brown, black, grey and white lang ang colors na makikita mo. Kahit ang mga gamit ay ganoon lang din naglalaro ang mga kulay. Common na siguro ang ganito sa mga lalaki
"I even took her abroad for our dates just to make her happy. How dare she still leave me? Am I really that worse? Do I really not deserve to be loved?"
"No, sir. Of course not. You need to get changed, that's all"
"Pati ba naman ikaw? Pati ikaw sinasabing kailangan kong magbago?" He cried. Almost sobbing now
"Hindi naman sa gan'on, ang akin lang kung matutulog ka ng ganiyan baka mainis kalang sa sarili mo"
He stood up from the sofa. Bigla bigla nalang niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Malamya ang mga mata niya at kitang kita na inaantok na siya. I was about to say something pero naunahan niya ako
"Kapag ba nagbago ako, mamahalin mo ako?" he said and smirked before going to the bathroom
NEXT~
BINABASA MO ANG
WHEN WE MET HER
Novela JuvenilLove doesn't choose, it's the heart that will tell you the right and wrong path. Orgamission series #2 Start: September 29, 2020 End: January 25 2022 148