CHAPTER 27

2.5K 145 1
                                    

The Cold Alpha Chapter 27

GREGORY’S POV

“NASA IBABA na ang mga kailangan mong papeles, Gregory,” mahinang tugon ni Kuya Cha saakin bago siya umalis ng kaniyang opisina.

Halos hindi ako makahinga na sa ngayon kalahati ng mga papeles na kailangan para sa construction firm ay nasa kamay ko. Hindi ko maiwagling ngumiti sa salamin sa kabilang dako ng opisina.

Sa aking paglalakad sa hagdan ay merong isang pamilyar na amoy sa hindi kalayuan. Mas bumilis ang paghakbang ng aking mga paa.

“Vernon?” nagtataka kong tawag sa kaniyang pangalan. Tulala ito at para bang malalim ang iniisip.

“Alpha,” sagot nito at may kakaibang awra ang nararamdaman ko tuwing tumitingin siya saakin ng malalim.

Hindi pwedeng humadlang si Vernon sa mga plano ko na maging isang pinakamalakas at maimpluwensiyang Alpha sa Moss Disctrict. Mas hihigitan ko ang mga ginawa ni Dad at ng kaniyang mga magulang.

Si Vernon ang susi sa lahat ng iyon. Bumuntong-hininga akong lumapit sa kaniya.

“Bakit umuwi ka—“

“Ayaw mo ba akong makita?” I yelp in surprise. I didn’t expect to hear it from him…. Gusto ko siyang makita kaya nga biniro ko siyang umuwi agad dahil na mimiss ko ang kaniyang amoy, katawan at ang boses niyang hindi ko alam kung galit o masaya ba kung minsan.

Gusto ko ang lahat mula sa kaniya. Siya ang aking Omega…. Pero, hanggang saan ito hahantong? Gusto nila ng anak mula kay Vernon dahil siya ang aking fated pair.

Hindi maaring magka-anak kami kaagad dahil nakapabata pa ni Vernon.

Tiyak na hindi pa niya alam kung paano mag-alaga ng bata. Natatakot din ako sa kaniyang magiging reaksiyon kung malalaman niya na magiging nanay na siya saaming supling.

I gulp in desperation of asking what is wrong. He is my serendipity in times when I don’t expect his presence—lasting this long.

“H-Hindi naman sa ganon… nagulat lang ako nang makita ka dahil nagpa-alam ka saakin.” Hinila ko siya sa isang banda at tumingin ng maigi sa kaniyang mga mata.

“May problema ba?”

Mukhang iba ang kaniyang damit.
Napakabilis naman yata niyang magpalit? Bakit ano ang dahilan ng kaniyang pagpalit nito? Hindi ganon si Vernon—isang beses lang ito nagsusuot ng damit kahit magkasama kami.
I smiled to ease his pain even he didn’t want me to have a gist.

“Malapit na ring gumabi. Kaya mo ba akong hintayin pagkatapos ng opisina?”

“Pwede naman….” Nahihiya itong sumagot saakin kaya matipid ang buka ng kaniyang bibig.

Hinimas ko ang kaniyang ulo pero sa aking paghawak ay merong kakaiba. Hindi muna ako nagpahalata saaking naramdaman at hinayaan siyang umalis bago ko inamoy ang aking palad.

Hindi ako nagkakamali! Amoy ito ni Hui! Ang buysit na iyon! Ano kaya ang ginawa niya kay Vernon at naging matamlay ang Omega ko?!


ILANG oras pa ang aking hinintay bago kami tuluyang maka-uwi ng penthouse. Gustong-gusto rito ni Vernon dahil sa picturesque na tanawin ng Moss District.

“Linggo na pala bukas, may appointment kaba kay doctor Micheal mo?” tanong ko sa kaniya habang unti-unting tinatanggal ang aking polo. Sa wakas! Nakahinga rin ng maluwag.
Naupo ako sa gilid ng kama—nag-aantay ng kaniyang sagot. Segundo hanggang naging sa minutong wala siyang imik sa gilid. Niyakap ko ang kaniyang katawan at inihiga sa kama, pero wala iyong response.

Tahimik lang ang Omega ko. “May problema ba, baby?” bulong ko sa kaniya sabay kagat sa kaniyang tenga.

“Wala naman. Nagugutom na ako, Alpha.” Kumukulo na rin ang kaniyang tiyan kaya nagpadala nalang ako kay Alpha Maddie ng makakain naming dalawa.

His face turns delightful nang makakain na siya. “Alpha….” tawag nito saakin sa mahinang boses. I look in his direction.

“Uhm?”

A moment of silence for him. Nilapag ni baby ang kaniyang kubyertos bago tumingin saaking mga berdeng mata.
“Tototo ba na ginagamit mo lang ako?” halos mamanhid ang aking buong katawan na tila ba bumagsak ang langit at lupa saakin ng sabay.

Hindi ko inaasahang tatanungin saakin ni Vernon yun! I feel my throat is parched.

“Huh? B-Bakit naman kita gagamitin? Alam mong fated pair kita at wala akong intensiyon na gamitin ka sa kung ano mang bagay ang gusto ko—“

“Why you’re so defensive? Oo o hindi lang naman ang gusto kong malaman mula sayo.”

Naging malamig ang kaniyang boses na mas kinainis ko na. “Kanino mo naman narinig yan?” prangka ang boses ko sa pagtanong sa kaniya.

Tumahimik muli si Vernon at tumayo. Napakabastos ng kaniyan ginawa pero hindi ko pwedeng sigawan ito dahil alam ko kung saan hahantong ang mga ganitong sitwasiyon.

Isa akong Alpha at responsibilidad kong gawing balanse ang lahat—kahit hindi ko iyong magawa sa sarili kong buhay. Subalit, baka magawa ko yun para sa kaniya.

“Kay Peter….” Mahina niyang sagot. Matamlay ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig, may halo rin itong kaba at takot.

“Naniniwala ka sa lunatic kong kapatid?” seryoso kong tanong sa kaniya at natahimik siyang bigla sa pagtayo ko. Papalapit ang aking mga paa sa kaniya kaya napa-atras ito sa may lababo.

Hindi siya makatingin saakin hanggang ako na mismo ang humawak ng kaniyang baba para tumingin sa aking mga mata.

“Sumagot ka, Vernon.” Ayaw kong mawala ang amor ko sa kaniya kahit anong mangyare. Mas masakit na makita siya na kasama si Hui. Parang isang daang beses na sinasaksak ang puso ko sa selos.

Ano ba namang laban ko sa history nila? Kahit anong mangyare…. Meron parin akong karapatang mas higitan ang mga panahong iyon. Mas hihigitan ko pa iyon kung magtitiwala siya saakin.

Sa edad ni Vernon ay alam kong hindi pa pangseryosohan ang kaniyang hanap. Alam ko ‘yon dahil nanggaling na ako sa kaniyang edad at sa mga panahon nayon—inaamin kong madami na rin akong nasaktan dahil isa akong Alpha.

Likas saamin ang manggamit, manloko at maging marahas sa mas nakakababa saamin. Subalit, nag-iba ang lahat nang makilala kita, Vernon. Kahit anong pilit kong sabihing gusto kitang gamitin sa mga plano ko.

Mas nagiging lito ang aking isipan at parang ayaw kong mawala ka saaking paningin kaya hindi kita iiwan. Magagamit mo rin ako sa hinaharap. Magagamit sa tuluyang pagtanggap mo sa iyong totoong pagkatao.

“Ako naman ang magtatanong,” anas ko na kinalaki ng kaniyang mga mata. Lumalamig ang dulo ng kaniyang mga dalira sa tuwing tumitingin ako ng matalim.

He fears me the most. “Nagkita ba kayo ni Hui? Nagkita ba kayo para siraan ako sa paningin mo? Hindi ka ba nagtitiwala saakin, Omega?”

Umagos ang kaniyang mga luha sa aking palad at patuloy siyang tumitingin saakin. Pilit na pinapaintindi na hindi ayos ang lahat.
My face turns fiercer and fierce while looking at him.

“Nag-usap kami. Litong-lito ako kung bakit sinabi ng kapatid mo yun. May tinatago ka bang sekreto saakin, Alpha?” nanginginig ang boses niya.

Hindi mapawi ng kaniyang mga luha hanggang sa isang sandali na wala na itong mailabas. Niyakap ko siya na walang sinasabing isang salita para hindi na ito umiyak pa.

Nasasaktan akong makita siyang nalilito. “Walang katotohanan ang mga iyon, baby. Wag mo silang paniwalaan… ako ang Alpha mo at wala ng iba pa.

Gagawin ko ang lahat para sayo—“
“Tama na, Gregory. Gusto ko ng umuwi saamin. Ayaw na kitang makasama—para hindi na lumalim ang mga sugat—“

Hindi ko rin siya pinatapos ng kaniyang pagsasalita nang nilagay ko ang aking hintuturo sa pagitan ng kaniyang mga labi. Ramdam ko ang panginginig nito.

His whole body shudders in fear.
“Walang aalis ng pamamahay na ito, Vernon. Hindi si Hui ang para sayo!” hindi ko na maikontrol ang aking sarili na nandidilim na ang aking paningin. Tinatawag ako ni Vernon pero hindi ko siya marinig.

Tanging buka ng kaniyang bibig at takot na mukha lamang ang nakikita ko, pero blur. Hindi ko ma kontrol ang init na lumalabas sa aking katawan—dahil naipon na ito.

“Baby, run away. Call Maddie for me,” utos ko sa kaniya pero nanjan parin ang mga kamay niya saaking balikat. Mainit. Sobrang init ng katawan ko na parang sinisiklaban.

Nasusunog na ba ako? Pero bakit ang lalamig ng mga paa at kamay ko? Kinakapos na ako sa hininga….

“Baby…. Stay away from me….” Ayun ang huli kong nasabi pero nanjan parin siya saaking harapan.

I need him…. I need his body to calm down. I’m sorry, baby.

The Cold Alpha (MPreg BL) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon