The Cold Alpha Chapter 33
VERNON’S POV
1:30 PM
“SIR VERNON, magandang hapon po. May naghahanap po sa inyong Alpha,” sabi ng guard na nasa lobby. Saktong dumating si Alpha Maddie at nagtanong na rin, “sino yun?”
Baka kaibigan lang niya? Sa ilang buwan ko nang pamamalagi rito sa hotel niya ay ngayon lang ako nakarinig na merong gustong bumisita sa kaniya.
“Hindi ko po naitanong ang pangalan, pasensiya na po. Nasa reception area po siya sa kabilang building.” Lumakad kaming dalawa ni Alpha Maddie kasama na rin ang guard.
She gasped all of a sudden. “Why is she here?” Alpha Maddie fiercely asked.
“Sabi niya saakin kanina, Alpha… bibisitahin lang niya ang bossing ko."
“Vernon, please go back to your room,” nagmamadali nitong utos saakin. She doesn’t have gist how it hungers my curiosity.
Lumakad ako papunta sa kaniya at napahinto naman siya sa paglalakad. Isang magandang babae na kaedaran siguro ito ni Mr Cha sa kaniyang tindig at itsura.
“Hello, I am Carrie. Can I ask if Gregory is available?” malambig na tanong niya saakin. Ngumiti naman ako sa kaniya at magaan ang pakikitungo sa kaniya.
“My Alpha is not around, Ms Carrie. Nasa Palawan sila ngayon,” sagot ko sa kaniya at natulala ito.
Biglang sumingit si Alpha Maddie saaming gitna. “Carrie, hindi ba kabilin-bilinan sayo ni Gregory na huwag ka nang magpapakita?”
Gulong-gulo ang isipan ko sa pakikinig sa kanilang dalawa. Nanlalamig ang mga dulo ng aking paa at kamay kasabay ng panginigisay ng aking katawan.
Ano ang relasiyon niya kay Gregory?! Gusto kong magtanong pero mukhang malalim ang pag-uusap nilang dalawa.
“Follow me,” lumakad silang dalawa. Sumama ako sa kanila hanggang sa meeting room sa first floor. Alpha Maddie clears her throat.
“Vernon…. How could I explain this—“
Pinutol ni Carrie ang kaniyang pananalita at tumingin saaking mga mata. “I’m not here to cause trouble, Vernon. I am here to finally say to Gregory na ikakasal na ako sa isang beta. I want to invite him kaso parang ayaw ni Maddie.”
I crane my neck downwards to face my shoes. Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. Ano ang nakaraan niya kasama ang aking tarantadong Alpha?
“I’m sorry Carrie. Pwede bang matanong kung anong relasiyon ang meron kayo ni Alpha Gregory ko?” Nilakasan ko ang loob ko na humarap sa kaniyang mga maiitim na mata.
Napalunok itong umupo; walang imik si Alpha Maddie na kumuha ng dalawang basong tubig para saamin. I want to know…. I fucking want.
“Gregory is just a friend of mine—“
“Friends cannot be awkward, Ms Carrie,” gumalang na ako ng kaunti sa kaniya kahit malamig na nagsalita agad. Ayaw kong makarinig ng kasinungalingan galing sa isang beta.
She chuckles lightly—holding my hands. “I will be candid, Vernon. I am one of his women before… nabuntis ako ni Gregory pero….” Natigil ito sa pagsasalita.
Tumingin ako kay Maddie. My head is totally messed up! Bumuntong-hininga bago tumignin kay Carrie. Her eyes don’t lie—in fact, she is looking straight into my eyes.
“Tell me the truth, Ms Carrie. I’m begging you,” paki-usap ko sa kaniya. Para akong magwawala sa aking naririnig pero mahal ko si Alpha—kaya mas nasasaktan ako kung itatago pa niya ito.
Hanggang kalian siya maglilihim saakin? Wala akong tinatago sa kaniya, pero siya napakadami! Tanging tunog ng pagbuhos ng tubig sa baso ang naririnig ko.
Our mouths are muffled in this situation. However, Carrie seems determined to tell me the truth.
“Nabuntis ako ni Gregory. Hindi ako ang kaniyang fated pair kaya napagdesisyunan naming ilaglag ang bata.”
Nabitawan ko ang baso saaking kamay. Nabasag ito at kumalat ang malamig na tubig tsaka bubog. Kinuha ni Alpha Maddie ang mga piraso nito sa sahig, at ang guard ay kumuha ng mop.
“P-Pinalaglag?” nauutal kong tanong. Tumango siya dala-dala ang pait ng nakaraan. She didn’t flinch when the glass dropped on the floor. Malalim siguro ang kaniyang iniisip kaya ganon. I feel guilty about her past.
“Gregory….” I squeeze the paper on my side. Sobrang gigil na napupunit na ang bahagi nito.
“Please continue,” kahit sobrang sakit pakinggan ayun lang ang lumabas sa bibig ko dahil mas gusto kong maging klaro ang lahat.
“My bad for telling you this. I know you are his fated pair dahil kumalat ang balita na merong na siyang fated pair na isang true Omega. Natuwa ako dahil ayun ang dahilan bakit namin nagawa iyon.”
Ngumiti ito ng hilaw at nagpatuloy, “kung dadalhin ko ang bata at matatagpuan ka niya na totoong fated pair niya… malamang mas gugulo ang lahat, Vernon. Aminin ko man na nasaktan ako ng husto, pero habang lumilipas ang panahon na tanging nakakagamot ng malalim na sugat, may dahilan ang lahat-lahat.”
Tumulo ang mga luha ko ng hindi inaasahan. Babae siya at dapat may respeto si Gregory sa kaniya. “How come he did that, Maddie?!” sumigaw ako pero tikom ang bibig nito na tumingin saakin.
Carrie holds my shoulder. “Sana hindi nalang ako nagpakita sayo. Wrong timing ang punt ako, I will see to it tomorrow, we will talk about it again dahil nangako siya na mag-twenty five ito ay babalikan namin ang isa’t-isa para mag-let go,” pagpapakalma niya saakin.
“Hindi yun ang point ko. How come he did that to you?! That asshole!” Sa aking paghingal ay may napansin si Carrie saakin. Hinawakan niya ang aking pulso sa leeg.
Napapikit siya ng dalawang beses bago tumingin kay Alpha Maddie.
“Maddie…. Could you check this for me?” Lumapit siya at nilapat ang kamay sa aking pulsuhan. Napa-awang ang mga bibig nila sa hindi ko alam na dahilan.
“Vernon.” Kumakabog ang dibdib ko sa pagtawag nila saaking pangalan. I am anxious if they would know!
“Buntis ka, Vernon,” sabi ni Carrie at napatabon ng bibig. Sumang-ayon si Maddie sa kaniya at ngumiti saakin.
“Ang mga Omega ay nagpapakita ng mas mabilis na sign tuwing buntis, hindi tulad naming mga beta na ilang linggo bago magpakita ng sintomas.
I’m in total confusion. Bakit sobrang aga? Hindi nga talaga nagkakamali si Doc Micheal kahit nakakapikon ang kaniyang mukha.
“I hope all the best for you, Vernon. Seems like Gregory is now using his balls. Limang taon na rin kasi ang nakaraan at sobrang dami na ang nagbabago. Alagaan mo ang iyong sarili—“
Tumakbo ako papalayo habang umiiyak. Hindi ko kayang pakinggan ang mga pamanlinglang niyang salita! Hindi siya pumunta para kay Gregory! Pumunta siya para siraan kaming dalawa!
My Omega’s instinct keeps on kicking inside my head. Malakas kong sinara ang pinto at nag drive papunta ng mansion. Pagdating ng hapon ay kinausap muli ako ni Alpha Maddie.
“Just take it, Vernon. You are hurting because you love Gregory… more than your mouth denies the truth,” anas niya saakin.
“M-Maddie? P-Paano ang a-anak namin—“ Nilagay niya ang hintuturo saaking mga labi. Agad na tumahimik ang paligid kahit nanginginig padin ang aking kalamnan.
Hinawakan niya ang aking tyan. “This child is the true heir of Gregory. Madalas sa mga hindi fated pair ay hindi normal ang mga anak o nalalaglag din. Kakaunti lang ang ganong mga kaso,” sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.
Panay ang iyak ko sa kaniyang bisig dahil sobrang sakit na malaman sa babae ko pa mismo nalaman ang kawalang-hiya ng aking Alpha.
“I-I will go to Hui. He will listen to me,” pagpapa-alam ko sa kaniya. Wala akong narinig na reklamo o pagpipigil na hindi ko kitain ang aking best friend.
“What’s meant to be is always meant to be, Vernon. Ako na ang kakausap kay Gregory at Carrie para sayo. Nandito lang naman ako palagi kung may problema ka, hindi kita iiwan.” Niyakap pa niya ako ng mahigpit.
Humahangulhol na ako sa kaka-iyak hanggang alas dose ng gabi. Hindi ako makakain ng maayos at nagkulong lang sa kuwarto. Matiyaga akong naghintay sa kaniya at sa kanilang pagdating… kumpleto ang Dela Vega family.
Bitbit ni Gregory ang isang plastic.Ayun siguro ang gusto kong pasalubong na mga bracelet mula Palawan. Hindi ko siya matitigan sa kaniyang mga mata—gusto na ng katawan ko na umalis sa kanilang mansiyon.
Tinanong ko kung sino si Carrie, subalit tikom ang kaniyang mga bibig na magsabi saakin ng katotohanan. Naduduwag ang kaniyang kaluluwa na aminin.
“B-Buntis ako…. G-Gregory pero may nililihim ka pa saakin. Let go. I will find a place to live alone—“
“Baby, listen to me first—“
Ayaw ko ng marinig ang kaniyang mga palusot! Mahal kita, Gregory at alam mo yun! Totoo nga na bata palang ako para intindihin ang lahat ng mga bagay-bagay sa mundong ito.
Hindi ko na kinuha sa sasakyan ko ang susi at pinaharurot ang sasakyan.Hinayaan ko na si Alpha Maddie ang kumausap sa kaniya. Sobrang sakit na iwan siya—pero mas masakit kung hindi ko mapapatunayan kung mahal ba niya akong talaga.
Baka ginagamit lang ako ni Gregory para kalimutan ang nakaraan niya? Hindi naman ako isang option; I deserve better than today.
Dinala ako ng sasakyan ko sa bahay ni Hui. Malapit ito sa Makati at saktong wala na halos mga sasakyan sa hating-gabi.
Bumaba ako ng kotse at kumatok sa kaniyang pintuan. Sana nandito siya sa kaniyang bahay sa Forbes. Tanging ilaw nalang sa terrace ang nakabukas.
Ngunit, isang saglit ay bumukas ang ilaw pati na rin ang pintuan. Nakita ko si Hui na nasa kaniyang boxers. Halatang bagong gising, pero namilog ang mga mata sa pagkakita saakin.
“V-Vernon?!” napasigaw ito—pumasok ako sa loob at naiiyak parin. Ni lock niya ang pintuan at inakbayan ako sa balikat.
“H-Hui… h-help me, please.”
BINABASA MO ANG
The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETED
WerwolfIsang late bloomer na Omega ang di makapaniwala na ang buong buhay niya ay magbabago, dahilan na siya ang naiiba sa kanilang pamilya pero nakatagpo ng isang rumoured cold Dominant Alpha na magiging karibal sa kaniyang childhood best friend.