Twenty Six: I'm pretty sure

90 6 16
                                    

'Pag naiisip ko ang mga kinahinatnan ng mga bagay-bagay, lagi akong bumabalik sa unang araw kung kailan nagsimula ang lahat ng ito. Sa birthday ni Rai kung saan una ko ring nakilala si Theo.

Kung iisipin, unang beses-- unang araw ko pa lang siyang nakikita pero napagdesisyunan ko nang kamuhian siya habambuhay.

At first I was very intrigued by him, too. Syempre, sikat at kilala ng halos lahat ng nasa paligid ko, sa school man o sa labas. Even a new girl like me was filled with ideas of him dahil sa mga kwento ng iba't ibang tao.

Kabaligtaran ni Raius, malayo kay Raius, iyon ang mga madalas kong marinig tuwing pinagdudugtong ko ang dalawa.

Kaya naman sa birthday party na 'yun, nang siya ang bumungad sa'kin sa entrance... maligaya ko pang ibinigay ang isang piraso ng rosas mula sa bouquet na dala ko para kay Raius. I wanted to know him better, I wanted to be close to him.

Tandang tanda ko pa kung papaano siya napangiti matapos kong ibigay sa kaniya 'yun at kung paano naexcite ang batang ako na mapalapit pa sa kaniya. With his gentle smile, he looked like an angel. Nakaputing tux pa siya nu'n at medyo mahaba ang kulot na buhok.

Pero 'yung gano'ng pagtingin ay naglaho rin sa mismong araw na 'yun.

Nasa table namin noon si Auntie Fely at Uncle Rome nang tinawag nila si Theo na nasa kabilang table para ipakilala sa'min. Sa galak nila'y para silang may ipepresentang natatagong yaman sa mga kaharap.

They were so proud of him that I couldn't help but feel amazed. Naisip kong siguro'y exceptional talaga siya para maging gano'n ang trato sa kaniya ng mga tao.

Nang magtama ang mga tingin naming dalawa'y nagawa ko pang ngumiti ng malawak sa kaniya.

Pero hindi rin nagtagal ay biglang lumitaw sa gilid si Raius at naagaw na ang buong atensyon ko.

Tinatawag niya sina Auntie Fely at Uncle Rome no'n, pilit na kinukuha ang atensyon nila ngunit masyadong busy ang dalawa sa puntong halos i-dismiss nila ito sa harap naming lahat. They treated him so indifferently that I couldn't help but observe them.

It was a bit painful so watch. Ni hindi manlang nila tinago sa lahat kung paano nine-neglect ang isang anak. At kung gaano ka-iba ang turing nila dito kaysa sa isa.

"Rai, go back to your seat or you're going home." mahina ang pagkakasabi ni Auntie Fely pero alam kong rinig ng buong table 'yun.

Pinagmasdan ko kung paano napuno nang takot ang mga mata ni Rai habang nakatingala sa ina at kung paano siya bigong sumunod. Tahimik na humakbang papaalis habang ang ina'y bumaling lang sa mga kaharap at nagpatuloy sa mga kwento nito na parang walang nangyari.

That exact moment, kitang kita ko kung paano ngumiti si Theo sa sarili. He's looking down at whatever he's holding, hiding that he's smiling and it was as if he won something. Hindi niya 'yun natago completely dahil kitang kita ko. Seconds after staring at him, it dawned into me... he was laughing at his brother's misery.

It was wicked. I've never seen anything like that before. Hindi ko napigilang magalit kahit walang personal na koneksyon sa akin 'yun.

Simula noon, 'yun na ang laging naalala ko tuwing nakikita o nakakasama ko siya. That's why I hated him so much all throughout those years. Lalo na noong naging malapit na 'ko kay Rai.

At hanggang ngayon, kahit naunawaan ko nang iba siya sa inakala ko... wala pa ring paliwanag para sa pangyayaring 'yun.

I should've asked him when I had the chance. Bakit nga ba siya ngumiti no'n? Am I right about that or was it another misunderstanding? At kung mapatunayan kong tama ako, babalik ba ang pagkamuhi ko sa kaniya?

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon