The Cold Alpha Chapter 29
HUI’S POV
“SIR, NAKAKA-ILANG bote kana po—“
“Wala kang pake alam sa ginagawa ko! Ang sabi ko sayo kumuha kapa ng beer sa chiller. Hindi mo ba ako naiintidihan?!” Halos malunod na ako sa alak pero tuloy parin sa pag-inom dahil kay Vernon.
Bakit hindi gumagana ang bound sa Omega? Dahil ba may fated pair na siya … o mas gumagana ito sa mga Alpha na Beta ang kapareha? Putang ina namang mundong ito!
Diyos ko, naging mabuting anak naman ako sa aking mga magulang. Bakit kailangan ko pang makipagsiksikan sa taong ayaw na saakin? Umasa na naman ba ako dahil gusto niya nakipag-usap saakin?
Napakatanga ko rin naman kasi kung minsan! Nilapag ni yaya Mina ang isang bucket na mayroong tatlong bote ng beer. Tumingin ako sa naiinis na niyang mukha.
“Salamat, yaya Mina. You’re the best—
Pinisil niya ang bibig ko dahilan kung bakit nahinto ako sa pangbobola sa kaniya.
“Ikaw na bata ka! Hindi ba’t sabi ko huwag mong papasobrahan ang pag-inom?! Yung hardenero natin ginagawa mo ng waiter! NAKU! NAKU TALAGA! Kung hindi lang kita inalagaan ng matagal lalayas na ako rito!”
Grabe siya makapagsalita sa amo niya.
Natawa akong tumingin muli sa kaniya at binuksan ang isang bote. “Dadagdagan ko nalang sweldo niya dahil magiging waiter ko na siya. At saka ikaw rin…. Dadagdagan ko ng limang libo ang sweldo ko kada buwan.”
Natahimik ito bigla at natulala. Kahit sino naman saakin pera lang ang habol. Pera… yan ang nagpapatakbo ng lahat—kaya mo silang paikutin sa mga kamay mo gamit lang ang limpak-limpak na salapi.
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko saaking kaliwang pisnge. Parang nawala lahat ng alcohol sa katawan ko sa kaniyang ginawa.
“AYAN BA ANG TINURO NAMIN SAYO, HUI!?” Tama siya…. Hindi ito tinuro saakin ni mom at dad.
“Isusumbong kita kay Madam Varcel dahil nag-aasta ka nanamang parang walang modo!” Akma na siyang aalis pero hinawakan ko ang kaniyang kamay.
“Yaya….” nanamlay kong tawag sa kaniya at nahinto rin ito sa paglalakad. Isa siyang Omega kaya hindi siya magagalit saakin ng husto.
Likas sa mga Omega na maaruga. Sila ang tagapag-alaga ng mga bata kaya isa sa kanilang katangian ang pagiging maunawain.
Huminga ito ng malalim bago humarap saakin. Alam kong hindi niya ako matitiis.
“Ubusin mo na ‘yan at matulog kana pagkatapos, Hui,” bilin nito saakin at niyakap ko siya ng mahigpit.
Biglang umiba ang kaniyang timpla. Hindi ko na rin mapigilan na maiyak sa tyan niya habang nakabaon ang aking mukha. Isang himas sa buhok na naging dalawa hanggang hindi ko na mabilang.
“Isa akong Omega, Hui. Isa kang Alpha, dapat maging isang huwaran sa mga beta at kapwa mo. Hindi mo kailangang maging makapangyarihan para respetuhin ng iba—“
“Hindi yan, yaya….” Pagputol ko sa kaniyang sinasabi. Akala niya siguro ay dahil ito sa trabaho. Madalang na rin kasi akong mag-share sa kaniya ng mga sekreto ko. Nakapokus lang ako kay Vernon.
“Dahil ba sa kaniya? May fated pair na ang best friend mo, Hui. Wala na tayong magagawa kung ayun ang tinakda para sa kaniya at para rin sayo.
Nararamdaman ko ang sakit na dinanas mo ngayon,” sagot nito at naupo saaking gilid.
Habang hawak-hawak ang aking mukha at dinadampian ng panyo ang aking mga luha. It hurts… the excruciating pain drills inside my chest.
It leaves a hole—a hole that consumes me all the time I think about him.
“Ang sakit! Ang sakit na tinalikuran ko siya kanina. Hindi ko kayang lumingon pabalik….” Tears flows continuously like an endless stream.
She’s quite as the spring breeze, but her hands are so warm. Alam na alam niya kung bakit ganito. Naghahalong emosiyon at alcohol sa aking utak—dahilan kung bakit nahihilo na rin ako.
Nalulunod sa mga walang katuturang kaisipan. I keep on arguing with my fake thoughts.
“Mahal mo ba talaga?”
“Oo. Mahal na mahal ko siya kahit dati pa. Si Vernon ang dahilan kung bakit hindi ako nagpapatalo.Siya ang nagturo saakin kung paano magmahal ng kapwa alpha ko. Ayaw ko sanang mag-aral ng business sa States para magkasama kami—“
Mapait katulad ng beer pag hindi malamig ang mga salitang lumalabas saaking bibig. Such an inane person would not witness my love for him.
“—Pero, gusto nila dad na roon ako.

BINABASA MO ANG
The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETED
WerewolfIsang late bloomer na Omega ang di makapaniwala na ang buong buhay niya ay magbabago, dahilan na siya ang naiiba sa kanilang pamilya pero nakatagpo ng isang rumoured cold Dominant Alpha na magiging karibal sa kaniyang childhood best friend.