A/N
Thank you for all of your support. I will do my modules mamaya kaya mag-uupdate na muna ako para sa inyo.
Enjoy reading!🥰😗
------
The Cold Alpha Chapter 39
HUI’S POV
“SIR, MAY TUMATAWAG PO!”
I don’t respond to her. It’s either mom, dad o si Vernon na gustong mangulit saakin. I am so disappointed today. Hindi maka focus ang mga daliri ko na mag-type.I settled their hospital bill na umabot ng half million pesos. Vernon keeps on texting me, sending pictures na nag-no-notify sa iMessage. Nonetheless, simula nang araw na iyon, hindi ko binuksan ang kaniyang messages.
Sinasaktan ko lang sarili ko tuwing mababasa ang text niya.“Sir, si madam po tumatawag sa landline,” pagpapa-alam ng katulong namin at kinuha ko sa kaniya ang wireless na telephone.
I breathe deeply before uttering my words. “Yes, mom?”
“Oh my! Bakit walang buhay, Hui?!” agaran na tanong niya. I feel lifeless. That’s it!
“Busy mom, my apologies.”
“Hui…. I know you still like your best friend. Why should you go here to America? I can cover all your expenses until you find someone that suits you,” pagpapakalma niya saakin. Ayaw kong pangunahan sila.“Mom, I don’t need to go there. I am happy here in the Philippines—“
“No. Hanggang nanjan ka at nakikita mo si Vernon; you cannot focus on your work, neither on your life, Hui. Pack your things and you will move here again,” pagputol niya saakin. Tama si mom kaso … I don’t know the clear answer why I still need to stay.Dahil ba gusto ko parin siyang makita? I’m fucking broke!
“Copy that, mom.”
“Oh siya, papasok na kami ng conference ng dad mo, ha. I love you, son,” pagpapa-alam niya saakin.
“I love you too, mom. Pakisabi na rin kay dad.” I hang up the phone at talagang nag-abala pa siyang mag-roaming kasi hindi ako sumasagot sa phone.“Sir, ayos ka lang ho ba?” tanong niya saakin at umiling ako.
“Ipagtitimpla nalang kita ng juice, sir—“
Tumayo ako at lumakad papalayo sa sala. Ayaw ko ng may kausap! I want to be alone! FUCKING LEAVE ME ALONE!
Nagkulong ulit ako sa kwarto sa sobrang bigat ng pakiramdam. I need to breathe….Two weeks na rin ang nakakaraan nang lumabas sila ng ospital. Ano kaya ang gustong sabihin ni Vernon? Kahit isang tapik nalang para mabuksan ay kusang humihino ang daliri ko.
I am still not ready. Kinuha ko ang jacket at umalis ng bahay. Hapon na rin at bumisita muna ako ng hospital kung saan ang private room nila. Pinalinis ko lang iyon at blinock ang accommodation.
Pagdating ko sa hallway ay bukas ang pintuan. May nurse siguro na pumasok ng walang abiso. Tsk!
Huminto ako sa pintuan at nakita ko na may isang nurse na tinutupi ang kumot at inaayos ang higaan. Isang o-omega? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya rito sa loob ng ospital.“Who ordered you to go inside this room?” He was startled by my authoritarian voice.
“S-Sir H-Hui?” nauutal niyang tawag sa pangalan ko. The head nurse did well to make him familiarize kung sino ang nasa management. Splendid. Nawala ang galit ko kaagad.
I feel something from him. He cannot control his pheromones… hindi dumidikit sa katawan niya ito at may mga kaunting lumilipad sa hangin.
I blink twice. “How old are you?” diretsuhan kong tanong.
“Twenty-one, sir.”
Twenty-one for an Omega? He is a recessive one. Hindi siya dapat umalis ng walang kasama.
BINABASA MO ANG
The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETED
WerewolfIsang late bloomer na Omega ang di makapaniwala na ang buong buhay niya ay magbabago, dahilan na siya ang naiiba sa kanilang pamilya pero nakatagpo ng isang rumoured cold Dominant Alpha na magiging karibal sa kaniyang childhood best friend.