"I CAN'T MARRY YOU, HES.. I'M SORRY. "
Napapikit s'ya nang maalala n'ya ang sinabi ni Ashton kanina. Hating-gabi na, pero hindi pa rin s'ya makatulog, hindi mawala sa isip n'ya ang mga sinabi ni Ashton sa kanya.
"Ano 'yon? After we made love, he'll tell me that he can't marry me? Tanginang 'yan! " she uttered while staring at the ceiling, imagining Ashton's face.
"Napaka-peste mo talaga sa buhay, Ashton! " sigaw na naman n'ya. Sigurado naman s'yang wala nang makakarinig sa kanya dahil anong oras na, tulog na ang mga tao sa bahay nila.
"N-nakakainis ka! Matapos mo 'kong pakiligin, sasabihin mong hindi mo 'ko kayang pakasalan?! " she can't stop her tears from falling. She wanted to scream, she wanted to shout, she wanted to punch Ashton's face!
When she knew that her soon-to-be groom was Ashton, she's more than happy! Nagpi-piyesta ang puso n'ya nang malaman ang balitang 'yon, at akala n'ya ay gano'n din ang nararamdaman ng binata, pero nagkamali s'ya, nagkamali s'yang muli.
Assumera ka kasi, Hes! Napaka-assumera mo!
Sinabunutan n'ya ang sarili dahil sa katangahang taglay n'ya. Bakit ba kasi pagdating sa lalaking 'yon ay napaka-rupok n'ya? Isang halik, isang yakap, isang ngiti, at isang hawak lang nito sa kanya ay lumalambot na ang puso n'ya rito. Bumangon s'ya mula sa pagkakahiga saka kinuha ang cellphone n'ya. Nakuha na n'ya ang cellphone n'ya kanina dahil natuwa ang kanyang Papá dahil nga okay na sila ni Ashton.
Nang makuha na n'ya ang cellphone n'ya ay dinial n'ya ang number ni Helix, ilang ring pa ay sumagot na ito. Kung twelve o'clock pa lang sa Spain, paniguradong sa Pilipinas ay alas-sais na ng umaga.
"Hola, Hestia! How are you my baby? " natawa naman s'ya sa tinawag nito sa kanya.
"Himala atang nagising ka nang maaga? " tanong n'ya rito.
"Healthy lifestyle na, eh. Nage-exercise na ako, "
"Naks naman! Talagang iba ang epekto no'ng last na chix mo ah! "
"Don't mention her, my baby, okay? "
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, 'no? "
Akala n'ya kasi ay nag-bago na ito dahil sa babaeng nakilala n'ya kamakailan lang. Mukha kasing seryoso na ang kaibigan n'ya sa babaeng 'yon.
"Why? You're still my baby naman, ah? Kamusta naman sa poder ni Tito Nico? Okay na ba kayo? " sunod-sunod na tanong sa kanya ng kaibigan, tumango s'ya bilang sagot kahit hindi nakikita ng kaibigan n'ya.
"Yeah, we're okay. 'Yong puso ko 'yong hindi.. " sagot n'ya at hindi na napigilan ang sariling umiyak.
"Hey.. what happened? "
"Ayaw n'ya akong pakasalan.. " she replied, still sobbing.
"O, kwits lang! Ayaw mo din namang magpakasal sa kanya kasi may mahal ka ng iba, 'diba? "
"'Yon na nga, eh, the man I love is also my soon-to-be husband, but unluckily, he can't marry me. " she let out a faked laugh.
"Shh.. I'm sorry if I wasn't there when you needed a shoulder to cry on, don't worry, I'll go to Spain immediately. Don't cry, my baby. You don't deserve that asshole, " bakas ang galit ng kaibigan n'ya sa tono pa lang ng pananalita nito. Napangiti naman s'ya.
"Thank you, Helix. I'm lucky because I have a friend like you, " she said while wiping her own tears, because no one would do that for her.
"I'm luckier, Hes. Sige na, alam kong hating-gabi na d'yan kaya matulog ka na. Goodnight, "
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...