Twenty Two: Sorry, sorry

91 13 6
                                    

Nawala na naman si Rai.

After that day, I haven't heard from him again. Pinagsisihan ko rin agad lahat ng sinabi ko sa kaniya nun pero at the same time, tingin ko'y mabuti na rin na nailabas ko ang nararamdaman ko.

Naabutan na naman akong umiiyak ni Theo sa lobby pagbalik niya. Dahil hindi na rin naman bago 'yung sitwasyon ay ni hindi ko na tinangkang magtago o magpanggap sa kaniya. Patuloy lang akong tahimik na umiyak do'n.

Akala ko ay may sasabihin siya o makikialam pero nagulat ako nang inabutan niya ako ng panyo at tahimik na naupo lang sa tabi ko. Hindi siya nagsalita hanggang sa tumahan ako.

Hindi ko alam kung ang pakay niya ba talaga'y damayan ako sa gano'ng paraan. O, wala lang talaga siyang interest na kausapin ako pero ang tanging nasip ko lang pagkauwi ay kung gaano ko na-appreciate iyong simpleng pagtabi niya sa'kin. 'Yung simpleng pananahimik niya at hindi pagtatanong. At 'yung paalala niyang magpahinga ako nang mabuti at magiging maayos din ang lahat.

Hindi nawala no'n 'yung sakit pero atleast hindi ako mag-isa.

Who would've thought na siya, ang taong kinamunuhian ko nang sobra ay siyang magpapagaan pa ng loob  ko sa pagkakataong 'to?

Sobrang unpredictable talaga ng buhay.

Na- in love nga si Rai kay Celestina, eh. May tatalo pa ba dun?

"Yuchengco..."

Napaangat ang ulo ko nang marinig ang tawag ng prof ko. Kinabahan agad ako dahil wala akong alam sa naging discussion at lutang ang isip ko.

"Sir?" I asked, slightly apologetic. Kasalanan ko kung mapapahiya man ako ngayon, hindi kasi talaga ako nakikinig.

"Are you okay? You look like you're not feeling well."

Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang concerned lang talaga si Sir.

"I'm fine, Sir." Ngiti ko.

"Are you sure? You can go to the clinic if you need to..."

"Thank you sir but I'm really okay." Tango ko na lang sabay ngiti. Nagpatuloy na ang klase at pinilit ko nang sumunod sa discussion pero maya-maya lang ay na-realize kong medyo nahihilo nga ako.

Kinalabit ko si Amiel, seatmate ko.

"Do I look sick?" Tanong ko na nagpakunot sa noo niya sa umpisa. Nang magets ako ay tinignan niya ang mukha ko saglit bago tumango.

"Yeah, actually, sobrang namumutla ka. Okay ka lang ba talaga?"

Napatango ako. "Oo okay lang, baka dahil lang wala akong make-up." Sabi ko na lang. Ayoko nang mag-alala pa ang ibang tao sa'kin.

Maybe, I'm really not feeling well. Akala ko ay mabigat lang ang pakiramdam ko kaninang umaga dahil sa pag-iyak ko kahapon at dahil sa sobrang pagkabigo pero mukhang hindi.

Nilalagnat ba ako? O baka dala lang ng pagpupuyat at hindi pagkain? Nahihirapan kasi talaga akong matulog at wala rin akong ganang kumain nitong mga nakaraan.

Alam kong hindi ko dapat 'to gawin sa sarili ko pero anong magagawa ko? Ito talaga ang epekto sa'kin ng mga pangyayari. Hindi ko rin naman 'to ginusto. I'm so fucking eager to go back to who I used to be. Pero mukhang hindi ko pa kaya ngayon 'yun.

Ngayon ko lang napagtanto kung gaano talaga ako ka-hina. Akala ko ay malakas ako noon, akala ako ay matapang ako. Pero maling mali ako. Siguro'y 'di ko pa lang talaga kilala ang sarili ko.

Now I'm a mess. I'm crumbling down and I can't even do anything about it. Hindi ko naman mauutusan ang sarili kong huwag masaktan, tanggapin na lang ang lahat at kalimutan na lang si Raius. Kung gano'n lang kadali, matagal ko nang ginawa.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon