CHAPTER 21

2 3 0
                                    

tw// kidnapping, knife

-

"What? Bakit sobrang biglaan? Kakagising ko lang, Karia" nagmamadali akong tumayo sa kama ko habang kausap si Karia sa telepono

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to. Everytime nalang na may emergency missions ako ang isinasama niya. Mukha ba akong ambulansiya?

"I'm really sorry, wala kasi si Seline and she's nowhere to be found at ikaw lang ang naisip ko na baka free" she said, dinig ko pang pinapaandar na niya ang kotse

"No choice na ba talaga?"

"I'm sorry but yes"

Wala akong nagawa kun'di ang magmadali sa pagpalit ng damit. Buti nalang at naligo ako kagabi kaya hindi ako amoy araw. Nakakahiya shuta, wala ng toothbrush at suklay kasi nga emergency daw

Living a life like this really is annoying

Sinend sa'kin ni Karia ang location. May babae raw kasing hawak ng isang kidnapper at hindi ko alam kung bakit tinawagan agad ng mga pulis si tito. Hindi ba nila kayang ihandle?

Mediyo madilim pa sa labas kasi madaling araw palang. Nakakatakot. May mga ganitong nangyayari pa rin pala kapag ganitong oras. Siguro tulog pa rin ako kung hindi ako ang tinawagan ni Karia

Malayo pa lang ay kita ko na ang kumpulan na mga tao. Kita ko rin naman ang mga sasakyan ng pulis at rinig ko rin ang siren ng mga ito. Panay din ang balikan ng sigaw nila ng kidnapper, I can't hear what they're saying pero kita ko kasing nagamit ng megaphone yung pulis

"Any plans?" tanong ko kay Karia, gamit ang airpods. 'Yon ang ginagamit namin para less hassle. Alangan namang naghahabol kami tapos yung cellphone nasa tainga, mukhang tanga lang

"I'll go upstairs. Nagset na raw sila ng tarpaulin 'e, incase may mahulog"

"What do you mean? Nasa labas ba sila?"

"Yes. May hawak ding weapon yung guy and it can be dangerous kapag hindi natin naagapan 'agad"

As what she said, umakyat nga siya sa floor kung nasaan ang kidnapper at and babae. Pumunta naman ako sa mga pulis at nagtanong ng details para sabihin sa kaniya. Hindi ko alam kung anong gagawin niya roon bukod sa kukunin niya raw muna yung babae bago ihulog nalang yung lalaki sa tarpaulin

Delikado rin 'yon pero kaya naman daw niya. She's literally the best out of us. Wala pa siyang mission na na-failed. Kaya nga siya ang namumuno sa aming lahat 'e dahil kakaiba talaga ang mga galawan niya

As soon as I saw some reporters getting closer to us, umalis na ako roon at nagbalak na sundan si Karia incase na mahirapan siya. Sobrang daming cameras at mga tao sa labas, busy talking about some things I couldn't understand

"If you can make it here before one minute, I'll get the girl tapos ikaw na bahala" rinig kong sabi niya, dahilan upang mapabilis ang pagakyat ko sa hagdan. Sarado ang mga elevators dahil nga sa nangyayari

I run as fast as I could. Kapag hindi ako umabot, Karia would be the one in danger. I don't know but I just don't want them to experience pain. It's just that.... I don't want to see them cry again because of the same things

Inahanda ko ang mga kutsilyo na nasa iba't ibang parte ng katawan ko, incase na mabaliktad ang mangyari at ako ang mahawakan ng kidnapper. Nag-sign of the cross pa ako for extra protection galing kay god

"Here" sabi ko kay Karia, nakita ko siyang nakap'westo malapit sa babae

It was so hard kasi isang maling galaw p'wedeng tatlo silang mahulog at hindi prepare ang tarpaulin para sa ganoon kabigat. I just hope it would end nice

"We're giving you another chance, pababain mo ang hostage at kusa kang sumama sa amin" muling sabi ng mga pulis. I saw Karia, almost doing her job pero dahil sa biglaang sigaw ng kidnapper ay hindi niya natuloy

"Alam mo ba kung gaano kahirap ang dinanas ko bago ako nakarating dito? Hindi! Putangina niyong lahat!" Hindi ko sila kita dahil nasa likod ako ng isang pader pero dahil sa ingay na nabuo sa labas, baka umakma na naman siyang ihulog ang hostage

"Hindi ka pa ba napapagod diyan? Bumaba ka na rito at bibilhan nalang kita ng kape" muling sabi ng pulis sa baba

Wala akong narinig na ingay. Sobrang tahimik, tanging iyak lang ng hostage ang naririnig ko mula sa aking p'westo. Gusto ko mang matapos na ito ay hindi kami p'wedeng magmadali. Maraming hawak na buhay kung magririsk kami, tatlo 'yon!

Karia was so tense. Malayo ako sa kaniya pero ramdam na ramdam ko ang nginig ng kaniyang katawan. It must be because we're too high, kung ako rin ang nasa p'westo niya baka nahulog na ako sa kaba

We spent more minutes, just standing there and not doing anything. Nakakinip na at sobrang antok pa ako. Yung mga mata ko ay hindi ko pa halos maimulat dahil halos two hours lang ang naitulog ko bago ako gisingin ni Karia

"Wait, let's change plans. I'll get the kidnapper, you get the hostage" rinig ko ang mahinang sabi ni Karia habang mahinang naglalakad sa p'westo ko

Nag-thumbs up pa kami sa isa't isa bago nagayos muli ng sariling p'westo ng isa't isa. It was hard, really. Hindi namin alam kung anong dapat na gawin since risky yung posis'yon. Pati si Karia ay pailing iling at tila hindi sigurado kung tama ang ginagawa niya

Nag-sign siya ng on-hold kaya nagready na ako ng maayos. Yung kaba ko umaabot sa langit. She whispered the word 'Go' and run as fast as she can to get the kidnapper. I was startled kaya napatakbo nalang din ako at nagmamadaling kinuha ang babae when someone got my eyes

He's standing there along with the police and some people looking at us. Mediyo nadistract ako kaya hindi ko nakita ang nangyari kina Karia. I was hoping she's okay at sa kasabay na pagkakataon, iniisip kong sana ay hindi niya ako namukhaan o nakita

Buti nalang at nahawakan ko ng mahigpit ang babae na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. I make sure na may medics na sa tabi niya before I went to see how's Karia. Nang hindi ko siya makita sa loob, sumilip ako sa bintana at nakita kong may hawak na rin siyang kusilyo na katulad na katulad ng sa kidnapper

"Sino ka? Bakit ka nangingialam?" paakmang sasaksakin niya sana si Karia ngunit nakailag ito

I was so lost kaya wala akong maisip na tamang gawin. Halos nagp-panic na ako pero iniiwasan kong tumingin sa baba knowing na baka nandoon si sir Jake at makita niya ako

Sobrang takot na ako para sa kaibigan ko kaya pum'westo na ako sa likod ng lalaki at kinuha ang isang kutsilyo na nasa ilalim ng damit ko. I hate heights! Buti nalang at kaya kong hindi tumingin sa baba sa mga ganitong nangyayari

"At nagsama ka pa ng chics 'ah?" sabi na naman nito na nakapagpa-trigger kay Karia. Mabilis siyang kumilos palapit dito at ako naman ay paatras

Dinig na dinig ko ang malalakas na sigaw ng mga tao pero isang sigaw lamang sa mga 'yon ang siyang naging dahilan ng pagkabigo ng plano namin

"Please be safe!" that 3 words made my world stop for second.

Nawalan ako ng balanse at hindi inaasahang muntikan ng mahulog. I was so scared! But hearing those words from someone that isn't one of my friend is just... different

NEXT~

WHEN WE MET HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon