"Miss Martinez?"
Ito ang araw ng interview ko sa AJC. Mediyo nakakakaba dahil sa mga impormasiyong nakuha ko tungkol sa boss ng kompanyang 'yon. Masiyado raw kasi siyang masungit at mahirap pakisamahan dahil mabilis uminit ang ulo...
Sa taas.
"Do you have any extra talent, Ms. Martinez?" tanong ng isang matandang babae. Rolon ang nakalagay sa I.D niya. Ms. Rolon.
"Yes po," tumingin ako sa kanila bago ako tumayo "I can dance,sing and also ah.. create a project just within 30 minutes, ma'am" I'm so energetic talaga
"Really? You're hired!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano raw? Hired na'ko? My gosh! Totoo ba 'yon? Na-hired ako. Thank you lord! Salamat po, maraming maraming salamat po!
"Thank you, thank you ma'am, thank you po" paulit ulit akong tumango sa kanila habang sinasabi 'yon.
"You'll start next week. You only have 3 days to prepare your things, you may leave" kinuha ko na agad yung mga dala kong gamit bago ako nakangiting lumabas ng kwartong 'yon.
Gosh, successful! Kaunting tanong lang pala ang sinasabi sa interview, akala ko kasi madami eh. Well, hindi naman ito ang first job ko. Hindi lang talaga ako in-interview noon sa dati kong company
Secretary ng CEO ang inamplayan kong position. Buti nalang natanggap ako kahit na wala naman ako masiyadong sinabi sa mga taong nasa loob ng silid na iyon. Sinasagot ko lang talaga ng deretso ang mga tanong nila sa'kin
Dahil sa sobrang excite na naramdaman ko, hindi ko na hinintay ang tatlong araw ng sinabi ni Ms. Rolon sa office kung saan nila ako in-interview. Pagkauwi ko sa condo, inilagay ko na 'agad sa isang kulay grey na box ang mga gamit na kakailanganin ko sa trabaho ko
Alam ko namang three days pa bago magsimula pero mas maganda na yung handa ka, diba? T'saka, pupunta pa ako sa mismong floor kung saan ako palaging uupo at gagawa ng trabaho. Siyempre, dahil secretary ang pakay ko rito, e'di malapit sa office ng boss ang table ko
"Oh, na-hire ka?" nagtataka akong tiningnan ni Alex, kaibigan ko. Tatlo kaming nakatira rito sa condo since may apat na room naman dito. Kasya rin naman ang mga sahod namin sa pang-bayad kaya no problems
"Yes! Omg! Hindi ko akalaing sa dami namin kanina, ako ang matatanggap" malakas akong nagtititili, dahilan para biglaang mapalabas si Camille sa banyo. Kaibigan ko rin siya, kaming tatlo ni Alex ang nakatira rito
"Natanggap ka?!" malakas ding tili niya, tanging tuwalya lang ang suot na siyang nagtataklob sa katawan niya
"Oo, gago!"
"Yiiiiiieee! Sabay sabay na tayong papasok sa trabaho! Parehas pa ng company!" sabay silang tumili sa dulo. Jusmiyo! Ang ingay talaga kapag magkakasama kami
Malaki raw ang pasahod sa company ng mga Abieldo. Kaya nga ako nag-apply doon ay para malaman kung totoo ang sinasabi nilang 'yon. Tinatago kasi ng mga punyeta kong kaibigan kung magkano ang sweldo nila kaya ako na yung nag-adjust
Maaga akong nagising kinabukasan. Sa sobrang excited kong pumasok sa panibago kong trabaho ay madaling araw palang nakahanda na ako sa pagpasok. Ang mga kaibigan ko ay tulog pa at humihilik habang ako ay nagluluto na ng breakfast
I'm a certified workaholic. Iyon ang madalas na sinasabi ng mga kaibigan ko sa'kin, na totoo naman. Madalas kasing wala akong ginagawa kaya trabaho ang naiisip kong gawin. Weird talaga ako. Matagal na akong weird at tanggap ko naman na 'yon
BINABASA MO ANG
WHEN WE MET HER
Teen FictionLove doesn't choose, it's the heart that will tell you the right and wrong path. Orgamission series #2 Start: September 29, 2020 End: January 25 2022 148