Four: The Stare That Would Haunt Me

104 20 4
                                    

Pagkababang pagkababa ko ng sasakyan ay tumama agad sa mukha ko ang tirik na tirik na araw.

Bumaba na rin mula sa driver's seat si Angelus na hindi pa rin tinatanggal ang sunnies sa mga mata.

Kapansin pansin kung paano nanatili sa kaniya ang tingin ng mga tao lalong lalo na ng mga babae napapadaan.

Hindi ko maintindihan kung bakit para bang may artistang bumaba ng sasakyan sa kung paano nalaglag ang panga ng mga nakatingin sa kaniya. Halos mapahinto pa ang iba.

Like, what the hell? Si Angelus lang 'yan?!

Nang tumingin siya sa akin ay agad na sinamaan ko siya ng tingin.

"Umayos ka! I told you that Rai shouldn't know that we're here."

Mahina ang boses ko kahit na alam ko namang walang nakikinig sa amin. Napahalakhak siya bago itinanggal ang sunnies at ibinalibag 'yon sa loob ng sasakyan.

"Chill, anong magagawa ko? Tinatawag ko ba sila para pansinin ako?" Umiiling pang tanong niya habang nakangisi.

Ang yabang talaga.

I hate to admit but this guys right here is the only one who could give me a helping hand right now. Unang una, nagmamaneho siya ng sariling sasakyan at pangalawa, my parents trust him.

Kahit malaman nilang umalis ako ng walang paalam ay hindi ako mapapagalitan as long as malaman nilang si Angelus ang kasama ko.

Hindi kasi ako nagpaalam at hindi rin nagpadrive sa mga tauhan sa bahay dahil ayokong malaman nila Mommy kung saan ako pumunta.

I'm sure maghihinala na naman silang gusto kong bumalik sa pagpipinta at pipilitin na naman nila ako ng walang humpay.

Kinuha ko sa bag ko ang dalawang itim na masks na binili ko kanina at dalawang itim na cap na ipinabili ko naman kay Ali kahapon. Plain lang parehas 'yon.

Iniabot ko sa kaniya ang tig-isa nang naglakad na siya patungo sa'kin.

"Wow! Ano 'to? Talagang may pangdisguise pa! You stalker!" Halakhak niya pa ulit.

Napangisi na lang ako habang umiiling.

"Whatever you say, I don't care."

Inunahan ko na siya sa paglalakad dahil busy pa siya sa pagsusuot ng mga ibinigay ko sa kaniya.

Isang malaking tarpaulin ang nakapaskil sa entrance ng building. Nakalagay do'n ang pinakamalaking event na magaganap sa art center na 'yon at 'yun nga ay ang exhibit na pangungunahan ng nga scholars ng isang foundation.

Charita Foundation.

Saan ko ba narinig 'yon? Well, it does ring a bell but I can't figure out what exactly.

Ito ba ang tinutukoy ni Raius? It's not even an exhibit of a well-known artist. Is he serious?

Mukhang ito lang naman ang magaganap na exhibit sa buong building sa araw na 'to. Like, what the hell is happening?

I read all informations on the board and it is in the 10th floor of the building. Kailangan ko nang makapunta do'n agad dahil 11 na at kanina pang 10 ang opening nito.

Didiretso na sana ako sa pagpasok at aalisin na ang tingin do'n nang may isang bagay ang nagpahinto sa'kin.

Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang isang pangalang nagpabalik ng tingin ko sa board.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon