WHEN WE MET HER

16 5 0
                                    

PROLOGUE


It's our first and half anniversary.

Nasa daan na'ko papuntang venue ng biglang mahulog ang isang keychain na nakasabit sa bag ko. Buti nalang nagtaxi lang ako. Kung nagkotse kasi ako ay mahihirapan si Jake pauwi. Maghihiwalay pa kami ng kotse, kaya hindi nalang ako nagdala.

Nahulog yung keychain na binigay niya sa'kin. Kinuha ko nalang 'yon bago pahirapang isinabit ulit sa zipper ng dala kong bag. Kahit anong bag ang dalhin ko ay inilakagay ko 'yon dahil isa 'yong alala mula sa kaniya. Importante'yon para sa'kin

"Ah.. ma'am? Malapit na po tayo" sambit ng driver habang nagkakabit padin ako nitong hayop na keychain. Ayaw niyang makabit!

Hindi ko pa naikakabit ang keychain tapos huminto na 'agad ang sasakyan. Inabutan ko ng bayad yung driver at hindi na kinuha ang sukli. Kung meron man.

Hanggang sa paglalakad papunta sa restaurant ay kinakabit ko parin 'yon. Malapit na'ko kaya naisipan ko nalang na mamaya na iyon ikabit at magpatulong nalang kay Jake mamaya kapag nagkita na kami

Sobrang excited ko sa araw na'to. Gusto na ngang sumabog ng puso ko sa sobrang saya!

Pero lahat ng 'yon ay nawala at tila ba naiwan ang mga 'yon sa taxi na sinakyan ko pero kanina lang ay dala ko pa. Tuluyang nadurog ang puso ko ng makita si Jake na may kayakapang babae.

"R-rhaine" utal na ani Jake ng makita akong nakatayo sa gilid ng restaurant kung san niya'ko pinapunta "Rhaine, no! Rhaine!"

Narinig ko pa ang mga sigaw niya. Pero tuluyan ng nanlumo ang katawan ko at basta nalang tumakbo sa kung saan. Hindi ko kaya.

Simula nung dumating siya, nagiba ang Jake na nakilala ko. Ang Jake na minahal at pinagsilbihan ko. Sobrang sakit! Kung wala ba siya mananatili kami sa kung anong meron kami? Kung wala ba siya...magiging ganito kami?

»»»»»»»»»»»»»»»›»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

Simula noon. Simula ng makilala natin siya nagulo ang relasyong meron tayo.

When we met her.

»»»»»»»»»»»»»»»›»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

The second life of ORGAMISSION GIRLS is up!

The boss become a worker?
Did she survive?

»»»»»»»»»»»»»»»›»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»»

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental..

Warnings|!

Mention of blood, guns (or any weapons), war, death, kidnapping + a lot more [tba] I'll always put warnings at the beginning of the chapter so you would know. Thanks

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon