CHAPTER 2

7 4 0
                                    

"Bakit naman ganitong oras na ang uwi mo? Usapan 7-10 lang ah? 11 na kaya! Ano bang pinagusapan ni sir Jake at nung kameeting niya at sobrang tagal naman 'ata?" malakas na bunganga ni Camille ang sumalubong sa'kin ng makauwi ako sa condo

Ganito na siya noon pa man, kapag may isang nalate sa aming mga magkakaibigan sa mga meetings or something, palagi niya kaming pinapagalitan na para bang malaking kasalanan ang malate sa mga 'yon

"Eh, sabi ni sir doon nalang din daw kami kumain at hintayin namin siya eh" kunwari ay inosenteng sagot ko habang ibinababa ang bag sa sofa

"Bakit kailangan pa siyang hintayin? Isang babae kalang na kasama nila, paano kapag maging iba ang paningin o utak nila?"

"Parang tanga, Camille. Alangan naman pagsamantalahan pa nila si Rhaine, alam mo namang may reputasyon si sir Jake t'saka iniingatang image"

"Kaya nga, parang tanga nga 'yan" sangayon ko kay Alex

Wala akong masiyadong ginawa kanina sa office at lahat naman ay natapos ko na doon palang kaya naman hindi na ako gagawa ng kung ano dito sa condo ngayong gabi. Para sa'kin kasi mas gusto kong tinatapos na 'agad yung isang bagay para magkaroon pa ako ng mas maraming oras para sa ibang bagay

Madalas naman na Facebook at panonood ng vlog ng mga paborito kong vlogger ang ginagawa ko kapag may free time. Kapag naman mas marami yung libreng oras, nanonood ako ng K-drama. Marami pa nga akong hindi natatapos kasi busy eh, next time nalang siguro

Black na pencil skirt at white longsleeve ang suot ko para sa trabaho ko ngayong araw. Light pink naman ang heels at bag na dala ko ngayon. Para hindi masiyadong dark ang mga suot ko kaya light pink nalang ang sinuot ko

"Kapag nalate ka ng uwi mamaya, sisipain talaga kita. Tandaan mo 'yan, Rhaine Zei" banta 'agad ni Camille, hindi pa man kami nakakalabas ng condo

"Siraulo talaga 'tong si Camille, mapipigilan mo ba si sir Jake? Gago amputa" gigil na gigil na sagot ni Alex

"Kahit na! Usapan 7-10! Usapan ay usapan"

Si Terrence at Geniva nanaman ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam pero parang wala talagang interest yung tatlo, puwera kay Cristoffer. Or baka busy lang talaga sila sa mga ginagawa nila kaya gano'n?

Hindi rin naman 'yon kaso sa'kin. Nandito ako para magtrabaho 'gaya nila kaya hinahayaan ko nalang. Nandiyan naman si Terrence at Geniva na kumakausap sa'kin eh. Ayos na 'yon kaysa wala

"Goodmorning, sir" nakangiting bati ko kay sir Jake ng dumating siya. Hindi na siya late ngayon, siguro kasi wala siyang schedule ng sobrang aga

"Morning. Schedules?"

"Meeting with Ms. Aquino on 9AM, visiting the village, go shopping and dinner meeting with Ms. Coltre" nangunot ang noo ko ng makitang muli ang apilyido ni Ms. Coltre. Pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil baka important na tao talaga siya para sa company

"Can you bring me my coffee? I forgot to buy one" seryoso pa rin ang mukha ni sir Jake at parang bad mood ngayong araw kaya tumango nalang din ako

Naging normal lang naman ulit ang araw na iyon para sa amin. Marami lang masiyadong meetings, at hindi nasunod ang tunay na schedule dahil sa on going na resort ng company. At katulad nga sg napansin ko kanina, talagang bas mood si sir. Sa huling meeting namin ay halos sigaw nalang niya ang narinig namin. Masiyado niyang sinabon yung nagpresent kanina galig sa team 7.

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon