Ala-una nang umaga ay nakatitig pa rin ako sa kisame ng kwarto ko, hindi makatulog at punong puno ang isipan ng mga bagay na nangyari kanina sa party.
Una, 'yung pagkikita namin ni Theo sa labas ng comfort room at kung paano ko narinig kung gaano kadesperada sa kaniya si Leana.Why are they together anyway? Maybe totoo ang mga rumors na narinig ko tungkol sa kaniya. That he's a womanizer, kahit daw saan mapunta ay may babae. Well, kung hindi pruweba ang pagsasabi niya ng next time kay Leana, ano 'yun 'di ba?
Pangalawa, 'yung sinabi ni Angelus tungkol sa ginawa ko noong nalasing ako. Ayoko nang pag-isipan pa pero ayaw no'ng tantanan ang utak ko!
Wala namang patunay na nangyari nga 'yon, 'di ba? Hindi muna dapat ako mangamba, 'di ba?
Pangatlo at ang pinakamalala sa lahat, si Celestina Gabriel, ang scholarship niya sa foundation na hawak ng mga Abrigo at si Raius. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na mapaghiwa-hiwalay ang tatlong bagay na iyan.
Pakiramdam ko ay konektado silang lahat at hindi ko magawang matahimik sa ideyang may kinalaman talaga si Rai dito.
Gaano ba kahirap ang tawagan ako saglit o itext manlang para may balita naman ako kung ano nang nangyayari sa kaniya?
Ni hindi niya manlang ba ako naisip sa loob ng ilang linggong hindi namin pagkikita?
Samantalang ako, halos mabaliw dito dahil hindi siya mawala sa utak ko. Gustong gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari sa kaniya!
Ito ang pinakamatagal na hindi kami magkasama at sa loob ng mga nakalipas na araw, marami akong napagtanto.
Kahit kailan ay hindi ko pa pala nasasabi sa kaniyang gusto ko siya. At, kahit kailan ay hindi ko pa rin narinig 'yun mula sa kaniya.
Simula umpisa pa lang kasi ay alam ko nang kami na ang para sa isa't isa hanggang sa huli.
Kaya hindi ko rin na naisip na mahalaga pa ang mga gano'ng usapan. Pakiramdam ko ay automatic na kumbaga.
Pero ngayon, hindi na'ko sigurado.
Nagdududa na ako kung masyado ba akong naging kampante noon para umabot ako ngayon sa puntong wala akong pinanghahawakang kahit ano sa kaniya maliban lang sa ilang taong pagiging magkasama namin.
One AM thoughts are the most ruthless, indeed.
"Uy, may problema ba? You don't look good..." puna ni Shaina habang pinagpaplanuhan namin ang magiging presentation namin next week.
Inilingan ko agad siya at nginitian.
"Wala. Medyo napuyat lang." I said as a matter of fact.
"Hmm, late night talk with boyfriend 'no?" Natawa ako.
"How I wish, Sha!" Sambit ko at hindi napigilan ang pagngiti ng mapait sa sarili. I don't even know kung matatawag ko pa siyang boyfriend sa ngayon.
Mabilis ang naging pagpaplano namin. Pinag-usapan lang ang magiging flow ng presentation at tinapos rin dahil mukhang ramdam niya ang pagkawalang gana ko.
Laking pasasalamat ko at considerate na kapartner si Shaina at siya pa ang nag-adjust sa mood ko. Wala talaga kasi ako sa wisyo para magfocus sa kahit-ano. Inaantok ako at para bang lumulutang ang isipan ko.
Hanggang kailan ba ako tatantanan ng mga takot sa utak ko? As days go by, mas nahihirapan na ako sa mga walang kasagutang tanong sa isipan ko. Raius likes me, right? Hindi ko na dapat pagdudahan pa 'yun. Right?
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...