Nine: You Finally Dumped Him?

60 18 0
                                    

Nakita ko ang pagpasok ni Angelus sa hall kasama si Auntie Claudia at Uncle Aris. Agad na nagtama ang mga mata namin kahit na magkalayo pa.

Binigyan niya ako ng tingin na puno ng kahulugan habang nakangisi sa akin ng kakaiba.

Anong nginingisi-ngisi niya?

The last time I was with him ay iyong nagbar kami at nalasing ako ng sobra. Don't tell me, 'yon ang i-aasar niya sa'kin samantalang tatlong linggo na ang nakalipas?

Inirapan ko lang siya bago ako napabaling kay Ali sa tabi ko. Nakila Angelus rin ang atensyon niya habang seryoso ang mukha. Sinusundan ng tingin ang lalaking nagustuhan niya ng palihim sa loob ng ilang taon.

Sa itsura niya pa lang ay halatang halatang iba pa rin talaga ang dating sa kaniya ni Angelus. She's still obviously not over him kahit lagi niya pang idinideny.

Hindi ko na lang pinansin tutal ay hindi ko rin naman sila sinusuportahan para sa isa't isa.

They're both my friends but I know Angelus too well. Sobrang playboy. He likes messing around with girls at kahit sabihin pang mahalaga din para sa kaniya si Ali, boys like him don't really change.

He'll eventually make her cry and I don't like that.

He doesn't deserve a girl like Ali.

Tinawag ko ang pansin ni Ali sa pagtatanong sa kaniya sa kung anong mga kaganapan sa buhay niya lately at buti na lang, gumana 'yun.

She started talking excitedly, halatang napakaraming bagay na gustong ikwento at malugod ko naman siyang sinabayan sa mga 'yun.

Lumipas ang ilang minutos at halos mapuno na ang bulwagan dahil sa pagdating ng iba pang bisita kaya hindi ko mapigilang pabalik balik na tignan ang entrance ng lugar.

Hinihintay kong pumasok do'n ang mga Abrigo pero malapit nang magsimula ang party ay ni anino ng kahit sino sa kanila, wala.

I guess hindi na naman sila aattend?

Maybe Tita Mefelia's drunk again?

Iyon lang naman ang maaaring maging dahilan para hindi sila dumalo sa isang importanteng event na tulad nito. Knowing Raius, hindi iyon aattend kung hindi aattend si Tita. Wala namang pakialam 'yon sa kumpaniya nila.

For sure, magiging usapan na naman sila ngayon ng mga tao dito dahil sa hindi pagdalo ng buong pamilya nila. It's depressing how all I can do right now is wonder about what's happening because I still can't reach Raius.

This is the 60th birthday of Leonardo Capistrano, the CEO of the LC Jewelry Empire, ang pinakanangunguna sa jewelry industry sa buong bansa. They have thousands of branches all over the world and this party is exclusive only to the members of the high society.

Limitado lamang at hindi basta basta dinadaluhan ng kungsino-sino lang.

Kaya kapag invited ka at hindi mo 'yun pinaunlakan, isang malaking insulto 'yon para sa pamilyang naghost ng party. And don't dare to think na walang consequence ang hindi mo pagsipot dahil siguradong maaapektuhan no'n hindi lang ang samahan niyo sa personal kundi pati na rin ang ties niyo sa business.

Isa 'yun sa mga rules na hindi dapat kaligtaan sa mundo namin.

Parties cannot be taken lightly. Parties like this are not for only for celebration nor socialization, it is a war-zone in disguise in the business world.

Ali is currently talking about her escapades in Paris last week when she attended a fashion show and the other girls on the table can't get enough of her stories.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon