CHAPTER 20

5 2 0
                                    

Bakas ang saya ng mga katrabaho ko ng ibigay ko sa kanila ang mga gifts na binili ko. Last Christmas ko pa sana 'yon ibibigay kaso hindi nga natuloy yung Christmas party namin. Nakakahiya naman kung sa Valentine party ko pa ibigay sa kanila 'yon

"Omg! Hala, Rhaine, ang mahal nito 'diba? Kulang pa ang tatlong buwan kong s'weldo rito para makabili ng isang ganito" gulat na gulat si Geniva ng makita ang regalo ko sa kaniyang bag

"Deserve mo 'yan kaya binili kita"

"Thank you!" natulala nalang ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Buti nalang wala pa si sir Jake kun'di nakakahiya kung makikita niya kaming ganito

"It's okay, Geniva. No need to actually cry here. Everyone's looking at us"

Nahihiya na ako 'no! Baka mamaya may biglang pumasok tapos makita kaming ganito isipin pang mahigpit ako bilang secretary lang naman ni sir Jake.

Buti nalang at tumigil na siya kaya nakaayos na ako. Panay pa rin ang pasalamat niya at pangangakong babawi nalang siya sa Valentines. Hindi naman na talaga kailangan kasi baka hindi na rin ako tumagal dito. Who knows diba?

Everyone greeted sir Jake a happy new year once he entered our office. He looks so new wearing a black suit and a pair of glasses. Grabe. Possible pala yung one week glow up?

Binasa ko sa kaniya ang schedule ngayong araw bago ko dinala ang coffee niya. Iba yung aura niya today. Hindi ko matukoy kung anong mali pero may iba talaga

"Ms. Martinez. Are you free this weekend?"

"Yes, of course sir!" magiliw na sagot ko. Hoping na maboost ko ang mood niya pero hindi iyon gumana

"Okay. That's nice. I'll call you on sunday night! Let's prepare for our meeting now"

Sa isang sabi niya, parang feeling ko kailangan kong gawin 'yon. May kusang nagsabi sa paa ko na kailangan kong kumilos at itigil ang paghanga sa kag'wapuhan niya

Gago, bakit naging ganito ako kacorny pagdating sa kaniya? I used to be that maarte boss pa naman. I've changed a lot, tama nga sila Camille for choosing me to do this mission

Kakaiba ang timpla ng mood ni sir Jake ngayong araw kaya sinabihan ko 'yong magp-present na kung p'wede ay madali lang sana. Buti nalang at sanay na siyang mag present kaya easy nalang sa kaniyang gawin ang request ko. Para rin naman 'yon sa kaniya, baka mabungangaan siya 'e

"Sir, Mr. Rikez wants to talk to you. Should I prepare for a meeting or I'll just call him?" I ask nang matapos ang last meeting

"Okay, but make it short. I'm literally tired. I want to go home" kumamot pa siya sa ulo niya at halata rin ang pagod sa mukha niya

Sumunod nalang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko alam kung para saan ang meeting nila na 'yon pero mas naging masama ang mood ni sir Jake ng makalabas siya mula sa restaurant kung saan sila nagusap

I'm pretty sure something's off. He's not like this naman 'e. Whatever that might be, I hope he can resolve that as soon as possible. I can't stand seeing him being like this

"May lakad ka ba ngayong gabi, Rhaine?" Nagulat akong napatingin sa kaniya ng bigla niyang sambitin ang pangalan ko

"Ah, wala po, sir"

"Can you go with me? Dinner? I'll pay"

Ngumiti nalang ako at inayos na ang mga gamit ko dahil tapos ko na rin naman ang mga trabaho ko. Sila Lovely yata ay mag-stay pa para tapusin ang mga ginagawa nila. Rest day niya kasi bukas, baka may lakad siya

Nagayos lang ako ng onti dahil wala na halos ang make-up ko. Siyempre alam ko naman na kung saan ang maaaring puntahan namin. Lalo na kapag si sir Jake ang magbabayad, alam na kung saan ang punta

Buti nalang at mahaba-haba na ang pasensiya niya ngayon kaysa noon. Okay lang sa kaniyang maghantay ngayon, dati kasi kapag ang tagal tagal mo magagalit 'agad siya dahil sayang na raw ang oras niya

Hinayaan ko nalang siyang mag-drive dahil hindi naman alam kung saan kami pupuntang restaurant or kainan. Ang dami pa naman dito kadikit lang ng company niya pero baka hindi naman dito since maraming nakakakilala sa kaniya

"Nandito na tayo" ngumiti siya ng tingnan ako kaya napangiti nalang din ako

Bumaba kami sa isang parang gubat pero parang hindi dahil marami ring mga kadikit na bahay o siguro kainan. Maliwanag din naman ang daan dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa bawat shops at sa ibang bahay

"Pretty.." mahinang bulong ko

"Yes, prettiest" bigla akong napatingin kay sir Jake na nakatingin din sa akin

Nag-fake ako ng tawa dahil bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang biglaang paglakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong maging alien dahil sa nararamdaman ko pero hindi naman 'yon posible

Inabot sa amin nung waiter ang menu. Mukhang madalas siya rito kasi parang close sila n'ong waiter. Mabait naman siya at mukhang masiyahin kasi palaging nakangiti

"Girlfriend mo, kuya?" bigla nitong tanong kay sir Jake. Ngumiti nalang ako ng peke at hindi sumagot dahil hindi naman ako ang tinanong

"Ah, hindi pa"

"Yown!" napalakas ang sigaw nung waiter kaya bigla niyang natakpan ang bibig niya at mahinang tumawa "Ay, hehe, sorry po. I'll serve everything in a minute ma'am, sir"

Ngumiti lang ako sa kaniya para hindi naman masiyadong awkward ang sitwasiyon. Kung nandito sila Camille baka nasa sahig na 'yon at nababaliw na kakatawa. I really don't know how to act in situations like this

Punyeta kasi first time ko. Wala pang nag-take sa akin sa dinner bukod sa friends ko. Kung meron mang lalaki si Aisle lang at sobrang tagal na n'on

"How do you know this place, sir?" tanong ko kasi curious ako at sobrang awkward ng atmosphere

"A friend recommend me this. Madalas daw siya narito kapag wala siyang magawa"

"Oh, it's really beautiful here, sir"

"Didn't I told you to just call me Jake when it's only us?"

Nagulat ako sa sinabi niya kahit wala namang nakakagulat doon. Nasanay kasi akong Sir o sir Jake ang tawag sa kaniya kaya gustuhin ko mang iwan 'yon ay ang hirap

"Ay, sorry, sir. Oh, no, I mean Jake"

"Yan! Kung p'wede nga lang gusto ko ganiyan nalang ang tawag mo sa akin"

"Po?" natawa ako ng malakas kaya kinailangan kong magtaklob ng bibig "Bakit naman?"

Hindi siya nagsalita at tumingin lang ng seryoso sa akin. Nagtaka ako at mediyo nahiya kaya tumingin ako sa baba bago muling tumingin sa kaniya

Him. Him being like this is just... I don't know. I can't read him. I've meet a lot of people and I always know what they want to say just by looking at their eyes. But sir Jake isn't that easy to read

Parang palaging may iba pagdating sa kaniya. Hindi ko maintindihan kasi nakakalito

Binuhat niya ang upuan niya at pilit iyong inilapit sa akin. Hindi naman ganoon kalapit dahil hindi siya maaaring makitang ganito. Sikat din siya kaya paniguradong mababalita siya kung may makakaalam na sekreto kaming kumakain sa labas

Huminga siya ng malalim at muling tumitig sa akin "Bakit sobrang ganda mo?"

Hindi ako nakapag-salita at nanatiling nakatingin lang din sa kanila. Sobrang ganda ng mga matang 'yon. Kumikinang na akala mong isa iyong tala na sa kalangitan mo lang makikita

"Bakit sobrang ganda ng babaeng minamahal ko?" he said and smiled, making his eyes disappear

NEXT~

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon