Sixteen: I don't think so

49 11 3
                                    

"I heard you just broke up with Sandy, hijo. Your tita Samantha is so devastated dahil sa pagiging broken hearted niya." Si mommy naman ang nagtanong ngayon matapos ang mga tanong ni Daddy kay Angelus tungkol sa business nila.

Pinigilan kong matawa habang pinagpapatuloy ang pagkain.

Sandy? What the hell? Ni hindi nga naging sila! Nilandi lang niya ng ilang araw tapos tinigilan din matapos ma-bored dito.

"Things didn't work out, tita." Malungkot na aniya. Mas gusto kong matawa. Sa seryoso ng arte niya ay iisipin mong totoo.

Napilitang magdinner si Angelus dito sa bahay para tuparin ang usapan namin kapalit ng pagtawag ko kay Ali.

Hindi na siya pwedeng umayaw dahil kinulit ko pa si Ali na umuwi na para lang sa kaniya. Dahil sa'kin ay on the way na siya papunta rito kahit 'di pa tapos ang date nila nung Tristan.

Naisip ko rin ay dapat lang rin naman, gabi na nga masyado para ipagpatuloy nila ang date na 'yun. Baka mamaya ay masamang loob pala ang Tristan na 'yun at mapano pa si Ali na walang kahit anong experience sa mga lalaki.

"Oh, by the way, have you met with Theo? 'Di ba't matalik kayong magkaibigan?"

I almost rolled my eyes. Tama ang sinabi ko kanina kay Angelus na hindi siya mahihirapang i-bring up si Theo sa hapag na 'to. Sigurado kasing babanggitin siya ni Daddy kahit hindi naman related ang usapan sa kaniya. Sa lahat yata ng makausap ay binabanggit niya ang Theo na 'yun, nakakainis!

"Yes, tito. Pagkadating niya pa pa lang. Nag-host kasi ng party 'yung pinsan niyang si Mira."

Look at that bitch, nagpaparty pa dahil lang sa pagbabalik ni Theo samantalang iyong isa niyang pinsan na all along ay naririto lang sa Pilipinas, ni hindi makamusta!

Tignan niyo naman kung gaano ka-unfair ang buong angkan nila kay Rai. Halos ipamukha nila rito kung paano pinapaboran si Theo kaysa sa kaniya. I'm getting angry again. I doubt if Rai's even invited to that party. 

"Did you attend that party, too Breanna?" Lipat sa'kin ni Daddy. Nagulat ako.

"What? Why would I, Dad?" Litong tanong ko. For pete's sake, party iyon para kay Theo! THEO!

"Why not?" Walang clue na tanong niya.

"Well, unang una, I'm not even invited Dad. At hindi ko mga kaibigan 'yun. Lalo na 'yung fake na Theo na 'yun."

Mahina lang ang boses ko sa huling sinabi ko para hindi na marinig ni Daddy. Ayokong makarinig ng mga litanya at pagtatangol niya. Biglang napahagikgik si Angelus sa tabi ko at sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Hmm, you weren't invited? Is Theo not interested in you?" Para iyong tanong niya sa sarili at hindi ko mapigilang malaglag ang panga ko.

Why is he asking such a ridiculous question? Ako ang walang interest sa kaniya!

That is actually a big slap to my ego. Bakit parang ang ipinahihiwatig ni Daddy ay dapat mapansin ako ni Theo?

Pero sabagay kung iispin, maganda ring maisip niya walang interest sa'kin 'to para hindi niya na i-push pa ang ideyang gusto niya.

"Ah, tito walang kinalaman si Theo sa guestlist. It was all organized by Mira. It was a surprise party..."

Bahagya kong siniko si Angelus para 'wag niya nang itama ang iniisip ni Daddy at the same time para gawin na rin ang pinagagagawa ko. This is the perfect timing. Habang nasa usapan pa si Theo.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon