Twenty Seven: Love me back

50 3 0
                                    


Tita Fely and Rai arrived in our house a few hours before our flight. Dala nila ang van na maghahatid sa amin ni Rai sa airport at nagkaroon pa ng mabilisang lunch kasama sila Dad at Mom. An intimate farewell gathering kasama ang buong pamilya namin.

Si Theo lang ang natatanging wala.

I stopped wondering where he is. I bet, kung nasaan man siya ay tuwang tuwa siya dahil nabuo ang plano niya.

It still infuriates me, but more than that, I think I'm more disappointed... and hurt.

Pinanuod ko si Rai na tahimik na sumimsim sa wine niya. Mabilis lang ang naging recovery niya kahit kritikal ang naging kondisyon at laking pasasalamat ko na wala siyang natamong anumang permanenteng damage sa katawan.

Habang nakatingin sa kaniya ay nag-flash bigla sa isip ko ang mukha ni Theo. I suddenly remembered how Theo looked at me at that damned parking lot where I kissed him.

'I think you're brave...' 

It was the first time I've ever felt... seen.

'Yung tingin niya sa'kin no'n, para bang tumagos sa balat at nakatingin sa pinakakalooblooban ko. It was warm and sincere. I thought.

Too bad that it wasn't true. Kumurap ako para alisin ang imahe ng mukha niya sa isip ko. Nabalik ako sa realidad na si Raius ang nasa harap ko.

Wala nang ginawa ang magkapatid na 'to kun'di ang saktan ako. Maybe  Rai felt my stare that's why he looked at me too, but immediately turned away.

I can imagine how awkward it would be for us. After all that has happened, kailangan naming magsama sa iisang bahay sa malayong lugar.

We'll be living together when we're not even in a relationship. Ni hindi ko nga ma-identify kung friends ba kami. Yes, I care for him, pero tingin ko'y awa na lang talaga ang nagtutulak sa'king tumuloy dito. At syempre, 'yung pressure ng mga matatandang nag-eexpect na sa amin. I don't want anything else from him anymore.

Nag-stay si Tita Fely sa bahay at hindi na kami hinatid patungong airport. There's no need, nangako naman silang lahat na dadalaw sa amin sa New Zealand as soon as we're settled. Sa van, tahimik lang kaming dalawa ni Rai buong byahe. He's looking outside the window, mukhang lumilipad ang isip kung saan. While, I tried my best to sleep.

I didn't get enough sleep last night because of a certain someone.

A certain someone na matapos umaligid sa akin nang ilang linggo at guluhin ang isip ko, ay biglang nawala at ni hindi manlang nagpaalam sa'kin ngayong aalis na ako.

He should've at least shown up at least for once. Kahit pa nagpakita manlang siya para pagtawanan ako at ipamukha sa'king nabilog niya ako ay mas gugustuhin ko pa kaysa nanghuhula ako ngayon.

I have a theory about what happened.

Maybe, Theo wanted to send us abroad so that he can get rid of both of us-- me and Rai. Ewan, baka may personal gain siya sa pagkawala ni Raius, or maybe he's doing this to help Celestina again. I don't know. Thinking about it, pwede rin na strategy niya rin ang pagkuha sa loob ko para bitiwan ko na si Raius at tigilan ko na si Celestina. I guess he thought it failed, that's why he pushed through with the "sending us away" plan.

Well, kung ganon, he thought wrong. Coz he got me. Pero in the end, he still won. Kasi, ito na kami ni Rai, paalis na. Nagtagumpay siya kung ang nais niya'y mawala kami.

Naka-check in na kami at diretso na sa baggage area kung saan si Raius ang nag-asikaso ng lahat. Naghintay lang ako sa tabi niya at nang matapos ay naupo kami sa waiting area. We still have an hour before the flight. Naupo kami sa bench na nakatanaw sa labas ng Naia, kung saan kita ang mga nakaparadang eroplano.

I Lost Me, TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon