"What's the name of one of your cashiers outside? The one with the black hair?" Mommy asked the manager of the cafe.
"Ay, si Celestina po ba? 'Yung palangiti po?" Excited na tanong ng bading na manager. Siguro ay iniisip na narito kami para puriin siya.
Nilingon ako ni Mommy and I stopped sipping my coffee. Napahalukipkip ako habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Is that her?" Pangungumpirma ni Mommy at tumango agad ako. Napatango rin siya ng ilang beses habang nag-iisip.
Hindi nagtagal ay bumaling rin siya sa Manager.
"Fire her."
She simply ordered as if it was something simple.
"I want it done immediately, I don't want to see her here tomorrow." She added before she stood up with her bag.
Nilingon niya ako at napatayo na rin ako.
Nang tignan ko ang manager ay na kaawang pa ang bibig niya na mukhang gulat na gulat sa pangyayari ngunit pinilit na gisingin ang sarili kalaunan.
Mabilis niya akong pinasadahan ng tingin. Hindi ko maintindihan kung anong gustong iparating at hindi ko 'yon nagustuhan kaya't tinaasan ko agad siya ng kilay.
Siguro ay marami na siyang tanong sa isip niya o kaya'y hinuhusgahan na ako sa utak pero anong magagawa niya?
Gusto niya bang labanan ako? Then, he should try. Tignan natin.
Umiwas rin siya ng tingin dahil mukhang natakot rin kaya napangisi ako.
I know, I should be guilty about this but, what else can I do? I'm not.
"Are you sure Ma'am? She a great--" naputol siya nang tinaasan siya ng kilay ni Mommy.
"Should you fire her or should I fire you?" Simpleng tanong niya na nagpatikom sa bibig ng kausap.
Kitang kita ko ang takot sa mukha ng manager. That's kind of harsh but, hindi naman sasabihin ni Mommy 'yon kung sumunod na lang siya, 'di ba?
"A-ano pong sasabihin ko sa kaniya?" Kabado pa ring tanong niya.
"Make something up! Mahirap ba 'yon?" Iritado nang sagot ni Mommy.
Alam kong mukhang masama si Mommy sa kung paano siya umasta pero it's not like that. In fact, she's a very soft and gentle person.
But like everything in this world, she has her reason to be like this. Or else, hindi maiintindihan ng tao kung sinong kaharap niya.
At, nagmamadali rin kasi siya kaya ayaw niya nang humaba ang usapan. I know that she doesn't really mean any harm but then, nagmamadali nga siya. She's a very busy person sa totoo lang, isiningit lang ito para sa hiling ko.
Early this morning, she bought the whole place just to fire that Celestina Gabriel. Akala ko ay hindi 'yun gano'n kadali pero buti na lang ay plano na rin pala itong isara ng may-ari dahil hindi na kumikita ng maayos. Kaya pinatulan niya agad ang pagbili namin dito.
It was my wish. Alam kong masama, pero kung iisipin naman, that girl deserves it.
"Rai!"
Hindi ko napigilang mapangiti ng malawak. Agad ko siyang sinalubong nang maabutan ko siya sa labas ng school namin.
Nakasandal siya sa sasakyan niya at nakahalukpkip do'n habang nag-aabang.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...