Chapter Seven

4.4K 79 1
                                    

NAKATITIG si Ashton sa babaeng nasa harap n'ya.

"You can go now, Fe, " utos n'ya sa babaeng nagdala sa bago n'yang sekretarya.

"Good day, Miss Garcia, " nakangiting bati n'ya rito. Bakas pa rin ang pagkagulat nito kaya naman nagsalita ulit s'ya.

"Hey, baka matunaw ako n'yan, "

"What are you doing here? " the woman asked.

"I should be the one who's asking you about that. What are you doing here, Miss Garcia? "

"Nandito ako para maging sekretarya ng CEO ng kompanyang ito, "

"Great! So, you will be my new secretary, " aniya na kunwari ay nagulat s'ya. Nang makita pa lang n'ya ang resumé na pinasa nito sa online application ay agad n'yang sinabihan ang isa sa empleyado n'ya na tanggapin agad si Hestia. Hindi n'ya alam kung ano ang ginawa sa kanya ng babae para hanap-hanapin n'ya ito. Yes, hinahanap-hanap n'ya ang babae sa loob ng isang linggo na hindi sila nagkikita. Gusto n'yang maramdaman muli ang labi ng dalaga, gusto ulit damhin ng mga palad n'ya ang malulusog nitong dibdib, gusto n'ya ulit na nasa ibabaw n'ya ito kahit pa nahimatay ito nang makita ang kahabaan ng kanyang sandata.

"So.. you will be my boss, "

"Obviously, "

"Okay then, good morning, Mr. CEO. I'm Hestia Garcia, 27 years old, and I'm your new secretary, " nakangiting bati sa kanya ng babae. Hindi n'ya alam kung bakit pero parang tinatambol ang dibdib n'ya sa kadahilanang ngumiti sa kanya ang babaeng muntik na n'yang makatalik isang linggo lang ang nakakalipas.

Tumayo s'ya at lumapit rito. Habang papalapit s'ya ay naamoy na n'ya ang pabango ng dalaga.

That's Calvin Klein woman perfume! Nang makalapit s'ya rito ay agad n'yang hinapit ang bewang nito palapit sa katawan n'ya saka siniksik ang ulo sa leeg ng babae.

"S-sir, what are you doing? " napangiti s'ya nang marinig na nauutal ang babae. May epekto rin s'ya sa babaeng kayakap n'ya, mabuti dahil hindi s'ya papayag na s'ya lang ang may interes dito.

"That's a welcome hug, Hestia, and this.. " lumapit s'ya sa mukha ng babae saka inilapat ang labi n'ya sa labi nito. ".. is a welcome kiss, " nakangiti n'yang dagdag.

"P-p'wede ba? Nandito ako para magtrabaho, at hindi para makipaglandian sa'yo, "

"Ang sungit mo naman, " sambit n'y saka tumawa ng mahina.








HINDI mapigilan ni Hestia ang malakas na kabog ng dibdib n'ya? What's happening to her? Pakiramdam n'ya ay lalabas na sa dibdib n'ya ang kanyang puso.

Kalma, Hestia, kalma.

Pero, wala iyong nagawa para pakalmahin s'ya. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib n'ya nang marinig ang mahinang tawa ng binata. Shit, ano ba ang nangyayari sa kanya? Ang dami-daming lalaki ang tumatawa kapag nakakasalamuha s'ya, pero bakit sa lalaking kaharap n'ya s'ya nagkaganto?

"Anong schedule ko ngayong araw, Hestia, " tanong sa kanya ng boss n'ya dahilan para mabalik s'ya sa ulirat. Kinuha n'ya ang tablet na nasa bag n'ya at tiningnan ang sinend sa kanya ng isa sa empleyado ng kompanya.

"Ah, you have a lunch meeting with Mr. Chua, at exactly twelve noon, next is Misis Fernandez at 2 o 'clock p.m, and--- " hindi na n'ya natapos ang sasabihin n'ya nang magsalita na ang boss n'ya.

"Cancel all my schedule for today, Hestia, " napakunot-noo naman s'ya.

"Sir, bakit po? "

"Because, you'll have a lunch date with me, "

Tama ba ang narinig n'ya? Lunch date? With her boss?

"But, Sir --- "

"No, buts. Anyway, I want to formally introduce myself to you. I am Ashton Monteverde, CEO of AshBerg Breweries Incorporation, "

"Nice meeting you, Sir, " nakangiting wika n'ya.

"You are more beautiful when you are smiling, " at ayon na naman ang malakas na pagtambol ng kanyang puso.

"T-thanks, " argh! Ba't ba s'ya nagkakaganito sa harap ng boss n'ya? Maya-maya pa ay lumapit muli sa kanya ang lalaki at saka bumiling sa tenga n'ya.

"Pero, mas maganda ka noong nahimatay ka nang makita mo 'yong mahaba kong sandata, " saka s'ya nito iniwan doon na nakatayo.

Para namang umakyat lahat ng dugo n'ya sa kanyang pisngi. Argh! Sabi n'ya sa sarili n'ya ay pasasalamatan n'ya ito kapag nagkita sila dahil sa ginawa nitong hindi pananamantala sa kanyang kalasingan no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila, pero dahil sa ginawa nito ngayon ay parang gusto na n'ya itong gilitan sa leeg.

Kailangan pa bang ipaalala 'yon?! I hate him!

A/N: ba't naman kasi nahimatay no'ng makita ang mahabang sandata ni Ashton? Hahahahaha!

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon