Twelve: Revenge And Nothing Else

76 18 2
                                    

"I ran away from home." Kaswal na sambit niya habang pinapanuod namin ang mga sasakyang dumadaan sa harapan.

Mas tumindi ang kunot sa noo ko kasabay ng pagbaling ko para tignan ang mukha niya. Hindi naman niya 'yon pinansin at nanatiling sa harap pa rin ang atensyon.

Hindi ako makapaniwala sa kaniya.

He's a troublemaker, I know. Pero ngayon lang nangyaring naglayas siya. At wala pa akong ka-alam alam dito.

"Why?" I calmly said. Trying my best not to sound demanding.

Isinandal niya ang ulo sa headrest at unti-unting pumikit. Para bang ngayon lang nakahanap ng pagkakataong mamahinga.

"My one hell of a brother is back..." Mapait na ngumisi siya habang nananatili sa posisyon. "And he's a pain in the ass..." halos pabulong na dagdag niya pa.

Napabuntong hininga ako. Hindi na ako nakapagsalita at inalis na lang sa kaniya ang tingin. Sumandal rin ako sa sariling headrest at ilang segundong tumulala.

Wala naman akong masasabi talaga dahil alam ko na agad kung anong ibig niyang sabihin. Sa totoo lang ay ito naman talaga ang pinaka inaasahan kong magiging dahilan niya.

"Where are you staying? Bakit di mo agad sinabi sakin?" I asked.

Again, trying my best not to sound demanding. Pinipilit ko 'yon sa tono ko pero hindi ko alam kung nagagawa ko ba.

Hindi siya sumagot kaya lumingon ako sa kaniya. Ngayon ay nakadilat na siya pero nasa malayo ang tingin.

Ilang sandali ang lumipas at hindi pa rin siya nagsalita.

I guess, he doesn't want to tell me. And that's it, I won't force it. Handa naman akong maghintay hanggang siya na mismo ang mag-open up sa akin kahit para akong pinapatay ng mga tanong sa utak ko.

"And Tita's okay with it? Wala siyang ginawa para pauwiin ka?"

Ilang sandaling katahimikan bago ako nagpakawala ng susunod kong tanong. He just shrugged.

"I guess, she's fine. After all, her son Theofisto d'great is beside her, ano pang poproblemahin niya?" sarkastikong ngiti na naman ang pinakawalan niya.

Rinig na rinig ko ang pait sa mga salita niya. 'Yun ang naging hudyat para tigilan ko na ang mga tanong ko. Sa loob ng dalawang Linggo, ngayon lang ulit kami nagkita. I shouldn't let this day pass just like this.

Natahimik ako habang pinapanuod ang mga sasakyang dumadaan sa harap namin. Pinipilit nang patayin ang huling usapan gamit ang panandaliang katahimikan.

Kasalukuyan kaming nasa isang bakanteng lote sa gilid ng highway. Nakapark lang kami roon habang kaharap ang mga nagsasalubong na sasakyang sa bilis ay halos mga ilaw na lang ang makita.

It's almost 9 in the evening. Halos dalawang oras kaming bumyahe at ngayon, isang oras namang nakatulala dito. Ganito na kami magtanggal ng stress no'ng junior high pa lang.

Hindi ko lang alam kung tumatalab ba dahil marami na ang pinagkaiba ng noon at ngayon. Sobrang laki na.

"Gusto mo kumain?" Silip ko sa kaniya at do'n lang siya lumingon sa akin.

"You haven't eaten yet?" Kunot noong tanong niya.

"Stupid, nakita mong sa'yo ako dumiretso kanina..."

"Seriously, Bree?" Dismayadong aniya. "You should've told me..."

Mabilisan ang naging pagkilos niya. Binuhay niya agad ang makina ng sasakyan at pinaharurot 'yon. Napailing na lang ako sa kaniya habang pinipigilan ang sariling ngumiti.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon