CHAPTER 17

0 1 0
                                        

"Where's your friends?" sabi niya 'agad ng makarating kami sa unit namin

Hindi na ako nagsalita dahil ang awkward na ng atmosphere. Alangan naman sabihin kong nagsinungaling ako dahil ayokong isama siya rito.

Kumain kami ng tahimik. Walang nagsasalita. Buti nalang at kumakain kami kaya p'wede ko 'yong gawing excuse para hindi magsalita. Ayoko lang talagang gawing mas awkward ang pagkain namin

After eating, ako na ang nagligpit ng mga plato. Nililibot naman niya ang sala at nagsasabi ng mga salitang hindi ko maintindihan. Bulong siya ng bulong kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya

"When did you buy this unit?" tanong niya ng lumapit ulit siya sa kusina

"A year ago? It's actually not ours. My aunt owns this, sa'kin niya lang binigay nung umalis siya"

"Oh, I see. That's why some designs are a bit old?"

I laughed and continue washing the dishes. Hindi ako nagplanong ibahin ang interior design, babalik pa naman kasi sila tita kapag naayos na nila 'yong mga bagay sa kompanya ng asawa niya

Walang anak ang nagiisang tita ko kaya noong nawala sila daddy ay siya na ang naging guardian ko. Hindi ko naman kakayanin gawin lahat kung wala akong kasama. Buti nalang at itinira siya sa'kin ng panginoon

"Ano nga pala yung sasabihin mo, sir Jake?" Tanong ko ng matapos akong maglinis sa kusina. Nakaupo na siya sa sofa at nanonood ng teleserye sa TV

"Just call me Jake or Quaijin when it's just the two of us" hininaan niya ang TV at humarap sa'kin ng nakangiti

Ngumiti ako pabalik. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya tungkol doon. Sobrang bilis 'agad ng tibok ng puso ko sa simpleng pagsasalita palang niya. Paano ako makakapag-stay sa tabi niya kung ganito?

"At yung sasabihin ko, sa susunod nalang. Once we're both ready"

"Why? Was it that important? Nakakatakot naman 'yang mga salita mo, sir. Oh, I mean, Jake"

Bigla siyang tumawa ng sabihin ko ang huling pangungusap. Tumaas nalang ang kilay ko at hindi na nagsalita. Gusto ko siyang kausapin tungkol sa buhay niya pero natatakot akong baka mainis lang siya sa'kin

Nanood kami ng movie sa Netflix. Tatapusin lang daw niya 'yon bago siya uuwi. Pumayag naman ako dahil 57mins lang naman ang rotation ng movie. Short film lang siya siguro

"How's your mom?" I ask, in the middle of the movie

Hindi 'agad siya nakasagot at tumingin muna sa akin. "She's doing fine. That's what she said the last time I saw her"

"Uhm.. That's nice. How about you and your brother?"

"I don't know. He disappear after what happened that day. He's still not coming back"

Wala na akong matanong kaya tumango nalang ako. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman man lang ang iniisip niya. Baka sa ganoong paraan ay malimutan niya naman ang ibang iniisip niya

"How about you? Are you okay?" I ask again, he then fell silent. Naramdaman ko nalang na sobrang awkward na kaya nag excuse ako papuntang cr

Why? Bakit bigla siyang tumahimik nung siya na 'yong tinanong ko? He's not okay, right? That's how he is. Always acting like he's okay when he's actually not

Umuwi na rin siya ng matapos nga ang movie. Halos madaling araw na ako nakatulog dahil inimis ko pa lahat ng bakas niya para hindi magsuspetya si Camille at hindi na tingnan ang CCTV kapag nakauwi na siya

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon