CHAPTER 9

3 2 0
                                    

TW/| Suicide,Death:;

.......

Maganda ang simula ng umaga ko bago ako pumunta sa trabaho. I just got a news, a good news from a friend. Hindi ko alam kung alam na rin ng buong team pero siguro?

It was about that secret spy. I heard she's in thailand right now, we can literally go there and find her. Karia has her own plan so we didn't mind to go, she got everything. She's a total serve for our team

"Why are you smiling like that? Omg, may boyfriend ka na 'no? Chika naman diyan girl" malakas na sigaw ni Geniva sa loob ng mini kitchen sa office namin

Sometimes she's really overacting.

"Boyfriend ka diyan? Baka nagiba na 'tong building na 'to single pa rin ako"

"We? Paano mo nasabi? Alam mo si Lovely ganiyan din sinabi sa akin niyan noon tapos ngayon palagi na ring nakangiti kagaya mo. Nakakatakot na minsan"

We both laugh before going back to work. Dumating kasi si sir Jake kaya kinailangan naming tumigil sa pag-uusap. Hindi ko maintindihan kung bakit takot sila kay sir, mabait naman siya e, kapag lasing

Naiyak pa.

As expected I got a lot of calls again today. Kapag nandito si sir Jake ay mas marami ang tawag dahil alam nilang tamang oras iyon para makapag-set ng appointment kay sir Jake

Siyempre, top 1 ang company ni sir sa buong pilipinas. I mean, it's really well known by so many workers. Kahit anong field mo, kilalang kilala yung company niya kasi maraming branches sa iba't ibang lugar sa bansa

Nang makauwi ako ay bagsak na naman ako sa kama. Nasa labas pa sila Camille at nanoood ng movie. Maaga silang naka-uwi dahil malapit na ang weekend. Kada araw kasi ay nababawasan ang oras nila sa opisina since maagang dumadating yung susunod na shift sa kanila

"Did you eat already?" Alex entered my room with a tray. May meal doon, baka siya ang naka-assign ng pagluluto ngayong araw

"Not yet. Just leave it there"

"Hindi ka ba pagod? Ang dami mo raw trabaho sabi ni Geniva sa'kin. Kapag pagod ka uso mag rest, okay?"

I just nodded. Nag-aayos lang ako ng computer ko dahil balak kong dito nalang sa bahay mag work bukas. Aalis kasi si sir para sa out of town na meeting niya sa isang exclusive shareholders

Nakatulog ako ng maayos dahil late na akong gumising. Nakaalis na rin sila Camille at Alex ng magising ako. I got a text from sir Jake, he's now on the way for the meeting

"If someone calls you and it's not about work, tell them I'm not at my office" that's what he texted me

Nagreply naman ako ng "Okay. Noted sir" bago ako nagsimulang magtrabaho. Hindi na ako naligo at nag-ayos nalang ng boses dahil yun lang naman ang ginagamit ko kapag nakikipag-usap through phone

Hindi ganoon kadami ang natanggap kong calls ngayon. Minimum of 10 calls lang kaya nagkaroon ako ng oras na umalis sa condo para mag grocery dahil wala na kaming stock. Malapit lang naman ang grocery store rito

"Ay, gan'on ba? Naku! Yung nasa 15th floor daw sabi nagbigti. Hindi mo ba nabalitaan yon?"

Wala pa man akong nailalagay sa cart ko ay ganoon na ang naririnig kong pinag-uusapan ng mga tao. I heard about that too, yesterday. Sinabi sa'kin nung babaeng assistant ko rito sa building namin

They don't know her reason yet but they said it's depression. Some of them didn't believe that but some know what the real reason behind it. Ayoko namang makisali sa problema ng iba dahil marami na akong problema sa sarili ko

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon