Fifteen: My Expertise Is

71 14 0
                                    

Mabilisan akong nagmartsa palabas ng Restau nang malaman kong hindi na babalik si Daddy.

Kaya pala ang tagal niyang bumalik ay dahil dumiretso na siya sa kumpaniya dahil sa isang emergency. Nalaman ko lang nang nakatanggap ako ng text mula kay Secretary Joy. 

Hindi ko na hinayaang pigilan ako ng lintek na Theofisto. Nagwalk-out na agad ako dahil galit na galit ako sa naging pag-uusap namin. It's more than infuriating! Siya lang ang tanging makakapang-inis sa akin ng ganito.

Ay mali, hindi pala. Silang dalawa ni Celestina Gabriel actually.

Halos patakbo na ang ginawa ko para makapunta sa sakayan ng Taxi kaya sa kamalas-malasan pagkakataon, bigla akong natalisod.

Flat lang naman ang suot kong sapatos, hindi naman ako normally clumsy, at hindi naman ganoon kabilis ang takbo ko pero natalisod pa rin ako.

'Yung exaggerated pang pagkatalisod. Tumama 'yung tuhod ko sa sahig at ang dalawang kamay ko'y kinailangan ko pang ipangsuporta sa sarili.Dahil sa shock at frustration ay hindi ko nagawang tumayo agad. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa sistema ko ang galit sa maraming bagay.

Nang naisip kong wala nang mas makapagpapasama pa ng araw ko, bigla kong narinig ang boses ng walang hiyang Theofisto sa likod ko.

"Hey..." rinig ko pang tawag niya nang makalapit. "What are you doing?" He asked, obviously on the verge of laughing. Ah, what a very lucky day!

Pinwersa ko ang sarili at agad na tumayo. At sa kahihiyan ay hindi ko siya hinarap agad. Nanatili lang akong nakatalikod.

Damn, bakit kailangan niya pang sumunod? Napapikit ako sa sarili saglit sa sobrang kahihiyan.

"What the hell, Breanna?" Rinig kong tanong niya pa bago makarating sa harap ko. Kitang kita ko ang pagpipigil niya sa tawa niya at ang kakaibang galak sa mga mata.

"What kind of stunt is that? Turuan mo naman ako..." he said, smirking like the devil.

Sinamaan ko siya ng tingin. He really is the worst! Napipikon ako!

"Go to hell." Asik ko. Tinalikuran ko siya at iiwanan na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso para pigilan ako.

Nakakagalit na talaga ang sitwasyon! Bakit kailangang siya pa sa lahat ng tao ang makakita sa akin na gano'n?

Kunot noong binawi ko ang kamay ko. Tinaasan niya rin ako ng kilay ngunit nakangiti naman.

"I'll take you home. Wala ang sasakyan niyo..."

What the hell is he saying? Ba't naman ako papayag? 

"Kaya kong umuwi mag-isa."

"Hmm, paano 'yan? Setting aside my concern for you, that's also what your father wants. Ibinilin niya sa'kin kanina." He shrugged. What the hell?

"Tingin mo sasama pa ako sa'yo matapos mo akong insultuhin nang insultuhin?"

"So, are you saying that susuwayin mo ang Daddy mo? Okay, fine." Itinaas niya pa ang dalawang kamay. "I'll make sure he knows about this."

Napaawang ang bibig ko. He's unbelievable! Ano bang trip niya? Naghanap ako ng mga salitang maari kong ipanglaban sa kaniya pero sa kasamaang palad, wala talaga akong masabi.

I'm clearly aware of the situation between Dad and my mistake with Raius. Kung inutos ito Daddy, baka madagdagan pa ang galit niya kapag hindi ako sumunod. Napasimangot na lang ako.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon