I am grounded. For two weeks.
Inaasahan ko na 'to. Of course, hindi nagustuhan nila Daddy ang pag-alis ko sa gabi ng walang permiso nila. Kahit alam nila na kasama ko si Rai dahil sinabi ni Mang Roy, hindi pa rin tamang excuse 'yon sa kanila. Lalo na't ilang beses kong binabaan ng tawag si Daddy.
I get it. Sa totoo lang ay pinaghandaan ko na nga ang lahat ng alibi ko at ang paglalambing ko para manghingi ng tawad.
Pero, hindi ko inakalang sobrang magagalit pala sila. Akala ko ay madadaan ko sa kaunting bola at paglalambing pero mali ako. Dad is furious about it. While Mom, for the first time ever, ay hindi ako kinampihan.
Pati siya ay desididong parusahan ako. Hindi nila ako pinapansin at hindi nagpapadala sa mga pagpapaawa ko.
Ayun, grounded ako for two weeks. After school ay dapat diretso na sa bahay. Bawal gumala at bawal tumanggap ng bisita kahit mga kaibigan ko pa.
"This is going to be your punishment for neglecting us, Breanna. Hindi ka na bata..."
Exactly Dad! Huwag na sanang i-big deal ang paglabas ko ng gabi. Lalo na't it wasn't dangerous at all.
I didn't voice it out. Ayaw kong magalit lalo siya. Naiintindihan ko naman talaga ang pagkakamali ko. Maling mali talaga ako. But, this is the first time na naghigpit sila sa'kin ng gan'to. Noon, magsosorry lang ako, magrereflect sa kasalanan at okay na! That's why hindi ko naman ginawang big deal.
Tapos ngayon, hindi ko pa maintindihan kung bakit kailangang isama pa ako ni Daddy sa kumpaniya ngayong araw na wala akong pasok at dapat ay nagpapahinga ako dito sa bahay.
"Siguro ay masyado kitang binigyan ng kalayaan. I think it's about time that you know how it feels to have a strict father. You're going to stick with me for the whole day. Mag-ayos ka na, you're coming with me to the office." Sambit ni Daddy habang hindi tumitingin sa akin.
I'm getting worried already. Normally, hindi nila ako natitiis. Bakit ganito ngayon? Grounded na, may ganito pang parusa? This is weirding me out.
Nag-apply ako ng munting make up para lang hindi masyadong maputla ang mukha ko. A little bit of eyebrow and lipstick and I'm done.
Simplicity is beauty, I believe. Pero that's just my opinion for myself. Other girls can do what they want and no one has the right to tell them otherwise.
Well, I guess dahil sa ganito na rin naman nauwi ang lahat, I might as well enjoy it. Maghahanap na lang ako ng mapaglilibangan sa kumpanya.
Nagsuot ako ng isang pastel colored dress na abot hanggang tuhod. I braided my hair into two sections and wore a simple pink doll shoes. Girly masyado ang attire ko ngayon but I like it.
"You're grounded? Really?" Tawa ni Ali sa kabilang linya. "What are you? Fourteen?" Napabuntong hininga na lang ako.
"Hindi ko rin alam, Al. My parents are being weird about it. Kasama ko naman no'n si Rai, I don't know why they're acting like this."
"What? You were with Rai?" Halos pasigaw na tanong niya. "Oh anong nangyari? Nagkausap na kayo?" Atat na dagdag niya at napabuntong hininga na lang ulit ako.
Thinking about last night, mas pipiliin kong wag na lang pag-usapan ang mga detalye. Hanggang ngayon ay masama pa rin talaga ang loob ko sa naging pagkikita namin na iyon.
At, hanggang ngayon ay bothered pa rin ako sa hinala ko. I don't want to prove it. Let me just leave it as it is, baka kapag nagprobe pa ako, mas lumala. I need to think this through first.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...