Natuklasan ko ang nararamdaman ko para kay Rai noong unang beses akong makadalo sa birthday party niya.
Sa panahong nagsisimula pa lamang akong maging malapit sa kaniya, nalaman ko ang isang mahalagang parte ng pagkatao niya.
At doon, buong loob kong napagdesisyunang gawin siyang malaking parte ng buhay ko.
Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa ang mismong scenario nung araw na 'yun. Nakaupo ako sa isa sa mga tables malapit sa stage... nakatingin sa kaniya na mag-isang nakaupo sa magarbong tronong nasa gitna. Pinalilibutan ng mga mga tao at makukulay na palamuti pero sa lungkot ng mata'y parang mag-isa lang siya sa lugar.
Nang nilibot ko ang paningin sa paligid, si Auntie Fely at si Tito Rome ay nasa magkabilang parte ng bulwagan-- walang ibang bukambibig kundi ang pinagmamalaking anak nila. Si Theofisto.
Nagmistulang ginanap lang ang birthday party na 'yun para ipakilala si Theo sa circle. It was supposed to be a special day for Raius but everybody was talking about his genius brother. And no one seemed to notice how lonely he must have felt. Except for me.
Noon pa lang, naunawaan ko na kung bakit naging gano'ng klaseng bata siya. Napagtanto ko kung bakit ang ang dali para sa ibang husgahan siya. Hindi kasi nila nakikita 'yung bahaging 'yun ng storya niya.
It was the moment that I knew, he needed someone like me. He needed me.
'Yun ang unang beses na sumakit ang puso ko para sa kaniya at nasundan 'yun ng marami pang pagkakataon.
Sa tuwing nasasaktan ako para sa kaniya, umiigting 'yung kagustuhan kong manatili sa tabi niya. Nananaig 'yung pakiramdam kong panigan siya.
Now that I think about it, I've always associated sympathy with my love for him. Mula noong umpisa pa lang hanggang ngayon. Paano kaya kung wala na 'yun? Would love be gone, too?
"Breanna... go with me. Please let's get out of this place. You're the only one who..." Hindi niya na natapos ang pakiusap. Rinig na rinig ko ang desperasyon boses niya. Halatang frustrated na.
Tama ang sinabi ni Auntie Fely kanina... tatawag nga si Rai at halos magmamakaawa sa'kin. Nagsimula siya sa paghingi niya ng tawad na sinundan ng pagsasabi niya na nagkamali siya at natauhan na sa mga ginawa. Na hindi totoo ang mga sinabi niya no'ng araw na nagtapat siyang nahuhulog na siya kay Celestina. Na nagsisisi na siya.
Sa huli ay nauwi sa ganito, sa paghiling niya sa pagsama ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung ano ang dapat maramadaman... I just know that it doesn't feel right.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasunduan o kondisyon sa pagitan nilang dalawa ni Auntie pero sa tono niya'y mukhang wala siyang ideyang may kinalaman ako rito.
Desperado lang siya sa tulong ko na para bang ako lang ang makapagbibigay sagot sa problema niya.
My heart, once again, ached for him. But it wasn't enough to say yes.
Hindi ko alam kung paano ako nagbago. Kung noon ito... hindi ko magagawang balewalain ang nararamdaman niya. I would've done anything to ease his pain.
Pero habang nakikinig sa boses niya sa kabilang linya ng tawag na iyon, nangibabaw ang tinig ko para sa sarili.
I'm hurt too.
That's all I could think of.
Hindi naman basta-basta mababago 'yun. Or maybe, I really am selfish.
Natapos ang tawag na 'yun sa pagdadalawang isip ko at pagsasabing pag-iisipan ko ito. Ilang minuto akong natulala at namroblema sa sitwasyon pero hindi no'n naialis ang kagustuhan kong makausap si Theo. I immediately dialed his number kahit ligaw na ako sa kung ano ang intensyon ko.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...