I've never been so bothered in my life than today. Matapos ng encounter namin ni Ali kay Celestina sa CR, mukhang nagbackfire sa akin ang ginawa namin.
Mula sa kinauupuan ko ay kanina ko pa pinapanuod kung paano iwas-iwasan ni Celestina si Rai simula nang lumabas siya sa CR. She's obviously hurt, and mad about something. Ang nakakairita lang, panay rin ang habol sa kaniya ni Rai.
Habang siya ay umiiwas, hindi natatanggal ang kunot sa noo at halos itaboy si Rai, panay naman ang pagpapapansin nito sa kaniya. Halos di ko makilala si Rai dahil parang ibang tao siya.
I saw how he offered her help for a few times just to be ignored by her. Kitang kita ko ang pagbalewala ni Rai sa pang-iisnob sa kaniya ng babae pero at the same time, nakikita ko rin na bothered siya rito.
Ilang beses kong nakitang sumulyap sa table namin si Celestina. At tuwing makikita niya ako ay mas umiiwas pa kay Rai. She's like a scared cat, afraid to get caught. Why so obvious, girl? Ano bang kinatatakot mo?
Did she figure out na siya ang pinag-uusapan namin? Tinamaan ba siya? O natatakot siya dahil nalaman niyang girlfriend ako ni Rai?
Dapat ay nagbubunyi ako eh. I did something to stir her up. Ngayon ay baka malinaw na sa kaniya ang papel ko rito, pero hindi e. I'm not even a bit happy.
That's when I realized na kailangan ko nang umalis. Dahil hindi ko na talaga nagugustuhan ang nakikita ko. Parang ibang Rai ang nandito. I never saw him try to please anybody, kahit ako. Pero anong ginagawa niya ngayon?
Bago pa man ako makagawa ng hindi maganda ay kailangan na naming umalis.
"Are you sure you'll keep this up? Wala ka pa ring gagawin?" Tanong ni Angelus habang nagmamaneho. It was out of the blue, para bang bigla lang pumasok sa isip niya.
Nanatili sa labas ang tingin ko. Ali is on her phone sitting at the back seat. I can pretend na hindi ko gets ang sinasabi niya pero, that's unnecessary lalo na't madaling makaramdam itong si Angelus. This is really bad, to think na kahit siya ay napansin na ang sitwasyon.
I didn't answer. First, I don't have the energy. Second, I really don't have the answer. Kahit ako ay tinatanong ko 'yan sa sarili ko.
"Bahala ka... kasi sa nakikita ko, Rai's really being weird with that girl. Hindi na ako magugulat kung isang araw, may gusto na siya-"
"What? No way." Sabat ni Ali na nakikinig pala sa amin.
"Hindi niyo ba nakita kung pano siya umarte kanina? At kahit kung paano lang niya tignan? As a guy, sobrang pamilyar na sa'kin ng ganung mga tinginan. I'm sorry to break it to you, Bree. I never saw Rai like that before..."
"What? There's no way na ipagpapalit niya si Bree sa Celestina'ng 'yun. She can't even be compared to Bree. Sa lahat-lahat! This is just all part of his plan, right Bree? He told you, right?"
"Yeah..." mahinang sagot ko dahil alam ko sa sarili kong hindi na rin ako sigurado.
"Atsaka hindi naman siya siguro baliw para magkagusto sa anak ng kabit ng daddy niya, 'di ba?"
Ngumisi si Angelus habang sa kalsada pa rin ang mga mata.
"Well, we don't know about that. The thing is, sane or not... we really can't predict who we fall for, Al. Same as to we can't control it."
May sasabihin pa sana si Ali pabalik pero mukhang pinili niya nalang itikom ang bibig at bumalik sa phone niya. Napabuntong hininga na lang ako.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...