Two: The Biggest Storm

174 25 4
                                    

He's the most miserable kid I've ever met in my life.


Sobrang laki ng galit niya sa mundo. Marahas ang pag-uugali at laging nasasangkot sa gulo. Elementary nang una ko siyang naging schoolmate. Transferee ako no'n at sa unang linggo ko, bumungad agad sa'kin ang mga babala tungkol sa kaniya. 


"Alam niyo ba? Kaninang P.E., may malalang nangyari sa court..." mahinang simula ni Trisha sa grupo namin habang nasa canteen. Kahit transferee ako sa pangalawang quarter ng school year ay napabilang agad ako sa grupo dahil ang isa sa kanila, si Janice ay family friend namin. 


"Narinig ko na." sagot ni Janice. "'Yung na-office ba sila Rai--" 


"Eh 'yung sinugod sa hospital si Jake?" mabilis na putol ni Trisha. Excited sa kinikwento. Patuloy lang ako sa pagkain ng cookies ko habang tahimik na nakikinig. 


"Hala?" 


"Oo, sinugod sa hospital kasi hinampas ni Raius ng arnis! Ang sabi pa daw kay teacher, nagjo-joke lang daw siya..." 


Saktong pagkasabi niya no'n ay kumalabog ang pinto. Ang maingay na canteen ay biglang tumahimik nang pumasok doon ang lalaking kakabanggit lamang ni Trisha. 


Nanatili ang katahimikan habang siya'y walang pakialam na dumiretso sa counter habang nakakunot lang ang noo at nakapamulsa. Ang iba'y pasimple siyang pinapanuod habang ang iba'y iwas na iwas ang mga mata. Diretsong pinagmasdan ko siya. 


Moreno, pabilog ang mga mata't mahaba ang pilikmata. Matangos rin ang ilong na bagay sa hugis ng mukha niya. Nando'n siya sa side ng matatangkad kumpara sa edad niya. Para siyang iyong mga batang modelong nakikita ko sa magazine, o kaya'y sa commercials sa TV.


Hindi ko naialis ang tingin ko sa kaniya kaya kahit nagawi sa direksyon namin ang mga mata niya ay nakatingin pa rin ako at nagtama ang mga paningin namin. Walang naging pagbabago sa reaksyon sa mukha niya. Nakakunot pa rin ang noo't parang galit sa lahat. Hindi ako umiwas at nilagpasan niya lang kami. 


Hindi ko alam kung ba't ako biglang kinabahan. May mga munting tibok sa dibdib ko na mistulang bigla lang lumitaw. 


"Bree, kilala mo na 'yun 'di ba?" halos nagulat pa ako't napalingon kay Janice na bumulong sa tabi ko. "Si Raius 'yun, ang 'wag na 'wag mong lalapitan dito. 'Pag nakita mong papalapit sa'yo, o kaya kahit nakatingin lang, lumayo ka agad. Siya ang pinaka-grabe dito sa school!" babala niya. 


Kahit na malinaw sa akin ang pinupunto ni Janice, hindi ko pa rin napigilang sundan ito ng tingin nang papalabas na ng canteen, habang parang hinihiling pa na lumingon siya pabalik. 


Kahit sa mga sumunod na panahon ay hindi talaga maganda ang mga ng naririnig ko tungkol sa kaniya. Actually, ang sama ng reputasyon niya sa lahat. Habang siya kasi ay walang kinatatakutang kahit sino, karamihan naman sa school na iyon ay takot sa kaniya. 


Halos walang nagtatangkang makipagkaibigan o lumapit manlang dahil sa takot na gawan niya ng masama. Wala kasing nakakapigil sa kaniya, miski ang mga teachers.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon