Twenty: If it wasn't him

70 13 2
                                    

Matapos niyang sabihin sa'kin ang mga salitang 'yun, hindi niya na ako binigyan ng pagkakataong magreact pa. Pinakita niya sa'kin ang bote ng beer na wala nang laman sa kamay niya then he stood up and left. Iniwan akong mag-isa at naguguluhan.

I suddenly realized that he always keeps his words. No matter what the circumstance is. Ni hindi niya nga ako hinayaang makapagtanong kung anong ibig niyang sabihin.

Hindi nagtagal ay lumitaw si Angelus at tinawag ako pabalik sa party. Hindi ko inakalang maaalala niya pa ako sa sobrang pagpapakasaya niya sa loob. 

Dumiretso na ako kay Nikko na saktong nag-iisa na lang sa table niya, dinaluhan din kami ni Angelus. Nagkamustahan lang kami at nag-usap tungkol sa mga plano namin in the future.

"So, you're really staying there for good?" Tanong ko.

"Pwede naman akong bumalik dito kahit kailan, pero I don't think I would. Wala naman na 'kong babalikan pa." Iling niya at lumagok na naman sa beer niya. I noticed that there's something off about him today. Para bang problemado sa kung ano man.

"Pre, babae lang 'yun. Makakalimutan mo rin 'yan. Tignan mo, next year nandito ka na ulit." Sabat ni Angelus.

Oh. So it's really about a girl? Kaya siya aalis? Akala ko ay rumors lang 'yun.

That's shocking. Never kong naisip na ang tulad ni Nikko na sobrang seryoso at passionate sa craft niya ay magkakaro'n pa ng time para sa lovelife. Umabot pa sa puntong pumili siya ng mabigat na desisyong malaki ang magiging epekto sa buhay niya.

"Pre, palibhasa takot na takot ka magseryoso. Tignan mo, naunahan ka ni Tristan."

Nanlaki ang mga mata ko't napalingon kay Nikko. Nakakagulat dahil di ko alam na may ibang nakakapansin ng sitwasyon ni Angelus. Madalas kasi ang iniisip ng iba, one-sided lang talaga sa part ni Ali. And he even said it so frankly! Hindi ko mapigilang matawa lalo na nang hindi nakapagreact si Angelus at mukhang hindi makapaniwala sa narinig. 

"Mas okay na rin 'yan. Mas okay naman sa'kin si Tristan kaysa sa playboy na 'yan." I said. 

"Tama ka naman diyan..." tango ni Nikko.

"Pinagsasasabi n'yo diyan?" Hilaw na tawa ni Angelus kahit obvious na obvious naman na tinatamaan siya. "Lipat na nga 'ko, boring n'yo." At umalis na siya. Napatawa na lang kami ni Nikko. 

"By the way, where's Theo?" I unconsciously said while scanning the area. Napatigil ako at tinikom ko agad ang bibig ko, hinihiling na sana ay hindi niya narinig o naintindihan ang nasabi ko. Pasimpleng kumain na lang ako ng snack sa harap namin. 

Sa totoo lang, simula nang bumalik ako sa party ay kanina pa siya hinahanap ng mata ko. I don't why. I'm annoyed by it but I really can't help it. Paulit ulit din kasing umiikot sa utak ko ang naging conversation namin kanina.

"Kanina pa umalis." Sagot ni Nikko na mukhang hindi naman nagtataka kung ba't ko 'yun natanong. I'm glad pero gusto ko pa ring pukupukin ang sarili ko. "He was with Althea. Hinatid niya pauwi." Mahinang aniya bago lumagok na naman sa beer niya.

Nakapakunot agad ang noo ko. I don't know who's that Althea and even though I really want to ask, I couldn't. Why would I, right? 

Dumoble--tumriple ang pagkairita ko. Of course! He would go home with some random girl! Ba't pa ba ako nagugulat?

For one moment there, muntikan niya na akong madala sa mga salita niya. Akala ko ay mag-iiba na talaga ang tingin ko sa kaniya pero parang mas nabwisit pa ako ngayon.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon