Overthinking is not my thing. Madalas, kapag naba-bother ako sa isang bagay, nilalagpasan ko lang din agad o kinakalimutan. Because for me, it's an uneccessary bother. Nagsasayang lang ng oras at pagod. I'd rather solve it immediately or divert my attention into something worthy or fun.
Pero lately, I've been overthinking too much. Dahil sa mga nangyayari. Hindi na ako dinapuan ng peace of mind simula nang dumating si Celestina. Kahit anong gawin ko ay hindi ko na matakbuhan.
Hindi mawala sa isip ko ang mga actions at mga naging salita sa'kin ni Raius lately. Pero at the same time, hindi ko rin matanggap na iyon talaga ang nararamdaman niya para sa'kin.
Paulit-ulit kong nilulusot na baka sobrang stressed niya lang talaga ngayon. Na baka, irrational lang din talaga ako sa mga pinaggagagawa ko. Na, baka ako talaga ang may kasalanan dahil hindi ako makapaghintay at makapagtiwala. At kung ano-ano pang ibang pagdadahilan.
Pero, paano kung totoo talaga ang iniisip ko? Na nagugustuhan niya na ang Celestina na 'yun?
Matatanggap ko ba?
Iniimagine ko pa lang ay alam kong imposible na. I can't live without him.
Kahit kailan ay hindi ko pinilit ang sarili ko sa kahit kanino. Madalas ay nakukuha ko ang mga bagay na gusto ko kahit hindi ko hilingin. Pero kung kailangan kong ipagpilitan sa puntong kailangan kong magsakripisyo, 'wag na lang.
Pero this time, alam kong hindi ko hahayaang mawala na lang siya sa'kin. Kung kailangan kong ipilit sa mundo ay gagawin ko. Kahit magmakaawa pa.
"Let's meet at Matrix. I'll wait for you.'
-RaiusTinitigan kong maigi ang text mula sa kaniya na nabasa ko lang matapos ang klase. Paulit-ulit ko 'yung binabasa simula nang makita ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko sabay lipat ng tingin sa mga gusaling nadadaanan ng sasakyan patungo sa Matrix.
I can never let Raius go. I'll hold on to him with the tightest grip I can, kahit gaano pa ako masaktan sa proseso.
I know I shouldn't go like this after all that he said yesterday. I know I should be mad at him, pero I can't. I want to give him all the chances in the world. Pupunta ako at makikipagkita sa kaniya habang kumakapit sa munting pag-asang maisasalba ko pa ang relasyon at sitwasyon namin.
I won't ever let him go. Kahit ano pa man ang mangyari. Siya ang nakaraan ko, ang kasalukuyan at hinaharap.
Siya lang ang nakikita kong kasama ko sa hinaharap at kung mawawala siya sa'kin, baka masira ako nang lubusan at hindi na makabangon. Lalo na kung sa babaeng 'yun siya mapupunta.
Pagkapasok ko sa Matrix ay siya agad ang una kong nakita. He was sitting at our usual table there, all alone. Biglang nagflash sa utak ko 'yung panahon namin noong highschool kung saan dito kami laging napapadpad tuwing gusto niyang tumakas sa lasing na Auntie Mefelia.
Lagi siyang napapaaway sa lugar na 'to noon dahil makanti lang ng kaunti ng ibang mga naglalarong estudyante ay maghahamon na ng away. Kahit gaano karami at nag-iisa lang siya, wala siyang inuurungan. And he would often win. Gano'n siya ka-bayolente.
If Celestina would know that side of him, magugustuhan kaya siya nito? Mananatili kaya 'to sa tabi niya at sasamahan siya sa lahat ng pagkakataon? Kahit sa mga pagkakataong walang kahit sinong maka-control sa kaniya? I doubt it. Ako lang ang nanatili sa loob ng ilang taon. Hinding hindi niya matutumbasan 'yun. She'll never understand his pain like how I do.
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...