That confession was all fun and play to me until I realized it's night time and I can't fall asleep.
Hanggang 2AM, dilat na dilat pa rin ako. Nakailang balikwas na ako sa kama pero para bang hindi ko mahanap ang tamang posisyon kung paano ako dadapuan ng antok.
It bothered me for the whole night, I hate to admit.
Dapat ba akong maniwala sa kaniya? At ano na pagkatapos? Why did he tell me? Anong gusto niyang gawin ko? May magagawa ba ako?
What is he going to do about it?
Move on?
"Wow, sinundo mo pa rin ako?" ngisi ko habang pumapasok sa sasakyan niya. "Akala ko mahihiya ka na dahil sa confession mo sa'kin kahapon eh..." paninimula ko habang may diin sa salitang confession.
Napangisi siya't inilingan ako.
"Why would I? Did you forget who you're talking to?" puno ng yabang na aniya at pinaandar na ang sasakyan.
"Eh ano naman?" tawa ko.
Nagbikit balikat lang siya habang abot tainga pa rin ang ngisi. Punong puno ng kumpyansa sa sarili!
Napaawang ang labi ko. Did he make up his mind after telling me how he feels? He suddenly seems confident, unlike yesterday na parang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi. And of course, I know what he's implying. Siya nga naman si Theo, the man who can get anything he wants in the world.
Pwes, may exception na ngayon-- ako.
"Not this time, Theo." sigurado ring sagot ko sa kaniya. I guarantee that. "And don't tell me, may plano ka pa rin sa nararamdaman mo?" iling ko.
"Well, I still haven't heard a rejection."
"What?" gulat na tanong ko. It's absurd! Is he serious? "Kung gano'n, nirereject na kita."
"Really, you want me to move-on?" aniya. "You really want me out of your life?"
Napalingon ako sa kaniya at nakaabang na ang tingin niya sa'kin. I immediately turned away. I wanted to say yes--absolutely yes... but couldn't. Natameme lang ako at tumingin sa labas.
Buti na lang at saktong tumunog ang phone niya. Pagkatapos mag-excuse ay sinagot niya 'yun. Nagbago na ang plano kong asarin siya sa buong byahe papasok, kung maaari ay gusto ko nang iwasan ang topic na 'yun habambuhay.
Ilang tawag ang tinanggap niya sa buong duration ng byahe ay hindi na kami nakapag-usap ulit. Buti na lang.
Based sa mga naririnig ko, mukhang sobrang hectic sa kumpaniya nila ngayon. Gusto ko tuloy ipilit ulit na 'wag niya na akong ipagdrive kaso hindi ko rin tinuloy dahil baka kung saan na naman mapadpad ang usapan.
The day went on normally, better kaysa noong mga nakaraang araw. These days, nagiging active na ulit ako sa klase at madalang nang lumutang sa pag-iisip. Nakakakain na rin ako ng maayos.
Of course, I still can't forget my worries about Rai pero narealize ko, I should face this head-on. I should be more positive. Walang mareresolba kung patuloy akong magbe-breakdown. It's not like wala na akong magagawang kahit ano. I'm sure meron pa, I won't back down just like this.
Lately ay hindi ko masyadong nakakausap o nakakasama si Ali. I guess, nagwork-out ang relationship niya with that Tristan dahil bihira ang paramdam niya. And it's such a relief.
Though, she's my closest friend... mas okay na sa akin na hindi niya nakita ang state ko nitong mga nakaraan. Ayoko rin namang sirain ang unang pagkakataon niyang makipag-engage romantically sa iba dahil lang sa temporary misery na ito.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...