Umuwi ako ng Batanggas ng mas maaga sa inaasahan ko dahil hindi natuloy ang Christmas Party namin. Ibinigay ko nalang ang gift ko sa mga ka-office mate ko kahit hindi pa naman talaga pasko at pumunta na sa bahay ni Karia
Magkakasama kami sa tuwing may ganitong okasiyon. Minsan kumpleto, madalas hindi. Busy kasi ang iba sa amin dahil may mga utos pa rin si Tito Millio kahit na ganito ang okasiyon
Hindi ako sigurado kung makakapunta silang lahat ngayong taon dahil hindi pa tapos ang ibang ginagawa nila. May mga sarili rin naman silang pamilya at baka sama sama rin silang magpapasko
"You know I don't have someone to be with every year" mahinang sabi ko kay Karia habang nagaayos kami ng Christmas tree
Sabay kaming nagpapasko palagi dahil wala naman kaming pamilya na pupuntahan at makakasama tuwing pasko. Kaming dalawa lang minsan ang nandito sa bahay niya pero roon naman kami sa resort nagc-celebrate palagi
I spend some days shopping. Hindi pa enough ang mga pang regalo na nabili ko sa Cavite kaya rito nalang din ako namili sa mall sa Batanggas para sa mga ibang kaibigan ko naman. Mahal na rin kasi ang ibang bilihin ngayon kaya mas mabuti kung dito ako mamimili
"Would you like to try our promo, ma'am? If you buy one of our product you can get a chance to have three" masayang sinabi sa akin ng saleslady sa isang perfume shop na pinuntahan ko
"Of course! Can you assist me inside?"
Isa lang talaga sana ang bibilhan ko ng pabango as a gift pero dahil promo napabili ako ng tatlo. Bale half lang ng babayaran ang ibinigay ko dahil sa off sale nila
Marami pa akong napamili at lahat 'yon ay naipabalot ko na rin. Ayoko namang magpatulong pa kay Karia sa pagbabalot, e mayroon din naman siyang regalo roon. Hindi na siya masusurprise kung ganoon ang gagawin ko
"Ang dami mo yatang pinamili, Rhaine. Baka mamaya ubos na ang budget mo todo buhos ka pa rin ng pera" paalala sa akin ni Seline
"Hindi 'yan. Don't worry about me! I can just withdraw anytime"
Inilagay ko ang mga regalo sa ilalim ng Christmas tree. Nandoon na rin ang mga ireregalo ni Karia. Kaming dalawa lang naman kasi ang nakatira rito, kapag wala ako ay siya lang mag-isa
Sa mga araw na naghihintay nalang kami ng pasko, gumala gala lang kami nila Seline, Karia at Hasmin. Nagsaya kami sa mga araw na naghihintay kami para sa pasko dahil wala naman kaming gagawin
Hindi pa rin dumadating ang iba naming kaibigan tulad nila Camille dahil may mga ginagawa pa sila sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong mas magiging masaya, maging kasama ang pamilya o ang mga kaibigan
Kung buhay pa kaya ang mga magulang ko, masaya ba kaming magpapasko tulad ng iba kong kaibigan at mga kakilala.
Noong araw bago magpasko ay nagpaluto nalang kami ng handa at nagpaayos nalang din ng underground house namin. Kami ang nag-design para hindi naman masiyadong makakaabala sa mga nagttrabaho rito sa resort
White Christmas ang theme ng pasko namin ngayong taon. May mga kunwaring snow pa na binili si Seline noong namas'yal kami para raw mas ramdam ang pagiging white ng pasko
"How are you? Ang laki laki mo na, Rhaine Zei" bati sa akin ng asawa ni Tito Millio. She still was beautiful as before. Hindi ko alam ano bang pinapakain ni Tito rito sa asawa niya at hindi nagbabago ang mukha
"Okay lang po ako, Tita. Ang ganda niyo pa rin po, hindi po kayo nagbabago halos"
Tumulong siya sa pagdesign sa loob ng sala. May design din ang pool at may mga kunwaring snow na nakakalat doon dahil kay Seline. Hindi ako sigurado kung makakapunta ang iba naming kaibigan dahil hindi pa sila nagsasabi sa GC
BINABASA MO ANG
WHEN WE MET HER
Teen FictionLove doesn't choose, it's the heart that will tell you the right and wrong path. Orgamission series #2 Start: September 29, 2020 End: January 25 2022 148