"GOOD MORNING, MY BOY! " masiglang bati sa kanya ng ina ni Ashton sa kanya.
"What are you doing in my room, Mom? " tanong n'ya sa ina dahil nasa kwarto n'ya ito.
"Pinaghahanda ka ng almusal, " simpleng sagot nito at nakita nga n'yang nag-aasikaso ito ng makakain. Tumayo na lamang s'ya at nag-tungo sa CR. Nag-hilamos s'ya saka nag-sipilyo saka tumitig sa salamin.
"I'm getting married, Ashton. I'm sorry. "
Napapikit na lamang s'ya nang maalala ang mga katagang 'yon mula kay Hestia. Hindi n'ya alam kung nagbibiro lamang ito, o nagsasabi ng totoo? Paanong nangyaring ikakasal na ang dalaga matapos lahat ng nang-yari sa kanilang dalawa? Ano ba talaga ang nangyayari?
Umiling-iling na lamang s'ya saka lumabas ng banyo.
"Mabuti naman at natapos ka din sa banyo, akala ko ay nilamon ka na sa loob, eh. " natatawang sambit ng kanyang ina habang nakaupo na sa sofa at handa nang kumain.
"Matagal ba ako sa banyo, Mom? " tanong n'ya saka tumabi dito at sumimsim ng hot coffee na nasa mesa.
"Oo, ano bang nangyayari sa 'yo, anak? " lumapit ang kanyang ina at inilapat ang palad nito sa noo n'ya. "Wala ka namang sakit, " ani nito saka inilipat ang kamay sa kanyang leeg.
"I'm fine, Mom, " sabi n'ya saka sumubo ng blueberry cake na nakahanda rin sa mesa. His mom looked at him, but eventually, the old woman took away her gaze from him.
"I-tour mo kami ng Daddy mo dito sa Paris, okay? " nakangiting wika ng kanyang ina saka sumubo rin ng cake na nasa mesa.
"Since you mentioned Dad, where is he? "
"Umalis s'ya kaninang umaga, eh, gusto daw maglibot-libot sa mga kalye dito. Alam mo na, ume-edad na kasi, " sagot ng Mom n'ya saka nagpakawala ng matinis na tawa. Umiling na lamang s'ya.
"But, seriously, Ashton.. " napatingin s'ya sa kanyang ina na ngayon ay titig na titig sa kanya.
"May problema ba? Is there something bothering you? Tell me, you know that Mom is always here to listen. " bakas ang pagaalala sa ginang. Umayos naman ng upo si Ashton saka niyakap ang ina.
"I'm okay, Mom. You don't have to worry about me. " humiwalay s'ya sa pagkakayakap saka binigyan ang kanyang ina ng pekeng ngiti.
His mom was about to contradict him, but his dad interrupted her.
"Kaya pala wala ka do'n sa kwarto natin, dahil nandito pala kayo ng anak mo at kumakain na kayong dalawa lang, " sabi nito sa kanyang ina. Mabuti na lang din na dumating ito dahil guguluhin pa s'ya ng Mom n'ya kung hindi. Hindi ugali ni Ashton ang mag-share ng problema sa kanyang magulang, hangga't maaari, ay itatago na lang n'ya ang nararamdaman n'ya. Tsaka, alam n'yang tutuksuhin lang s'ya ng mga 'to lalo na't babae pala ang gumugulo sa isip n'ya.
Nakisalo ang kanyang ama sa kanilang almusal, at pagkatapos no'n ay umalis na ang dalawa dahil maghahanda na daw sila para sa paggala nila sa Paris.
"Sa'n ko naman dadalhin ang mga 'yon? " tanong n'ya sa kawalan. Hindi n'ya alam kung saan dadalhin ang mga magulang na nangulit sa kanyang gumala sa Paris.
Sa mga pinuntahan na lang siguro namin ni Hes.
Napapikit s'ya nang sumagi sa isip n'ya ang pangalan ni Hestia. Napahawak s'ya sa sariling dibdib nang maramdaman n'ya ang kirot na nararamdaman n'ya dito. He wanted to stop loving Hestia, specially now that his secretary is getting married, but he doesn't know how. He brushed his hair because of the pain that he's feeling right now, he wants to punch the wall in front of him, he wants to ease the pain that he's feeling right now. Kung alam lang n'yang ganto kasakit mag-mahal, sana hindi na lang n'ya ito naranasan.
Pesteng kupido! Do'n pa ako ipinana sa maling tao!
Pagkatapos n'yang alalahanin ang mga alaala nilang dalawa ni Hestia ay napagdesisyonan na n'yang maligo. Kahit sa pag-ligo ay naaalala pa rin n'ya ang dalaga. Ang ngiti nito, ang halik na nakakapagpabuhay sa buo n'yang pagkatao at ang pisngi nitong namumula sa t'wing nagiging sweet s'ya rito. Tinapos na n'ya ang pag-ligo saka nag-bihis at nag-handa sa pag-alis n'ya kasama ang magulang.
***
"Sa'n ba magandang mag-punta dito sa Paris, anak? " tanong ng kanyang ama habang nasa limousine sila. Mas pinili n'yang sumakay ng limousine dahil wala s'ya sa mood mag-lakad.
"Eiffel tower, " tipid na sagot n'ya rito, at nagsisisi naman s'yang 'yon ang sinagot n'ya dahil naalala naman n'ya ang nangyari noong araw na dadalhin n'ya sana si Hestia sa Eiffel Tower.
"Wala na bang iba, my boy? " tanong naman ng kanyang ina.
"Disneyland Paris, kung gusto n'yo lang naman, " sagot n'yang muli habang nakatingin sa labas ng sasakyan.
"Okay, gusto ko do'n! " masayang wika ng Mom n'ya kaya sinabihan n'ya ang driver na dalhin sila sa disneyland.
"Ano ba ang pinagkaiba ng Disneyland Paris at Disneyland sa Hongkong, my boy? " napatigil s'ya sa pagmamasid sa labas ng sasakyan saglit para i-proseso ang tanong ng Mom n'ya.
"Disneyland Hongkong could give you a lot of fun, but Disneyland here in Paris could offer you a more romantic vibes, " sagot nito habang inaalala ang nangyari sa kanila ni Hestia sa lugar na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapaniwalang napilit s'ya ng dalaga na suotin ang mickey mouse headband na 'yon para lang hindi na magtampo ang sekretarya n'ya.
"Hmmm, mukha ngang mas romantic doon, napapangiti ka, eh, " ani ng ginang kaya naman napatingin s'ya sa mga ito. Hinawakan n'ya ang kanyang mukha at oo nga, nakangiti nga s'ya.
"I just remembered something, Mom. "
"Remembered something, or remembered someone? " inirapan na lang n'ya ito dahilan para matawa ito sa kanya.
Kahit kailan talaga ang kanyang ina ang pinakamalakas mang-asar sa kanya. Maya-maya pa ay nakarating na sila sa Disneyland. Dali-dali namang pumasok ang kanyang ina hila-hila ang Dad n'ya. Ang kanyang ama naman ay nagpapadala lang sa asawa.
Para talagang mga bata.
Sumunod na lamang s'ya sa mga ito, buong oras ata na nando'n sila ay bumubuntot lang s'ya sa kanyang magulang at kitang-kita n'ya ang ka-sweetan ng mga 'to, ang ibang mga taong nakakakita sa dalawa ay natutuwa dahil siguro sa ginagawa nila. Para kasing mga batang magkasintahan ang mga 'to kung kumilos, holding hands while walking, subuan ng cotton candy sa daan at minsan pa ay magkukulitan kahit ang daming tao.
"Mom, Dad, p'wede ba? Pinagtitinginan kayo ng mga tao oh, " saway ni Ashton sa dalawa na kunwari pa'y naiinis sa mga 'to, pero sa totoo lang, natutuwa s'yang makitang ganyan ang magulang n'ya. Madalas kasi itong busy sa iba pa nilang negosyo kaya nasisigurado n'yang nakakalimutan na ng mga 'to ang mag-saya.
"Hay nako, Ashton! Mag-tigil ka nga d'yan! 'Wag kang mag-alala at magkakaroon ka na ng asawa kaya hindi ka na mabi-bitter, " natatawang wika ng Mom n'ya na ikinakunot-noo n'ya.
Asawa? Eh, girlfriend nga wala s'ya, asawa pa kaya? Tatanungin n'ya pa sana ang kanyang ina ngunit nakalayo na 'to kasama ang Dad n'ya.
Nag-decide na lang din s'yang maglibot-libot sa Disneyland, naisipan n'ya kasing hayaan muna ang mga magulang n'yang mag-enjoy ng silang dalawa lang. Gusto n'ya ring mapag-isa dahil bigla-bigla na lang s'yang nakakaramdam ng lungkot tuwing sumasagi sa isip n'ya si Hestia.
Hestia.. I wish you were here, beside me.
BINABASA MO ANG
His Secretary
RomanceIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...