Seventeen: Look who's here

52 12 3
                                    

"So, how's the date?" Excited na tanong ko kay Ali pagdating niya. Nasa veranda kaming tatlo ngayon.

"I bet it sucks." Bulong ni Angelus na kunwari pang nakatutok sa phone niya pero nakikinig naman.

"No, shut up. You suck!" Singhal ko sa kaniya.

Walang silbi! Imbis na tinulungan ako kanina ay kung ano-ano pa ang pinagsasasabi! Iyon ba ang tamang panahon para magtapat siya ng kung anong nararamdaman niya para sa sarili niya? I doubt it kung tunay talaga iyong opinyon niyang 'yun? O baka ideal niya lang na hindi naman magagampanan ng kahit na siya mismo.

Umiling sa'min si Ali habang nakangisi. Halatang sanay nang nagbubuskahan kami sa harap niya. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan niya sa taong 'to eh.

"Actually, masaya. Hindi ko nga inexpect. He's a really nice guy."

"That's great! Hindi katulad nu'ng isa diyan!" Pasaring ko na naman. "Dapat talaga matagal ka nang nagtry. Dati pa kita kinukulit eh."

Para nakamove-on ka na agad noon pa lang. Pero syempre, hindi ko 'yun masasabi ng malakas. Nagkibit balikat siya.

"Then? Ano pa? Kamusta siya?"

"Uhm, he's an artist. Sobrang talented. Medyo tahimik pero laging may sense ang sinasabi."

"Sus, sa una lang 'yan." Pabulong na singit ni Angelus.

Napairap ako sa kaniya. "'Wag mong pansinin 'yan. Palibhasa, ang talent niya lang ay mambabae at magparty." 

Napangisi si Angelus at umiling habang naglalaro pa rin ng kung anong game sa phone niya.

Hindi nga siya pinansin ni Ali at mukhang napaisip lang bago nagliwanag ang mga mata. "Oh! And he knows about clothes, too!" Aniya, may bahagyang tawa.

"Wow? That's nice! Edi nagkasundo kayo?"

"Sobra!"

"What do you think? Will you see him again?" Naexcite nang tanong ko. Totally nag-eenjoy sa bagong pangyayari sa buhay niya.

Medyo napaisip siya at ngumiti. She shrugged. "Well, maybe I would. I'm not annoyed by him even a bit and that's rare, right?"

Napatawa ako. Yeah! That's totally rare. Iyon ngang nakipag-usap siya ng matino sa lalaking hindi namin kaibigan ay sobrang bihira na!

Sincerly, natuwa ako dahil sa sinabi niya. Hindi lang dahil alam kong bwisit na bwisit na siguro si Angelus ngayon pero dahil sa wakas ay may nakilalang matino itong si Ali. Na willing pa niyang subukang makilala!

Maganda sana kung magkamabutihan talaga silang dalawa. I can't wait for the day na ipapakilala niya na sa'min bilang boyfriend niya 'yung Tristan na 'yun. Sana ay okay siya.

We stayed there for another hour, kwentuhan lang ng kung ano-ano. Si Angelus ay tahimik na lang buong oras at hindi na inalis ang mata sa phone niya. Napaka-obvious na na-badtrip. I hope hindi 'yun napansin ni Ali. O 'wag niyang ipapansin kay Ali. He shouldn't ruin this.

Hindi ko binanggit si Rai, kahit isang beses. Hindi ko na nga naikwento sa kanila ang mga nangyari. I don't know, I just don't want anyone to know what's happening with him, his revenge and all. May munti pa ring pag-asa sa utak ko na nagsasabing darating pa 'yung araw na parang wala lang ang lahat. Na babalik lang sa dati. Hindi ito big deal.

'Di ba? Gaya ng lagi kong sinasabi sa sarili ko ay pinuntahan niya pa rin ako. Nakipagkita pa rin siya sa'kin kahit hindi man gano'n kaganda ang naging takbo ng pagkikitang 'yun.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon