Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Rai nang makita ako. Nagmadali siyang umakyat at humakbang papunta sa'kin.
"What are you doing here?" Pabulong ngunit mariing aniya. Nang makita ko ang kabuoan ng itsura niya ay mas nalaglag ang panga ko.
He's wearing a brown apron over some short sleeve polo. Hindi nagtagal ay narealize kong 'yun ang uniform ng mga crew sa cafe na 'to.
I'm slowly getting an idea about what's happening pero patuloy iyong nirereject ng utak at puso ko. Siguro'y kahit manggaling na mismo sa labi niya ay hindi pa rin matatanggap ng sistema ko.
This can't be happening!
"I should be the one who's asking you that! What the hell, Rai?" Pinipilit kong hindi gumawa ng eskandalo pero hindi ko maiwasan ang pagtaas ng boses ko. "Please don't tell me you're woking here!"
Nagpanic ang itsura niya at bago pa man ako magsalita muli ay hinaklit niya ang braso ko at hinila ako pababa. Mabilis ang lakad namin na para bang may humahabol sa'min. Hindi ako nagpumiglas at hinayaan lang siyang tangayin ako.
Kitang kita ko ang tingin sa'min ng mga naroon at lalong lalo na ang mga mata ni Celestina na sinundan pa kami ng tingin hanggang makalabas. Why does she look so interested? Ano na bang meron?
Huminto lang kami nang makarating sa gilid ng gusali kung saan wala nang mga sasakyan at wala na ring tao.
Hindi ko na hinintay na bitawan niya ako at ako na ang kusang bumawi sa braso ko.
"What the hell is happening, Rai?" Halos maghisteryang tanong ko.
"How did you know that I'm here?" Balewala niya sa tanong ko. Ngayon ay parang siya pa ang galit. "Pina-iimbestigahan mo ba 'ko?" Kunot noong aniya.
"What?" Hindi makapaniwalang bulalas ko. "I didn't! I didn't even know you were here! At pati 'yong Celestina na 'yun! Wow! You're even working together?" Mas hindi ako makapaniwala sa pagkakataong 'to.
Can someone enlighten me please? What is happening?
"You don't have to know. I told you, ako nang bahala..." Malamig na aniya at napapikit ako.
"Anong nangyari sa galit mo? Is it still there? O nabura na dahil iba na ang pakay mo--"
"Ilang beses ko bang dapat sabihin? It's not like that--"
"Then what?" Desperada nang tanong ko. "Anong ginagawa mo rito? Please Rai, I'm begging you. Make me understand this."
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kamay niya. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin samantalang nanatili ang akin sa mukha niya. Nanatili kaming gano'n habang binabalot ng katahimikam.
Matapos ang ilang saglit ay nagsalita siya sabay pasimpleng bawi ng kamay niya mula sa'kin. Nagulat ako pero ayaw kong ipahalata. Siguro sakaniya ay wala lang 'yun, pero sa akin, that simple gesture pained me so much.
Parang dinurog ang puso ko.
Napuno ng pangamba ang sistema ko, pero pinilit ko 'yung balewalain para masundan ang mga salita niya.
"I have a plan, Bree. And I'm getting so close to my goal. You can't ruin this for me! Please, pagkatiwalaan mo lang ako..." pagsusumamo niya sa'kin. Ngayon ay mukhang pinahuhupa na ang galit niya.
Pinilit ko ring kumalma kaya hindi ako nakapagsalita ng ilang sandali.
"Does she know who you are?" Tanong ko nang maiayos na ang isip.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...