Eight: After All

72 20 0
                                    


"Well, he told me he'd burn all of it in front of that girl."

Napalingon agad ako sa kaniya na nakapatong pa ang mga paa sa table. Looking all comfortable and lazy at the same time.

It's already two weeks since I last saw Raius. Sa exhibit pa 'yon kung saan hindi naman talaga kami nagkita. 

Simula noon ay wala pa rin akong ibang balita sa kaniya.

Hindi ko na kinontact ang bahay nila dahil baka ang lintek na Theofisto lang rin ang sumagot at sinusubukan ko mang tawagan ang number niya ay kung hindi nakapatay, hindi naman sinasagot.

I ended up with the most desperate move. Ang tawagan itong malaking douche na 'to na tinubuan ng pagkatao--si William. Dahil siya ang alam kong huling kasama ni Raius, kumakapit na lamang ako sa munting pag-asang baka alam niya kung nasaan ito ngayon.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na dadating ako sa puntong hihingi ako ng tulong sa nilalang na 'to pero wala eh, minsan kung ano talaga ang pinakahindi inaasahan, 'yun pa ang nangyayari.

"Seriously?" I asked, dumbfounded. Surprised and in awe at the same time.

This guy is telling me right now that Raius bought all of Celestina's artworks just to burn it in front of her.

And I am shocked than ever.

I knew it. May kinalaman nga talaga sa paghihiganti niya ang pagbili niya ng mga 'yon. I knew it but I'm still so surprised. Lalo na sa malupit na plano niyang gagawin dito na mas matindi pa inaasahan kong kaya niyang gawin.

Wala pa pala sa kalingkingan ng mga ginawa ko ang gagawin niya.

It is more than cruel. Masasabi ko 'yon dahil minsan ko na ring minahal ang pagpipinta at alam ko kung gaano kahalaga para sa isang pintor ang mga likha nito.

Pero hindi ko maipagkakailang malaking parte sa akin ang para bang nakahinga ng maluwag at nakampante sa nalamang impormasyon. Napangiti ako sa sarili habang hinahalo ang drink ko gamit ang straw nito.

"Woah, you're one hell of a twisted woman, aren't you?" Rinig kong kumento ni Willian habang nasa akin ang atensyon. "Akala ko ay magagalit ka sa gagawin niya pero nakangiti ka pa ngayon." Dagdag niya.

Nagkibit balikat ako habang hindi mapigilan ang ngiti sa labi.

"You wouldn't understand, William." I simply said.

"Well, sabagay wala naman akong alam." He shrugged.

"Poor girl, I don't know what she did but all I can say is she's just exactly my type. You know, I have a thing with pure, innocent looking girls. Feeling ko sila ang pinakanakakaenjoy sa kama." Ngisi niya.

Nawala agad ang ngiti sa labi ko dahil sa mga salita niya. I tried my best to stay calm as I looked at him.

I can't believe I have to be on the same room with this asshole. Gusto ko mang punahin ang pagkabastos ng bibig niya at kawalan ng respeto sa babae ay mas pinili ko nalang manahimik.

Si William ito, ano pa bang dapat asahan ko?

I should stay composed, lalo na't may kailangan pa ako sa kaniya.

Labag man sa loob ko ay binalewala ko na lang 'yon at sa halip ay isang ideya ang pumasok sa utak ko.

"Type mo? Ba't hindi mo siya subukang ligawan?" Taas kilay kong tanong. Actually, it's not a question anymore. It's more like a challenge.

I'm challenging him.

Boys like him get thrilled with these kinds of challenge. Kapag sinubukan mo na, siguradong hindi na magpapatalo. Hindi niya hahayaang makalagpas sa kaniya para lang patunayang wala siyang hindi kayang gawin. 

He perversely bit his lower lip as he thought about it while raising a brow. All I can say is disgusting. He's ridiculously disgusting. I'm disgusted even with just sitting in front of him.

"Nah, may usapan pa kami ni Rai. Maybe, after all his plans. Tingin ko naman ay easy lang ang babaeng 'yon. Baka pakitaan ko lang ng kaunting pera ay habulin na 'ko." Halakhak niya.

Agad na napukaw ng una niyang sinabi ang atensyon ko.

"Anong usapan? Ano pa bang mga plano ni Rai?" I probed.

"Ang alam ko ay may plano pa siya na kailangan ng tulong ko. I just don't have any idea what exactly."

"Do you know where he is? Nako-contact mo?" Agad na tanong ko.

"Not at the moment. Pero, basta ang sabi niya ay tatawagan niya ako kapag kailangan niya na ako." He shrugged. "Why? Hindi mo siya macontact? LQ or break na kayo?" Tawa niya at hindi ko alam kung anong nakakatawa do'n.

Agad ko nang tinapos ang pagkikita namin ni William nang makuha ko na ang lahat ng kailangan kong malaman sa kaniya.

Pakiramdam ko ay malaking kahihiyan sa pagkatao ko kung may makakakita pa sa amin na kilala kami. Sobrang laking insulto no'n sa parte ko. Everybody knows what kind of an animal he is and being seen alone with him is something that would definitely hurt my image.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang sa kaniya humihingi ng tulong si Raius.

Hindi ko maimagine na kaya niyang pagtimpian ang ugali ng William na 'to. I know how he hated guys like him.

Mukhang desperado lang siguro talaga siya.

Naiintriga tuloy ako sa kung ano pang pinaplano ni Rai sa Celestina na iyon.

First, burning her artworks in front of her and next is something that has got to do with William? Ano kaya 'yon?

To go to such length, mukhang desidido talaga siyang ipamukha sa babaeng 'yon lahat ng pagkakamali nila ng ina niya.

Dahil sa paglipas ng mga araw na wala pa rin akong balita sa kaniya, I've decided to stop worrying about it for a while. I knew that I should stop wasting my time and energy.

Naniniwala naman akong sa huli ay babagsak pa rin siya sa akin.

Sa huli ay siya na ang kusang lalapit para sabihin sa akin ang lahat ng nagawa niya.

May dahilan lang kung bakit hindi ngayon, pero kalaunan ay malalaman ko rin ang lahat ng 'yan.

After all, ako lang talaga ang mayroon siya at wala nang iba.


I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon