CHAPTER 19

3.4K 170 3
                                    

The Cold Alpha Chapter 19

HUI’S POV


HINDI ko lubos na maisip kung ano ang gagawin ni Gregory kanina habang nag-h-heat si Vernon sa kalagitnaan ng mga beta. Kahit hanggang ngayon, bumibilis parin ang tibok ng puso ko sa tuwing naalala ang mukha ni Vernon.
Matagal na ring gusto kong kausapin o makita manlang ulit ang pinakamamahal ko na best friend.

Sakto naman na nandun ang kaniyang Alpha, sabagay ako lang naman ang second lead na hindi niya nakikita ang halaga.

Kahit isang sulyap ko lang sa kaniya simula ng mga panahong nalaman kong isa pala siyang true Omega.
Napapabuntonghininga nalang ako kapag hawak-hawak ko ang aking telepono na puro walang kwentang notifications.

Isang text manlang ni Vernon at ayos na ang araw ko. This imagination and hope is elusive. I cannot bear the dread inside of my chest…

Gusto kong ibato ang aking cellphone na nasa lamesa. Gustong-gusto ko kamustahin manlang siya kung nakakain o kung ano na ginagawa niya sa mga sandaling ito.

I really miss him. I miss the old us, yung Vernon na nakilala kong masiyahin at mainitin ang ulo kung minsan. I miss hanging out with him hanggang madaling araw at uuwi kaming lasing.
Ang mga luha kong hindi ko mapigilan habang hawak-hawak ang bote ng isang beer. Napakasakit! Wala naman akong gusto kundi mapasaakin siya.

Subalit, may biglang may isang pamilyar na numero ang nag-flash sa screen ng aking phone. Napabilis ang aking pagpikit nang makita ang number ni Vernon na tumatawag saakin!
I shake my head as I brush my tears away. Hindi ako nagkakamali! Si Vernon nga ito!

Gusto kong tumalon sa sobrang saya.
“Hello?” Nang marinig ko ang boses na iyon ay parang lulukso na rin ang puso saaking dibdib. Pinilit kong kumalma na para bang hindi ako excited na maka-usap siya.

“Oh?” malamig ko na sagot at halatang nailang si Vernon sa kabilang linya.
“S-Salamat pala kanina kung hindi dahil sayo baka nakalikha na kami ng grabeng gulo sa mga beta,” sabi nito na tila ba nahihiya parin.

Gusto kong tumawa sa sobrang saya, ngunit baka sabihin ni Vernon na hindi ako seryoso.
“Wala yun. Basta ikaw.” May malapad na ngiti saaking mukha.

“Kamusta kana jan? Okay na ba ang pakiramdam mo?” ayaw kong maputol ang aming pag-uusap kaya gumawa ako ng paraan para mapabaha ito kahit papaano.

Once in a blue moon ika nga kung tumawag sa Vernon saakin. Nararamdaman ko naman sa tono ng kaniyang pananalita na sincere ito sa paghingi ng pasasalamat.
“Sorry nga rin pala last time—“
“Wala yun. Basta masaya ka na kasama yung Alpha mo.”

Sa aking pagputol ng kaniyang sinasabi ay parang tinutusok ng napakadaming kutsilyo ang aking katawan. My fist is tightening in guilt… Gustong kong sabihin na gusto ko siya, pero paano?
“Uhm… mabait naman na si Gregory saakin,” masaya ang kaniyang pagbigkas ng kaniyang pangalan. May selos na namumuo sa saaking katawan. Pilit koi tong pinipigilan pero gusto nitong kumawala saaking mahigpit na mga labi.

“Good. Tsaka nga pala Vernon…” napahinto ako sa aking mga sinasabi. I breath deeply… deep enough to let go.
“Mahal pa kita—“
“Salamat pala sa ginawa mo kanina, Hui. I appreciate it. Thank you again.”
Natigilan ako sa aking sinasabi na biglang pumalit ang boses. Sa mga sandaling iyon ay naputol din ang tawag.

I was stupid! Narinig ba ni Vernon ang sinabi ko? Parang malabo yata niyang narinig iyon dahil kinuha na ni Gregory ang cellphone sa kaniyang kamay.

Kahit ganun ay nanginginig parin ang aking katawan sa mga ‘baka’ na spekulasiyon ko sa isipan. Wala na akong ibang magawa kundi uminom hanggang makalimutan ang sakit.


VERNON’S POV


“MAAYOS na ba pakiramdam mo?” tanong saakin ni Gregory at tumango lang ako. My heat ended in four days… matagal-tagal rin ang tiis ko sa libog sa katawan.

Luckily, Gregory can control the temptation of my pheromones. May kakaibang epekto ang pills na binigay saakin ni Alpha Maddie.

Nakakapagtataka dahil kahit uminom ako dati ng heat suppressant ko ay hindi nakakatiis si Greogry na galawin ako.

“See you then, may meeting na ako with the shareholders,” pagpapa-alam niya bago sinarado ang pintuan. Naiwan nanaman ako sa loob ng penthouse. This is so boring! I should go and meet doctor Micheal.

Kinuha ko ang bagong heat suppressants na binigay ni Alpha Maddie at minaneho ang bagong Lamborghini na binili ni Gregory para saakin. Ang sarap magmaneho kasi walang traffic sa highway ng Moss District.

Mukhang napa-aga yata ang punta ko dahil sarado pa ang clinic nito. I pout out of my disappointment. Gustong-gusto ko pa namang itanong sa baliw na Alphang doctor na iyon ang hawak ko.

Sa paghakbang ko papalayo ay natigilan ang aking mga paa sa paglakad nang makita ko siya saakin harapan.
“Wala naman tayong appointment ngayong araw ah?” imbes na batiin niya ako ng ‘magandang umaga’ ay ito agad ang kaniyang tinanong. Halatang mukhang pera talaga itong baliw na ito.

“Halika at doon namin sa loob pag-usapan ang pakay mo.”
…..

Naupo ako sa couch na malapit sa bintana at tsaka inabot sa kaniya ang plastic na lalagyan ng heat suppressant. Umiba ang timpla ng mukha ni doctor Micheal sa unang tingin palang niya rito.

“M-May problema ba jan, doc?” I was curious to ask kaya hindi ko na pinalampas na tanungin.

He looked back at me. “This is just a normal heat suppressant, Vernon. However, may epekto ito sa pheromones mo habang nag-h-heat. Advanced formula ito na patent mula kay Alpha Maddie…”

I blinked twice. How did he know?!
He laughed a little bit when he looked at my tensed face.

“She is a female Alpha. Iba ang kaniyang genetics pagdating sa heat. Dahil dalawa ang organs niya, malakas ang kaniyang urge sa sex at kawawa ang kaniyang Omega.”

I was dumbfounded. Ganun pala iyon? Kung female Alpha ay iba pala ang katangian sa heat?
“Is this safe?” Sinisigurado ko na ang gamot na ito dahil baka may silbi ito saakin.

“Yes, it is.” Ngumiti siya saakin at kinuha ang kanyang coat sa coat rack.
“Aalis na ako. I have someone to attend with,” he said with confidence.

Sa sandaling nasa pintuan siya ay napahinto ito sa pagtawag ko ng kanyang pangalan, “doc Micheal.”
He stopped. My mind is confuse kung ano ang sasabihin. Mas mabilis talaga mag-react ang aking bibig kesa saaking utak.

“Thank you for your advises,” yun lang ang mga salitang lumabas saaking bibig at ngumiti ito saakin at saka sabay na rin kaming lumabas ng kaniyang maliit na clinic.
“See you,” he tapped my shoulder at saka umalis na ng tuluyan. What a good day for me to start…
I texted Gregory.

To: Alpha
[Bibisita muna ako sa bahay. I will come home at dinner time]

Pumasok ako sa loob ng aking bagong Lamborghini nang nag-vibrate ang aking cellphone sa bulsa. Tapos na ba ang meeting niya?
Binuksan ko ito at si Gregory nga!

From: Alpha
[Okay. Love you baby Vernon.]

WHAT?! Did Gregory said I love you sa text?! I am blushing right now! Ang init naman yata sa loob ng kotse. Napangiti nalang ako at binato ang phone sa passenger seat.
Shit! I don’t see it coming!

The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon