Akala ko magigising ako at panaginip lang 'yon pero hindi pala. Why? What? When? Where? How? Charot!
Hindi ko siya sinagot that day at iniba 'agad ang topic. Nabigla kasi ako at sana naintindihan niya 'yon. Nagtext naman siya sa'kin n'ong gabing 'yon din at nage-explain kaya ayos lang din sa'kin
Hindi rin alam ng mga kaibigan ko 'yon. Tanging kaming dalawa lang talaga.
"Someone's inlove, I guess" biglang sabi ni Camille habang nakain kami ng dinner sa isang restaurant sa baba ng condo namin
Napatingin kami sa kaniya at nakatingin siya r'on sa dalawang mag-jowa na naguusap. Akala ko ako na ang tinutukoy niya. Hindi naman 'e!
"Inggit ka lang" sagot ni Alex
"Wow, kaysa naman sayo. Ano tawag d'on?"
"Ghoster, 'te" sabi ko. Na-ghost kasi yata si Alex n'ong nakakasama niya nitong nakaraan. Nakapag-inom na kami tungkol d'on kaya alam na namin
"Gurang na kasi, 'no Rhaine?"
Nag-sagutan pa silang dalawa r'on. Inawat ko lang sila ng dumating na 'yong dessert na inorder namin kanina pa. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari that day. Hindi ko pa rin kasi alam ang isasagot ko, o kailangan ko pa bang sagutin ang gan'on? Hindi ba dapat magkusa nalang sila?
Nag-search ako tungkol d'on sa google at wala namang lumabas na makakatulong. Nakaka-stress! Home school kasi ako before at n'ong pumasok ako ay sa ibang bansa kaya wala akong kaalam-alam
Mukha akong elementary na may puppy love, shuta na 'yan!
Kapag nasa office ako ay ilag na ilag ako sa kaniya kasi baka makahalata sila Geneva. Ayoko namang magkaroon na naman ng issue! Nalalaman kasi 'agad ng mga kaibigan ko at siyempre si Tito Millio na rin
"Ms. Martinez! Omg, are you okay?" tanong sa'kin ng isang lalaki ng mabangga niya ako sa pintuan ng floor namin
"Ah, yes, I'm fine" pinulot ko ang phone ko at ang papers na dala ko bago tumingin ng tuwid sa kaniya "Oh, Sir Jake's friend?"
"Yep! Bryant"
Inassist ko siya sa office ni sir dahil d'on din naman ang punta ko para dalhin ang mga papel na dala ko. Naririnig ko silang naguusap habang nagaayos ako pero hindi ko nalang pinapakinggan. Nakakahiya naman kung malalaman ko pa ang meaning ng mga 'yon
"You know, Jake. Maganda rin pala talaga taste mo 'no?" rinig kong sabi ni Bryant kay sir Jake
"Shut up, Bryant. I'll kill you if you talk again" sagot ni sir Jake sa kaniya
"Why? Sensitive mo naman! Sinasabi ko lang naman tungkol sa design ng office mo"
"Hindi mo na first time, 'wag ka ngang epal"
Gusto kong matawa n'ong sabihin niya 'yong salitang epal. Ang conyo kasi pakinggan. Cute ampuchek
Palabas na sana ako ng tawagin niya ako at yayain ng dinner mamaya. Wala naman akong gagawin at hindi makakauwi ng maaga sila Camille kaya pumayag ako. Isa pa, we need to talk about d'on sa isa niyang project sa Baguio kaya go nalang
Narinig ko pa ang impit na sigaw ni Bryant nang makalabas na ako. Bakla ba 'yon?
I finished everything I had to do bago ako nagayos ng gamit ko n'ong malapit ng mag 9PM. Siyempre, kailangan ko pang ayusin ang sarili ko para hindi naman ako mukhang dugyot kapag magkasama kami
"Ayos na ayos, s'an punta mo 'te?" nakita ko si Geneva sa gilid ng mga mata ko
"Kakain dinner"
"Kasama si sir?" tanong niya ulit, nasa tabi ko na ngayon
"Mediyo"
Nagpalit lang din ako ng top ko kasi mediyo madumi na 'yong kanina. Gray pencil skirt at white cardigan ang suot ko ngayon. Ang awkward tingnan pero wala akong paki. Hindi naman para sa kanila 'yon
Tinext nalang ako ni sir Jake na nasa kotse na raw siya at d'on na ako dumeretso. Nakakakaba. Hindi naman ganito dati. Para akong baliw na nangangatal sa elevator palang
"You okay? Shaking ka, are you cold?" tanong niya tuloy 'agad sa'kin pagkaupo ko palang sa sasakyan niya
Umiling lang ako kaya naman ngumiti siya at nagsimula ng mag-drive. Boss niyo, driver ko lang. De, joke lang.
Naging pamilyar na sa akin ang daan kung saan kami pupunta dahil ito na ang pangatlong beses. Bakit dito niya ako palaging dinadala? Mukha ba akong ibong ligaw na kailangan ng bagong tahanan? Charot!
"Alam mo yung waiter dito mediyo nakaka-intriga" sabi ko sa kaniya ng makababa kami
Tumawa lang siya at umiling-iling "He's been my friend for almost 3 years now"
Napa-oo nalang ako. Ano bang dapat kong isagot d'on diba. Nang matapos kaming kumain, akala ko ay mags-stay pa kami rito pero sabi niya ay gusto niya raw akong dalhin sa ibang lugar para malibang ako ngayong gabi
"Hala, Jake, baka iligaw mo 'ko ah!" sabi ko ng may nakita akong maraming damo at puno sa dinadaanan namin
"Why would I do that? I don't want to lose my love" sagot naman niya kaya bigla akong natahimik
Lakas ng trip ng isang 'to. Love raw ampucha. Nakarami yata ng puso ng saging
Mediyo tumaas yung kalsada. Siguro ay sa mataas na lugar kami pupunta. Hinayaan ko nalang siya at namangha nalang sa ganda ng mga nakikita ko sa labas ng bintana. Mahal niya talaga ang nature. Sa dami ng alam niyang ganitong lugar, hindi mo mahahalata
Nang alalayan niya akong bumaba, nakita ko na 'agad sa likod niya ang isang wooden table na may dalawang chair sa gilid. Sa harap n'on ay isang magandang tanawing puno ng makukulay na ilaw. May mga baso at tasa sa lamesa na may taklob at sa may kabilang kalsada ay may isang tila restaurant
"Romantic type ka pala"
Hindi ko alam kung narinig niya 'yon kasi wala naman siyang isinagot. Ngumiti lang siya ng palihim at inalalayan na ulit ako papunta r'on sa lamesa
Panay ang wow ko sa pagkamangha sa nakikitang tanawin. Nakakabighani ito. Parang nangaakit. Pinicturan ko 'yon at sinend sa GC naming magkakaibigan para inggitin sila. Deserve nila 'yon kasi mukha silang mga ulupong
"Take a sit first, Zei"
"I'll just take a selfie"
I heard him chuckle again for the nth time today. If he keeps on doing that, I might die. Ang attractive kasi!
"Why did you bring me here, Quin?"
He looked at me, nagniningning ang mga mata niya at ang ngiting minsan kong kinabaliwan ay nakapinta sa kaniyang mga labi "I told you, I want to court you"
"I know you haven't answered yes or no about that. Who cares? I'll do everything to be enough for you"
I smiled at him too. Seeing someone being this happy with me...feels like I'm so special. Having someone that will be there to let you know that someone love you. I feel so special this day
"Thank you, Jake. Thank you for doing this and everything to make me feel a special person. If it wasn't for you, I wouldn't be smiling right now" sabi ko sa kaniya, titig na titig sa nakakahulog niyang mata
"I'm the one who's supposed to say that. Thank you for existing. I've decided to love you now until my last. I'll make you the happiest women in the world"
He, again, smiled at me. N'ong araw na 'yon, napagdesisyunan kong isuko ang puso ko para sa kaniya. Hindi ako sigurado pero alam ko sa sarili kong kung ano mang maging resulta, alam kong maganda ang balik n'on
"I love you, Zei. I will do, forever"
NEXT~

BINABASA MO ANG
WHEN WE MET HER
Roman pour AdolescentsLove doesn't choose, it's the heart that will tell you the right and wrong path. Orgamission series #2 Start: September 29, 2020 End: January 25 2022 148