[Trigger Warning: Violence]
I screamed.
I saw his face full of wrath and fury as he ruthlessly threw punches on William's face. Nag-aapoy ang galit sa mga mata at kahit gusto ko man siyang pigilan ay naestatwa na'ko sa kinatatayuan ko.
Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang husto. Para bang kaya niyang saktan ang kahit sino.
"Fuck! Why did you kiss her?!" Kasing lakas ng kulog ang boses na sigaw niya.
"What the hell, man? Ikaw ang nagsabi sa'king--" hindi na naman natuloy ni William ang sasabihin dahil itinulak niya na 'to ng malakas at napaupo na sa sahig.
"Ang sabi ko, ipahiya mo! Hindi ko sinabing halikan mo! Tangina! Who the fuck are you to lay your fucking hands on her!" Galaiting galaiting aniya. Hindi na nakontrol ang sarili at muling sinugod ang kaharap.
Isa pang suntok, at isa pa, at isa pa. Hindi siya tumigil kahit pa dumudugo na ang gilid ng labi ng kaharap at namamaga na rin ang mukha nito.
Mabilis ang tibok ng puso ko sa kaba habang pinapanuod sila. Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ako makagalaw. Para bang huminto ang takbo ng mundo at hindi na 'ko makarinig; hindi na'ko makagalaw at makapagsalita.
Matinding takot ang naramdaman ko. Napuno nalang ng takot ang sistema ko at pakiramdam ko'y maiiyak na 'ko.
Hindi lang dahil sa rahas ng mga suntok na pinakakawalan niya at hindi rin dahil hindi ko na makilala ang Raius na nasa harap ko ngayon kundi dahil may napagtanto akong isang bagay; bagay na matagal ko nang ayaw tanggapin.
Hindi ko na maitatanggi dahil nasa harap ko na mismo ang malaking patunay nito.
Dumating na ang bagay na pilit kong pinipigilang mangyari.
I'm so in love with him. Even heaven can attest to that.
Sa loob ng mahabang panahon, sa kaniya na umikot ang mundo ko.
Pero, bakit ganito? Bakit ganiyan na lang siya magalit dahil lang hinalikan ni William ang babaeng 'yon? Bakit siya nagkakaganiyan ngayon?
Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Walang makapapantay sa takot na nararamdaman ko ngayon.
This is so unfair... so damn unfair!
He's been my life ever since he entered it, nanatili ako, at handang manatili kahit pa kailangan kong i-sacrifice ang lahat sa akin! Bakit? Bakit ganito?
Hindi pwede.
Hindi pwedeng gawin sa'kin 'to ng mundo! Hindi pwedeng maging totoo ang hinala ko!
Nagmamaka-awa ako, he can't be in love with her.
A/n: Vote natin para ma-motivate ituloy! Kawawa naman ako, kailangan ko pa ng validation pero vote mo na kasi xD
BINABASA MO ANG
I Lost Me, Too
RomanceBreanna Yuchengco is the kind that you would hate in a story of true love that blossomed from revenge. She's the girl who would take all the desperate measures just to have the love that she desires, even by the means of turning herself into the vi...