Fourteen: The One To Blame

67 14 3
                                    

"I heard that you closed the deal with the FMC? Job well done, hijo. That's very commendable..."

 

Simula umpisa ng brunch na 'to hanggang ngayon ay walang humpay ang pag-ulan ni Daddy kay Theo ng mga papuri niya.

Tungkol sa business ang karamihan ng pinag-uusapan nila kaya tahimik lang ako at hindi makasabat. Tanging napapangiwi at sumisimangot na lang palihim tuwing ibinubuhat ni Daddy ang bangko ng bwisit na lalaki.

He's doing it on purpose, I know.

Tuwing pinupuri ba naman kasi si Theofisto ay susulyap sa'kin na para bang may pinupunto siya.  Obviously, he's just proving a point. Kinukumbinsi ako na sumang-ayon sa opinyon niya. Kanina ko pa napapansin 'yun. He's actually overdoing it.

And I hope, hindi iyon napapansin ni Theofisto. Ayaw kong malaman niyang botong-boto sa kaniya si Dad para sa akin. I don't want to give him that kind of self-satisfaction.

"Sa totoo lang ay botong boto nga ako sa'yo para dito kay Breanna..."

Halos maibuga ko ang orange juice na kasalukuyang iniinom ko. Kakasabi ko lang sa isip ko na ayaw kong malaman niya pero ito na agad!

Isang malawak na ngiti ang namuo sa labi ni Theofisto kasabay ng saglit na pagtingin niya sa akin. Inirapan ko siya.

"Gano'n ba, Tito? I'd really appreciate that compliment but, I don't think I'm good enough for her..."

Napangiwi ako. Plastik talaga. Hello? You're not even slightly close to being enough. 

"Oh well, you have a point. No one's going to be good enough for my precious daughter." Halakhak ulit ni Daddy at tatango na sana ako sa pagsang-ayon kaso dinagdagan niya pa.

"But, you're getting close to it hijo."

Halos mapa-facepalm ako. Kahit hindi siguro magsalita ngayon si Daddy, sa ngiti niya pa lang at sa aliwalas ng mukha, mahahalata nang gustong gusto niya si Theofisto. Magkasalungat na magkasalungat kami ng nararamdaman at naiisip! 

"Daddy, you know that I have Raius." Pasimpleng gising ko sa kaniya sa realidad.

I should stop him. Kahit anong gawin niyang pagtulak sa akin, walang makapagpapabago ng isip ko. Rai's the only one for me and actually, kung magkakagusto man ako sa iba ay imposibleng dito sa lalaking ito.

I really hate him to bits.

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang o talagang nangunot ang noo niya't umigting ang panga habang nakatuon ang tingin sa pagkain niya. Unang beses na sumama ang ekspresyon niya sa meeting na 'to.

I didn't expect that. Siguro natapakan ang ego. Mukhang hindi naman 'yun napansin ni Daddy kaya siguro ay imahinasyon ko lang talaga. Pagkabaling pa sa amin ay balik din sa normal niyang ngiti agad. 

"What did I say? Sinabi ko lang naman na boto ako sa kaniya and nothing else..." pa-inosenteng sagot ni Daddy. "And by the way,"

Biglang itong sumeryoso kasabay ng paghalukipkip at pagsandal sa upuan niya. Ibinaba naman ni Theofisto ang mga kubyertos niya at binigay ang buong pansin dito.

"I heard that your brother ran away from home--" My eyes widened. Binalingan ko siya. 

"Dad? How did you know that?" Agad na putol ko sa kaniya.

"I have my own sources, Breanna. Why? Is it bad na inaalam ko kung ano ang nangyayari sa taong gustong pakasalan ng anak ko?" Seryosong sambit niya and I was shocked for a moment na hindi agad ako nakapagsalita. 

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon