Twenty Four: I Think You're Brave

78 7 17
                                    

"Auntie, honestly I don't want to bother you about this pero..."

Huling lagok at naubos na ang laman ng boteng iniinom ko. Padabog na inilapag ko 'yun sa table at agad na kumuha ng panibago.

No one's minding me. Ang lahat ay nagkakasaya at nagpapadala sa ingay ng mga tao at tunog sa club. Kahit ang mga kasama kong kaibigan ay walang pakialam kung paano ako nagpapakalunod sa alak ngayon.

"I'm worried about Raius... Lately, we've been fighting a lot..."

Mabilis kong nilagok ang kabubukas ko lang na bote at narinig ko ang kantyaw ni Angelus na kakaupo lang din sa tabi ko.

"Easy, Bree. May bukas pa!"

Nilingon ko siya at kataka-taka kung bakit hindi pa siya lasing tulad ko.

"and you'd be so surprised kung sino ang babaeng sumisira sa relasyon namin ngayon, Auntie."

Hindi ko na lang pinansin si Angelus at ibinalik sa mga alak sa table ang pansin. I want to get so intoxicated to the point that I would forget everything that I did today-- everything.

"Sa lagay mo na 'yan, 'di na talaga 'ko makakainom." Reklamo ni Angelus.

"Edi uminom ka! May pumipigil ba sa'yo? Wala namang may pake." I said, annoyed with his face.

"Meron! Si Theo! 'Wag mong kalimutang pangalan ni Theo ginamit natin para payagan ka ngayon. He would go nuts 'pag nalaman niya 'to. Paano pa 'pag may nangyari sa'ting masama dahil pareho tayong lasing?"

"Don't worry. He'd be on the plane by now. May out-of-the-country business. Malaman niya man, wala na siyang magagawa..."

Hindi siya nagsalita kaya napalingon ako sa kaniya. Kakaiba na ang ngisi't tingin niya sa'kin habang nakasandal sa sofa at nakahalukipkip. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Wow, alam ang schedule. When did you two get so close?" Makahulugang aniya. "Pansin ko nitong mga nakaraan--"

"Shut-up!" Putol ko sa nonsense niya.

Inirapan ko siya bago lumagok ulit.

"Ah basta! 'Pag nalaman niya 'to, sasabihin ko it was all your idea."

What a fucking coward. Takot na takot kay Theo eh wala namang magagawa 'yun. He's not even here right now!

Binalewala ko na si Angelus at bumalik na sa pag-inom.

"I'm sure you remember Cecilia Gabriel...Yes, Auntie, tito Rome's mistress."

Napasuklay ako ng buhok gamit ang kamay habang dirediretso ang pag-inom.

"She has a daughter named Celestina... At no'ng isang araw lang, Rai confessed to me and said that he has fallen for her..."

Napapikit ako habang nag-eecho sa utak ko ang mga sinabi ko kay Auntie Fely kanina nang magkita kami.

"And honestly, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang tuluyan na siyang nabilog ng babaeng 'yun."

Auntie was almost hysterical when she understood the situation. Halos maiyak siya sa galit at muhing naramdaman niya. Paulit ulit niyang sinabing hindi niya hahayaan ito. Na gagawin niya ang lahat para hadlangan ang dalawa at sirain ang babaeng 'yun.

At dapat ay masaya ako...

Dapat ay nakahinga na ako nang maluwag ngayon dahil finally, may sagot na sa lahat ng problema ko.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon