The Cold Alpha Chapter 26
VERNON’S POV
NANG MAKA-UWI ako saamin nakita ko kaagad si mom na papalapit saakin. Halos magkabilaan ang kanilang mga ngiti nang makita akong umuwi saaming bahay.
“Vernon!” malakas ang sigaw ni mom at si dad ay nakangiti rin saakin habang hawak-hawak ang kaniyang folder. May pupuntahan na agad siguro siya ngayon.
“Mom! I miss you!” Mahigpit ang aking mga yakap na tila ba parang ayaw ko munang bumitaw hanggang si dad ay hinimas-himas ang aking ulo.
Napakasaya n gaming tagpo… nawawala ang aking pangamba sa mga sinabi ni Peter sa mansion.
“Bakit parang malungkot ang iyong mga mata?” Nakita iyon ni dad. Hindi ko inaasahang ayun agad ang makikita niya saakin. I scoff foolishly.
“Sino ang malungkot kung nanditi kayong dalawa?!” Nakahawak pa ako sa aking bewang para hindi makita ni dad ang nangangamba kong mga mata.
Natawa si mom saakin at niyakap akong muli. “Itong bunso ko ang dami ng alam sa buhay! Pumasok na tayo at medyo mainit sa labas.
Pinagpapawisan nga ako sa labas. Lumakad kami papasok at may tumawag sa telepono.
“Madam Celia, may naghahanap po kay Vernon sa telepono—“
“Sino yan?” agad kong tanong saaming katulong. “Si Alpha Gregory raw po, sir Vernon.”
Inabot niya saakin ang wireless na telepono. “Mom at dad sandali lang po,” I excuse myself at pumunta sa may pintuan.
“H-Hello?” nauutal kong bunggad sa telepono. Naririnig ko ang buntong-hininga ni Gregory sa kabilang linya.
“Nanjan ka naba sa inyo?” malambing niyang tanong.
“Nandito na ako—“
“Miss na agad kita. Pwedeng umuwi ka muna?” Halos mangatog ang mga tuhod ko sa kaniyang ka walang hiyaan. Hindi ganun ang boses ni Gregory kung makipag-usap saakin sa telepono.
Nararamdaman ko ang lungkot sa kaniyang tono ng pananalita. I snickered to insult him.
“Hindi ba nagpa-alam na ako sayo at sumang-ayon ka saakin? Tapos ngayon babawiin mo ang sinabi mo saakin?” galit na akong nagsasalita sa telepono pero mas lalong nagiging cute ang kaniyang boses.
Halos namumula na ang buong katawan ko tuwing binubuka niya ang kaniyang bibig.
“Sige na nga. Pag-uwi mo tirahin kita ha—“
“GAGU!” My voice turns out thunderously throughout the house. Nagulat ang lahat sa aking inasta.
“S-Sorry po….” Tumingin ako kina mom at dad pati na rin sa katulong naming litong-lito.
Tumawa lang si Gregory sa kabilang linya pero hinintay ko muna na siya ang pumutol ng aking usapan.
“Yang bibig mo talaga minsan…. Masarap pero matulis ang dila—“
“Bye!”
Pinutol ko ang tawag at siguro halos gumulong na ‘yon kakatawa sa kaniyang opisina tuwing binubuysit niya ako! UGH!
“Vernon, bakit naman ganon ka makipag-usap sa Alpha mo?”
Bigla akong nakonsensiya sa sinabi ko kay Gregory. My lips pouted and feel like I’m such an impressionable type.
“Vernon, kahit gaano kapa kagalit sa isang tao—masama itong pagsabihan ng masasakit na salita. Lagi mong tatandaan na lahat ng sinasabi mo sa iyong kapwa ay salamin ng iyong pagkatao.”
Yun ang mga salitang naantig ang aking puso. Naiyak akong tumingin kay Dad. I’m acting childish again.
Niyakap ko silang dalawa at humihikbi sa dibdib ni dad. Kasing pula na ako ng kamatis sa sobrang kahihiyan.
“Siya na may pupuntahan kami ng dad mo. I’m so sorry, son. Babawi kami sa iyo next time, huh? May business trip kasi kami sa Cavite at isang linggo iyon.Panigurado hindi mo nanaman kami makikita. Pero…. Dahil nandito ka naman na, ikaw ang mag-alaga ng mga tanim kong Cecilia sa likod ng bahay.”
Hinalikan ako ni mom sa noo pati na rin si dad bago sila umalis dalawa ng bahay. Akala ko makakapiling ko silang muli kahit isang araw ay pinagkait nanaman ang kanilang oras para saakin.
Mahirap talaga pag-anak ka ng mayaman. Mabibili ko ang lahat pwera nalang sa oras. Marami sana akong gustong i-kwento sa kanila…. Subalit, ito nanaman i-kukuwento ko nalang sa mga Cecilia.
I pity myself for being an Omega tapos kakawaan ko ulit dahil nag-iisa nanaman ako. Paano kung tawagan ko nalang si Alpha na kunin ako—
Ay mali! Si Hui! Magkikita pala kami mamayang gabi kasi yun ang pinag-usapan namin kanina.
Pumunta ako ng hardin ni mom at ang ganda ng mga putting bulalak ng kaniyang Cecilia kasing ganda ni mom at tsaka bagay sa kaniyang pangalan.
Puro at matiwasay itong tingnan.
“Alam mo ba Cecilia…. Para akong nabubuhay sa bangungot kung pwede lang na merong akong powers na balikan lahat…. Gusto ko yung pinanganak akong isang Alpha.”
Natatawa akong nakikipag-usap sa tanim ni mom.
“Mukhang nag-iisa ka nanaman ah?” May isang boses na pumukaw ng atensiyon ko. Natigilan ako sa paghimas sa mga dahon ng bulaklak. Nilingon ko at si Hui ang bumungad sa aking mga mata.
Nakangiti ito ng matamis habang ang kaniyang mga bughaw na mga mata ay naka-lock sa aking direksiyon.
“Tanghaling tapat pero nanjan ka sa halamanan ni Madam Celia? Pumasok ka muna rito, Vernon,” utos niya saakin at agaran akong pumasok.
Humilom na rin ang mga sugat na dulot nilang dalawa saakin ngunit ang panibagong sugat na dulot ni Peter ay sariwa parin.
“Kumain na muna kayong dalawa, sir Hui at Vernon,” sabi saamin ng katulong at naupo kaming dalawa sa lamesa katulad ng dati—katulad ng mga panahong hindi ko pa nakikilala si Gregory.
Masaya. Iyon ang aking nararamadaman habang kumakain kasama siya. May binigay na fresh orange juice saamin at nakikita ko pa ang pulps na lumilitaw sa tubig.
“Mas masarap pag ganito kesa sa mga concentrated drinks na nasa sachets.” Uminom na agad si Hui at sumunod na ako.
“Akala ko gabi tayo magkikita? Bakit ang aga mo naman yata, Hui?” I curiously asked him—but, he laughs foolishly.
“Gusto mo bang umuwi na ako—“
“Hindi…. Hindi naman sa ganon.” Kahit na magsungit ang aking isipan ay hindi parin talaga nakaka-ila na ang aking katawan ay naghahanap ng makakasama dahil umalis na ang tanging rason ng pagpunta ko rito.
Ayaw ko namang magmukhang umaatras sa aking salita nang murahin ko si Alpha sa linya ng telepono.
Malalim ang mga tingin ni Hui saakin. “Parang malungkot ka yata?” muli niyang tanong at inamin ko na ang aking nararamdaman.
“Una… akala ko makakasama ko si mom at dad ngayong araw, pero meron daw silang business meeting sa Cavite. Pangalawa, namura ko si Gregory sa linya at pangatlo…. Feeling ko ayaw kitang kasama,” ayun ang lumabas sa bibig ko.
Sana mainindihan ni Hui ang sitwasiyon ko.
“Ano kaba, Vernon! Nandito ako hindi para agawin ka kay Gregory, kundi para samahan ka—katulad dati nang wala pa siya sa buhay mo.”
Nanlaki ang mga ko sa kaniyang sinasabi. Tatalikuran ko na ba ang lahat dahil nakilala ko lang si Gregory? Nakapa-selfish ko naman siguro kung yun ang iisipin ko lagi.
“Salamat, Hui,” malamig iyon pero hindi niya inintindi ang aking pagiging masungit. Ngumit siyang mula para mawala ang lahat ng pangambang namumuo sa aking dibdib.
Tumayo siya at naglakad—wala akong ibang magawa kundi sundan kung saan siya dinadala ng kaniyang mga paa. Umakyat kaming dalawa sa aking kwarto na merong kaba.
Ni-lock ni Hui ang pinto.Halos malagutan ako ng hininga sa kaniyang sobrang pagkatahimik. Hinila niya ako sa may bintana at bumulong, “buksan mo, Vernon.”
Nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Bawat dampi ng kaniyang mainit na hininga ay para akong mahihilo. Pero biglang natawa si Hui.“Buksan mo na ang veranda kasi magpapahangin tayo katulad ng dati.”
Mali ako…. Agad kong kinuha ang susi sa loob ng cabinet pero ang tumambad na amoy ay mula kay Gregory.Kaparehas talaga iyon!
Hindi maitimpla ang mukha ni Hui sa kaniyang naamoy pero napakamlma ito nang makita ang pheromone bottle na merong kasing amoy niya.
May nakasulat din sa isang papel na nakasabit.
SORRY, VERNON PERO ILALAGAY KO LANG ITO PARA KUNG UMUWI KA AY HINDI KA NA MAGTATAGO SA DRAWER MO TUWING NAALALA MO ANG IYONG ALPHA.
-DAD
Naramdaman kong pumulupot ang isang kamay ni Hui saaking leeg.
“Alam na alam talaga ni Mr Franco ang kailangan mo, Vernon. It’s cute.”
Siya nalang ang kumuha ng susi sa cabinet at binuksan ang veranda.Maalikabok ang upuan—pero hindi manlang siya nagreklamo at nilinis iyon.
Ibang-iba na talaga siya sa Hui na nakilala ko dati. I feel he is more mature dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan niya sa buhay.
At a young age—successful na agad sila ni Gregory. Walang-wala ako kung ikukumpara sa kanilang dalawa.
Lumingon siya saakin at tinapik ang bakanteng parte para roon ako maupo katabi siya. Nahihiya man dahil sa ayaw nila ng aking Alpha…. Pinilit kong isipin na hindi iba si Hui saakin.
Parte siya ng pagkatao ko kaya mahirap siyang burahin. Kahit anong galit ko sa kaniya ay nawawala nalang ito bigla.
“Alam mo ba ang bound na sinasabi nila, Vernon?” Nakatingala ito sa langit habang nag-aantay ng aking sagot.
“Bound?” Wala akong maisagot sa kaniya.
He chuckles so sexy before meeting his eyes on mine.
“Bound. The one you feel whenever you are with the one you feel important. Nararamdaman ko yun sayo—kahit gaano ako kagalit kay Gregory at sa mga pilit mong aksiyon dati—“
Huminga siya ng malalim para hugutin ang mga salitang gusto niyang ibahagi saakin.
“—ini-ignore ko yun lahat dahil alam ko ikaw parin ‘yan. Ang best friend ko.”
Hindi ko namalayang tumulo ang isang patak ng luha saaking kaliwang mata. Biglaan iyon at hindi ko naramdaman, siguro dahil pinipilit kong hindi maantig sa kaniyang mga sinasabi.
Ang katawan ko mismo ang nag-re-react kahit sabihin man ng isip ko na huwag. Mainit ang kaniyang kamay na pumunas ng luha ko.
“Paano kung ginagamit lang niya ako?” Nanginginig ang aking boses tuwing nagtatanong ako kay Hui.
Biglang tumahimik ang paligid. Tanging bulong ng malakas na hangin lang ang naririnig kong umiikot sa aking tenga.
“Baka nga, Vernon. Hindi-hindi ko siya mapapatawad kung totoo na ginagamit ka lang niya. Kaya kitang protektahan laban sa kaniya—“
Niyakap ko siya kahit alam kong bawal iyon dahil ang amoy ni Hui ay didikit saaking katawan. Pero ayaw ko namang magwala ulit ito dahil kay Gregory.
Tama na ang isang beses na ayaw nila. Ang sakit-sakit tingnan na ako ang nagiging dahilan kung bakit hindi magkasundo ang dalawang dominant Alpha ng Moss District!
“Vernon! Hindi pa huli ang lahat para saating dalawa!” Sa kaniyang sinasabi ay halos hindi ko maigalaw ang isa kong daliri. Mabigat.
Mabigat ang kaniyang binibitawang salita. Ang mga apoy na lumiliyab sa kaniyang mga mata ay mahirap apulahin.
“H-Hui?” nauutal kong sambit ng kaniyang pangalan. I am afraid about his expression. This is bad.
Biglang kumawala ang kaniyang mahigpit na mga kamay saaking balikat.
“My apologies, Vernon. Pasensya na hindi ko maiwasang mahalin ka. Hindi ko maiwasang masaktan kung sakaling totoo ang mga kwentong lumilibot sa pagkatao ni Gregory.”
Tumayo si Hui at unti-unting lumakad papunta sa pintuan. Hindi ko manlang siya mapigilang lumayo. Anong klaseng kaibigan ako?!
Tiningnan ko siya sa veranda pero kahit isang lingon saakin sa itaas ay wala akong nakita hanggang sa umalis ang kaniyang sasakyan.Hanggang sa nawala na itong tuluyan—pero ang kaniyang sinabi ay parang sirang record na paulit-ulit saaking isipan.
![](https://img.wattpad.com/cover/263915201-288-k716046.jpg)
BINABASA MO ANG
The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETED
Hombres LoboIsang late bloomer na Omega ang di makapaniwala na ang buong buhay niya ay magbabago, dahilan na siya ang naiiba sa kanilang pamilya pero nakatagpo ng isang rumoured cold Dominant Alpha na magiging karibal sa kaniyang childhood best friend.