CHAPTER 22

3 2 0
                                    

Hindi tuloy maayos ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Sakto namang wala pa rin akong pasok dahil may emergency meeting sa site na nasa ibang lugar. Hindi na nagpasama si sir Jake sa akin

As of now, wala pa naman akong naririnig sa kaniya. I don't even know kung siya nga 'yong nandoon nung gabing 'yon. I almost fell n'on kakaisip sa p'wedeng isipin ni Jake sa akin. Siyempre he doesn't know naman what my real job is

Wala nga siyang clue na ako ang mayari ng company ng kalaban ng company niya since the beginning. I can't imagine his reaction kapag nalaman niya

Camille and Alex skipped work today kasi hindi nga maganda ang pakiramdam ko. I told them na okay lang naman ako pero nag-insist pa rin sila na kailangan ko raw ng kasama incase na something bad happen

"How about, Karia? Is she okay?" I asked habang nakain kami ng umagahan. 11AM na kaya sabay na rin dito ang lunch

"Yes. Tumawag nga kanina. She's asking den kung okay ka lang daw" sagot ni Camille

"How's your leg? Hindi ba siya injured? Hindi ba masakit? Walang masakit?" Alex, as always, worriedly ask

I look at her with an assuring smile, "I told you, I was fine. Magsasabi naman ako kapag may masakit 'e"

She just smiled back bago namin pinagpatuloy ang pagkain. May nakita akong balita sa TV about sa incident about d'on sa kidnap na naganap pero wala naman kami r'on

Alam naman na ang reason kung bakit at mas maayos na rin 'yon. Bukod kasi sa mga pulis at sa ibang gobyerno ay wala ng nakakaalam tungkol sa amin. Yung mga pinagkakatiwalaan lang ni Tito ang may alam na maaari naming tulungan, personally

Sometimes kasi may mga taong nagbabayad sa amin para sa private service pero ayaw ni Tito kasi hindi naman daw namin alam kung anong p'wedeng mangyari after n'on. T'saka baka mapagod lang daw kami 'e hindi naman daw namin kailangan na ng pera

May mga iba naman na pinapadala si Tito kapag may gan'ong situation. Yung dalawang team lang talaga ang hindi p'wedeng ma-expose sa media at sa maraming tao

Uminom naman na ako ng gamot at ngayon ay nanonood nalang ng TV kasama sila Camille. Idea nila 'to kaysa raw maghapon akong nakahiga sa kama. Mas lalo lang daw sasama ang pakiramdam ko kung gan'on

"I told you! The guy died because of what the girl did earlier!" pakikipagtalo ni Alex kay Camille

"What if yung guy lang din yung gumawa n'on since, diba ayaw niya rin naman ng mabuhay?" sagot naman pabalik ni Camille

"No way! I'm pretty sure it was the girl talaga"

"Fine! Let's just watch the whole movie tapos kapag hindi ka tama libre mo kami pizza" banat 'agad ni Camille

Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa. They used to be each others enemy before when we're kids. Tapos ngayon ay close na close na sila at halos hindi na mapag-hiwalay

"Deal! Basta bili ka mcdo for dinner later"

Nagkasundo naman sila kaya hindi nalang sila nagpustahan. Kahit naman kasi walang gan'on ay talagang bibili sila. Kapag nag-crave kasi ang tiyan nila ay hindi p'wedeng hindi nila 'yon makukuha o makakain

Parang nasusuka raw kasi sila. Arte tips lang

Almost 10 na ng makakain kami ng dinner kasi ang tagal dumating ng delivery. Parang galing pa yatang america sa sobrang tagal. Worth it naman, mcdo 'yon 'e!

Maayos naman, mediyo bitin lang sa fries kasi dalawa lang yung available na bff fries na p'wedeng orderin. Tuwang tuwa naman si Alex kasi kahapon pa raw siya nagc-crave kaso tinatamad daw siyang bumili kasi hindi niya raw kami kasama

Ginawa nalang naming midnight snack yung pizza na inorder ni Camille. Buti nalang at may mga stock pa kaming canned beer sa fridge kaya hindi ko na kailangang bumili sa baba

"Ops, no. Hindi ka p'wede niyan" Alex warned me bago ko pa man mainom ang beer na kakabukas ko lang

"Ayos lang 'yan. Ngayon lang naman"

Umirap siya sa akin at pinilit pa rin akong pigilan pero dahil makulit ako ay nanalo pa rin ako sa kaniya. Alcoholic kasi ako talaga before kaso kailangan kong itigil 'yon gawa ng stomach ko at siyempre works din

At dahil sa katangahan ko, nagsisisigaw tuloy ako sa k'warto kahit 4AM na dahil sa sakit ng tiyan ko. Maaga pa naman ang pasok ko bukas at hindi pa ako makatulog. Amoy alak pa ako, paano nalang ako bukas?

Tulog na rin naman sila Camille at Alex dahil madami din silang nainom kaya hindi nila ako maririnig. Ubos na pala ang meds ko sa cabinet at hindi ko 'yon napansin bago ako nagsimulang uminom kanina

Nakakainis na pagkakataon 'to!

Pang umaga ako ngayong araw kaya tanghali na siguradong magigising ang dalawang 'to. Hindi na ako nakapag-luto para sa kanila dahil hindi na talaga kaya ng tiyan ko. Nagiwan nalang ako ng note sa pintuan nilang dilawa at sa kusina para kung sakali mang maghanap sila ng food ay umorder nalang ako ng soup

Panay ang curse ko habang nasa elevator. Wala naman akong kasabay kaya okay lang kahit panay ilok ang tiyan ko. May mercury drug naman malapit kaya baka r'on nalang ako bumili

"Ay, sorry po, ma'am Rhaine" 'yon palang ang naririnig ko ay tila nahilo na ako "Ubos na po yung stock namin, pasensiya na po"

Wala akong nagawa kun'di ang pumasok ng parang banas na banas sa mundo. I saw sir Jake sa office niya na seryosong nagbabasa ng mga papel. Late ba ako? Or maaga lang talaga siyang pumasok ngayong araw?

"Good morning, sir Jake" pinilit kong batiin siya ng straight dahil nakakahiya naman kung mukha akong natatae sa harap niya

"Sched?"

Sinabi ko sa kaniya ang mga schedule kahit na sobrang pawis na pawis na ako sa sobrang kaba at pilit na pumiyok dahil baka mahalata niya. Hindi ko 'yon natapos at nag-excuse para mqg-cr

Tinry ko naman ng magbanyo kanina pang umaga pero ayaw talaga. Sinubukan ko na ring sumuka dahil baka 'yon nalang din ang way para mawala yung sakit pero wala talaga. Hindi talaga kaya

Nang makalabas ako ay dumeretso nalang ako sa upuan ko at tumungo saglit. Sobrang sakit na talaga, half day lang naman ang pasok ko ngayon. Actually hindi ko naman talaga kailangang pumasok pero dahil sa mission ko, nandito ako ngayon sa office

Nakita kong nag-green ang signal light. Means, pinindot 'yon ni sir Jake at need niya ako sa loob. I had to put foundation again para hindi niya mahalata ang conditions ko

"Here." inabot niya sa akin ang isang supot na puno ng gamot

Nagtataka ko 'yong tinanggap. Nakita ko rin d'on ang gamot na hindi ko nabili sa botika kanina. Paanong... sinabi ni Alex??

"Alex told me. Did you drink so much? Gaano kasakit? 10/10?" He asked worriedly. Kumuha pa siya ng bottled water sa mini ref niya at inabot sa'kin 'yon

"I'm fine. Kaya ko pa naman po"

"No. Your health is my responsibility. You can take rest here if you want"

"What? No. I'm fine, halfday lang naman din po ang pasok ko kaya ayos lang"

Tumingin siya sa akin ng masama at akmang kukunin na sana ang baso pero nadulas 'yon sa kamay ko dahilan upang mahulog siya sa tabi ko dahil sa paghabol niya r'on sa baso

Sabay kaming napatingin sa bintana ng may kumalabog d'on. It was Lovely and Geniva who's watching us

Napairit ako ng wala sa oras habang si sir Jake naman ay nagmamadaling kinuha ang remote at binaba ang curtains

"What the.. what was that just now?"

NEXT~

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon