CHAPTER 25

3K 136 11
                                    

The Cold Alpha Chapter 25

HUI’S POV

MAY KUMATOK sa pintuan ng tatlong beses. Agad kong tiniklop ang folder na hawak-hawak ko.

“Pasok,” katamtamang lakas ko na tugon at pumasok si Beta Carl sa loob ng opisina. Laking gulat ko naman na makikita siya sa ganitong oras.

“Gabi na. Anong meron at napapunta ka talaga rito?” mahina kong tanong sa kaniya at naupo lamang ito sa sofa. Malamig ang gabi at malungkot na rin tuwing mag-isa.

Kahit gusto kong walang kumukumusta saakin ay parang nawawala ang pride ko na ‘yon kung may isang nakaka-alala saakin. Mahirap maging solo lalo na sa panahong kailangan ko rin ng mga kaibigan.

Nawala na si Vernon saakin…. Pero bakit ganun? Bakit may isang parte ng pagkatao ko na gusto ko siyang angkinin? Walang masyadong magandang ala-ala si Vernon sa kaniya.

We have history. Mahirap iyon tapatan. Subalit…. Subalit wala akong magagawa dahil sa pagkakataong ito, pinipilit din ni Gregory na maging mabuting Alpha sa kaniya.

Natatakot ako na baka isang araw ay tuluyan na akong lisanin ng matalik kong kaibigan. I love him so much. Mahal ko is Vernon higit pa sa nasasalita ng aking bibig.

“Mahirap kunan ng impormasiyon si Alpha Gregory Dela Vega. Halos wala akong makitang masamang intensiyon sa kaniya—“

Ayaw kong marinig yun! Nang-iinit ang aking katawan sa kaniyang ginawa saakin. I stole him from me.

“That’s why your job is to find me interesting facts about him,” pagputol ko sa kaniyang walang kwentang sinasabi. Hindi ko ganoon
maramdaman ang sarisaring emosiyon na parang roller coaster saaking dibdib.

Tanging pamamanhid at galit lang ang pumapa-ibabaw saaking katawan.

“S-Sorry, sir! I will do my best!” sigaw nito at yumuko bago umalis ng tuluyan. Hindi ko na rin namalayang nabali ang ballpen na hawak-hawak ko sa sobrang inis.

PAGKA-UMAGA, agad rin akong pumasok sa opisina at nag-inspeksiyon ng mga gamit. Maayos naman ang lahat, pero tinawag ako ng isang empleyado at agad siyang lumapit saakin.

“Sir Hui, meron pong naghahanap sa inyo,” sabi nito at napakunot ang aking noo dahil wala naman akong appointment sa araw na ito.

“Salamat,” sagot ko sa kaniya at lumakad na papalayo. Sumakay ako ng elevator para pumunta sa opisina ko at sa pagbukas ko ng pinto…. Nagulat ako nang makita si Vernon.

Halos hindi ko maigalaw ang aking daliri sa pagkataranta. Kung kaharap ko siya ay parang bumabagal ang lahat. Ni ulitimong pag-ngiti niya saakin ay bumabagal saaking paningin.

Ngunit, dapat maging pormal ako dahil oras ito ng trabaho at hindi ng landian. He sighed—pulling the words he wants to say to me.

“Napabisita ka yata?” malamig ang tono na lumabas saaking bibig dahil hindi ko inexpect na makikita siya sa ganitong oras. May halong kaba ang awra ni Vernon habang nakayuko.

Malungkot iyon. May bahid ng pag-aalinlangan ang kaniyang pagsasalita, “Sorry pala sa ginawa ni Alpha Gregory sayo. Kasalanan ko kasi talaga dapat hindi na tayo nagkikita.”

Para akong lumilipad sa langit sa pagsabi niya nang sorry, pero agad naman akong bumagsak na nauna ang mukha sa pagbawi niya nito. Halos nanunuyo ang lalamunan kong tumitingin sa kaniyang mga mata.

“Pero Hui…”

Pina-upo ko siya sa sofa at binigyan ng tubig. Gusto ko kami lang dalawa ang nasa loob at wala ng iba pa. Gusto kong masolo si Vernon kahit sa mga hiram na sandaling ito.

“Pero ano, Vernon?”

“Naririnig kong nagtatalo si Peter at Gregory kahapon pagkatapos ng heat ko. Biglang triniger ni Peter ang heat ko para sa kaniyang eksperimento pero mabuti nandoon si Alpha para pakalmahin ako.”

Naluluha na ito habang nag-kukuwento at nag-aalilangang yumakap saakin.

Nagseselos pero mas inuuna ko ang kaniyang nararamdaman. Hindi ganito si Vernon…. Hindi siya ang tipong Omega na basta-basta nalang sumusuko at nalulungkot.

Merong kakaiba sa kaniyang kinikilos, kahit ako ay gulong-gulo. Hinagod ko lang ang kaniyang likod at nagsalita itong muli.

“Natatakot ako, Hui. Natatakot ako na baka totoo ang narinig ko mula kay Peter.”

Nanlilisik ang mga mata kong nakikinig sa kaniya. Galit ang bumabalot saaking puso—galit para kay Gregory. Ang amoy ng pheromones ni Vernon ay hindi mabango pag siya ay malungkot.

“Ano ba ang sinabi ni Peter kung gusto mong sabihin saakin.” Hinaplos-haplos ko ang kaniyang mga buhok. Malambot at nakakawala ng aking stress. Ganito pala talaga pag merong Omega sa tabi mo.

I envy Gregory to my bones.
“Totoo ba na ginagamit lang ako ni Gregory? Para saan? Hui…. Gusto ko siyang tanungin pero natatakot ako nab aka magbago ang pakikitungo niya saakin—“

Kahit sobrang saya ko na merong butas na nakita mula sa kaniya ay nilagay ko ang index finger ko sa kaniyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay natigilan si Vernon sa pagsasalita.

“Kahit ayaw ko si Gregory para sayo…. Matuto kang tumanggap ng katotohanan lamang. Hindi natin alam kung may galit ba si Peter sa kaniya kaya nasabi niya iyon. Alam ko namang mahal mo si Gregory,” pagpapakalma ko sa kaniya.

Pero ang hindi alam ni Vernon ay sobrang sakit na pinipiga ang aking puso tuwing sinasabi ko iyon.
“Paano kung totoo ang narinig ko mula sa kaniya—“

Ayaw ko ng patapusin ang kaniyang sinasabi dahil masakit marinig. Masakit marinig na ang taong mahal mo ay humihingi ng tulong sayo tungkol sa ibang tao.

“I don’t have the right, Vernon. You are not my fated pair…. Hindi kita pag mamay-ari,” sabi ko sa kaniya na tinulo ng kaniyang mga luha.

FUCK! Gusto kong suntikin ang pader sa sobrang gigil ko kay Gregory! Bakit kasi hindi nalang ako ang pinili mo sa una palang?! Ako ang dapat para sayo, Vernon!

Kahit sabihin ko pa iyon ng paulit-ulit sa aking isipan…. Tikom ang aking mga labi sa katotohanan.

Kailangan kong kumalap pa ng maraming impormasiyon para kay Gregory kahit alam ko na mali. Baka sakali pang mag-iba ang tingin ni Vernon sa kaniya at ako ang kaniyang piliin sa huling pagkakataon.

Pero paano? Patuloy lang sa pag-iyak sa Vernon sa aking dibdib, katulad ng kaniyang ginagawa ng kami ay maliliit pa. Simula palang sa una, alam ko nang mahina siya pero wala ako sa tabi niya para ako ang kaniyang maging fated pair.

Ang tanga-tanga ko!

“Hui…. Pwede ba na wag mong sabihin na nagkita tayo? Ayaw ko na kasing nag-aaway kayo dahil saakin. Please?” Ang dating kumikinang at masungit niyang mga mata ay napapalitan ng takot at pangamba.

Pinisil ko lang ang kanyang pisngi at ngumiti ng bahagya.

“I promise, Vernon.” Masaya na ako na nayakap niya akong muli. Aaminin ko rin na mali ang pagsamantalan siya sa mga pagkakataong naganap na.
“Mauna na ako. Baka naabala pa kita—“

Hinawakan ko ang kaniyang gabay—gusto ko pa siyang manatili kahit ilang saglit lang. Ilang saglit lang na makapiling ko muli ang aking kaibigan… kahit yun lang ang tingin niya saakin. Kaibigan.

“Ihatid na kita,” I offer him help, but he refuses.

“May sasakyan ako. Nagpa-alam kasi ako kay Gregory na dito muna ako kina Mom at Dad kahit isang araw lang,” sagot naman nito at nabuhayan ako bigla. Kung dito muna siya kina Mr Franco ay makikita ko siyang muli.

Tumango lang ako sa kaniya. “B-Baka pwedeng makita kita ulit sa bahay niyo?” I know it’s crazy to say this, but I am too desperate.

Ngumiti si Vernon, hudyat na sumasang-ayon ito saakin. “Uhm! Let’s talk like we used before.”

The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon