Chapter Thirty-Four

3.1K 45 5
                                    

HINDI mapakali si Hestia sa impormasyon na kanyang nalaman ngayong araw. Nasa restaurant s'ya ngayon kung saan hinihintay n'ya si Ashton. She keeps on looking at her watch, hindi n'ya alam kung paano n'ya sasabihin kay Ashton ang good news na sinabi ng Doktor sa kanya.

"Congratulations, Miss Garcia, you're nine weeks pregnant, "

Naghahalo ang emosyon ni Hestia. Kaba, saya, at pagka-galak. Kinakabahan s'ya sa magiging reaksyon ni Ashton, hindi n'ya alam kung handa na ba ang kanyang mapapangasawa na maging ama. Nakaramdam din s'ya ng kasiyahan sapagkat magiging ina na s'ya. Napahawak naman s'ya sa kanyang tyan at hinimas-himas ito. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Ashton. She checked her watch and it is already 5:00 PM.

"What took you so long, Mr. Ashton? " taas-kilay n'yang tanong rito.

"Dumaan pa kasi ako sa office. I'm sorry, babe, " naintindihan naman ito ni Hestia kaya tumango na lamang s'ya sa mapapangasawa.

"Anyway, what is the important announcement that my beloved will make? Are we having a baby? " natatawang sabi ni Ashton.

"Yes. "

Hindi n'ya alam ang gagawin noong tumigil si Ashton sa pag-tawa at napalitan ng gulat ang ekspresyon nito.

"W-what? "

"We're pregnant, Ashton, " Hestia said calmly. Ano ba ang dapat n'yang ikabahala? Hindi naman siguro s'ya iiwan ni Ashton dahil niyaya naman na s'ya nitong magpakasal.

Few seconds had passed since Ashton became silent, so Hestia decided to break it.

"Aren't you happy? You know, I can be a single mother if you are not ready for the bab–"

"Shh, I'm thinking for our baby's name, " ito lang ang sinagot ng lalaki sa kanya. Hindi n'ya mapigilang ngumiti. Looking at Ashton thinking for their baby's name is such a big deal for Hestia. Nowadays, it is rare to find someone like Ashton.

"If our baby is a boy, I'll give him a name that suits his face. I know, he will be as handsome as me, " banggit ni Ashton saka tumawa. Nasa condo na sila ngayon at hanggang rito ay ang nasa isip ni Ashton ay ang magiging pangalan ng magiging anak nila.

"What if, our baby is a daughter? What will you name her? " tanong ni Hestia sa kabiyak. Humawak naman si Ashton sa baba n'ya na parang nag-iisip talaga kung anong ipapangalan kapag babae. Wala pa namang espesipikong pangalan ang sinasabi ni Ashton, kinukumpara n'ya lang ang sanggol sa magagandang bagay na nakapaligid sa kanila.

"Hmm, I will name her Mira, " nakangiting sagot ni Ashton.

"Why? I'm just curious, " tanong ni Hestia habang nakain ng chips.

"Wala lang, ang ganda kasi, eh, "

Buong hapon ay yoon lang ang bukambibig ni Ashton, hanggang sa pagtulog ay ganoon pa rin ang pinag-uusapan nila. Doon na natulog si Ashton sa condo ni Hestia, dahil mas kailangan daw sya nito ngayon.

"I told you, umuwi ka na, kaya ko naman, "

"No. Paano kung may gusto kang kainin na pagkain? Paano ko mabibigay sa'yo 'yon kung hindi tayo magkasama? " ito lang ang naging rason ni Ashton sa kanya.

"Parang gusto na kitang pakasalan bukas, " biglang saad ng lalaki. Lumaki naman ang mata ni Hestia sa sinabing iyon ni Ashton.

"Ayos ka lang ba? "

Wala naman s'yang problema doon, nagulat lang s'ya sa sinabi ng kanyang nobyo.

"Oo, pero kung ayaw mo, pwede namang sa susunod na linggo. Then, on our reception after the wedding, we will announce that we are pregnant, " nakangiting sagot ng binata sa kanya.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon