Chapter Twenty Four

2.8K 50 0
                                    

"MY BOY, I MISSED YOU! " wika ng ina ni Ashton nang sunduin n'ya 'to sa airport. Niyakap naman s'ya nito saka hinalikan sa pisngi na ikinangiwi n'ya. Tumingin s'ya sa ama na palihim s'yang tinatawanan.

"What brings you here, Mom? " tanong n'ya. Hindi n'ya kasi maintindihan kung bakit sinundan s'ya ng kanyang magulang sa Paris, knowing na busy ito sa family company nila.

"We'll tell you something nga kasi, " sagot nito sa kanya saka kumapit sa braso n'ya. Ang kanyang ama naman ay umakbay sa kanya.

"About what? Business? " ano ba naman kasi ang sasabihin ng mga ito sa kanya? Gano'n ba 'yon ka-importante at sinundan pa s'ya rito sa Paris?

"We'll tell you later, son. Sa ngayon,  magcheck-in na muna tayo sa Hotel kung sa'n ka tumuloy, " wika ng kanyang ama kaya naman tumahimik na lamang s'ya. As usual, black limousine ang gamit n'ya pang-sundo sa mga ito.

"Your limousine is nice, anak. " pag-puri ng kanyang ama sa kanyang limousine nang makapasok ito doon.

"Of course, Dad. Mana ako sa 'yo pagdating sa pag-pili ng mga sasakyan, eh. " nakangiting sagot n'ya rito.

"So, my boy, ano ang ginagawa mo rito sa Paris? I heard, kasama mo ang sekretarya mo. " napatingin s'ya sa kanyang ina dahil sa sinabi nito.

"Ahh.. business trip, Mom. And, yeah, kasama ko po 'yong secretary ko, " sagot n'ya.

"Then, where is she? I want to meet her. " he just smiled at his mother, a fake smile.

"Pinauwi ko na po sa Pinas, Mom. May emergency daw po kasi sa kanila. " pagsisinungaling n'ya sa ina.

"Gano'n ba? " tumango na lang s'ya bilang sagot. Nang makarating na sila sa Hotel ay pinagpahinga na n'ya muna ang magulang at s'ya naman ay nag-punta sa kwarto n'ya. Magkatabi lang naman sila ng hotel room kaya mapupuntahan n'ya ang magulang n'ya kung may kailangan ang mga ito.

Kahapon lang, sinabi ng kanyang ina na darating sila, at ngayon ay nandito na sila. Ang ipinagtataka n'ya ay tungkol saan ang sasabihin nito? Siguro ay business matter lang 'yon.

He looked at his phone's screen ngunit wala pa ring message o call mula kay Hestia. Aaminin n'yan nami-miss na n'ya ang dalaga, nami-miss na n'ya ang halik at yakap nito. Ang mga ngiti at pamumula ng pisngi ng sekretarya. Miss na miss na n'ya ang dalaga.

Hestia, come back please.








"HESTIA.. " tawag ng kanyang ama mula sa labas ng kanyang silid ngunit n'ya ito pinansin. Simula nang pag-aaway nila kahapon ay talagang nakipag-matigasan s'ya sa kanyang ama. Wala pa rin s'yang kain, hindi n'ya rin kasi kinakain ang mga dinadalang pagkain sa kanya ng mga katulong. Ngayon ay gabi na ngunit wala pa ring laman ang tyan n'ya. Gutom s'ya, pero mas nangingibabaw ang pride n'ya sa sarili.

"Leave me, Papá! " sigaw n'ya saka ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Nami-miss na n'ya ang binata. Ni hindi man lang nila napuntahan ang Eiffel Tower kahit sana sa huling araw na magkasama sila.

"I'll give you my phone, my princess, just let me in. " nang marinig n'ya ang sinabing 'yon ng kanyang ama ay agad s'yang nag-tungo sa pintuan at saka pinagbuksan ang ama ng pinto.

"Really? " may ngiti sa labing tanong nito.

"Yes. I'll let you use your phone, but you'll just use it to invite your friends to come here in your wedding day. Next week, the family of your groom will arrive, and I want you to be nice with them, " saad ng kanyang ama saka binigay ang cellphone n'ya bago umalis.

Desidido na talaga ang kanyang ama na ipakasal s'ya sa taong hindi naman n'ya kilala. Mabuti pa sana kung si Ashton ito, pero hindi naman. Hindi pa din n'ya alam kung saang pamilya galing ang mapapangasawa n'ya. Ang tanging alam n'ya lang ay nagmamay-ari rin ito ng beer and wine company kagaya nila.

Agad n'yang binuhay ang cellphone n'ya, excited na s'yang tawagan ang binata!

I missed you, Ashton.








ASHTON and his parents were silently eating their dinner, when his phone rang. He looked at it, and saw Hestia's name. Tumawa s'ya nang pagak.

"Anak, hindi mo ba sasagutin? " tanong ng kanyang ama, umiling lang s'ya rito bilang sagot.

"Hindi naman gano'n ka-importante ang tawag, Dad. "

Pa'nong hindi importante, eh si Hestia 'yon.

"Sa'n na nga tayo? " he asked while chewing the meet in his mouth.

"Ang sabi ko, I want you to tour us around here in Paris, " sagot ng kanyang ina.

"Eh, diba nakapunta na kayo dito ng ilang beses? Baka nga kabisado n'yo na 'to, eh. "

"Nakalimutan na namin, eh. " nakangusong sambit ng kanyang ina.

Parang si Hestia lang.

"Pagpasensyahan mo na 'tong Mommy mo, alam mo na, tumatanda na, eh. " biro ng kanyang ama dahilan para sikuhin ito ng kanyang ina sa bewang.

"Napaka mo, ikaw nga ang matanda na d'yan! " natawa s'ya sa mga ito. Parang teen ager kasi kung mag-away at mag-tampuhan, para ding teen ager kung maglambingan. Kung kasama n'ya lang si Hestia ay maaaliw ito sa magulang n'ya.

"Ilang araw ba kayo mamamalagi rito sa Paris? " tanong n'ya sa mga ito.

"We'll be staying here for a week! Then after that, we'll go in Spain. " napakunot-noo naman s'ya sa huling sinabi ng ina.

"Spain? Anong gagawin natin do'n? "

"Business matter, " sagot ng kanyang ina na may halong parang kinikilig na tawa.

"Dad, ano ba ang gagawin natin sa Spain? " tanong n'ya sa kanyang ama dahil mukhang ito lang ang makakasagot ng tanong n'ya, ngunit bigo s'ya.

"You'll know after a week, " sagot nito sa kanya na may nakakalokong ngiti din.

Ano na naman kaya ang plano ng mga 'to?

Natapos na ang dinner nila sa lobby, and after a little chitchats ay pumanhik na sila sa kani-kanilang hotel room.

"Goodnight anak, see you tomorrow! " masiglang wika ng kanyang ina saka s'ya hinalikan sa pisngi. Ang kanyang ama naman ay tinapik lang ang kanyang balikat.

"Goodnight Mom, Dad, " sabi n'ya sa mga ito saka pumasok na rin sa kwarto n'ya. Malinis na ito kanina no'ng dumating s'ya, nilinis siguro ng mga housekeeping doon.

Nang makapasok s'ya sa silid at agad n'yang tiningnan ang cellphone  n'ya. Hindi na muling tumawag ang dalaga. Hindi rin n'ya alam kung bakit hindi n'ya sinagot ang tawag nito kanina, samantalang 'yon naman ang hinihintay n'ya kahapon pa. Napagdesisyonan na lang n'yang mag-shower saka natulog. Pero bago pa man s'ya makatulog ay nakatanggap s'ya ng text message mula kay Hestia.

From: My Beautiful Babe

I missed you, Ashton. I missed you so much.

Nabuhayan naman s'ya ng loob dahil sa nabasa n'ya. Tinawagan n'ya ang number ng dalaga at parang tinambol ang puso n'ya nang sagutin iyon ni Hestia.

"Babe! " tawag n'ya rito. Narinig naman n'yang humihikbi sa kabilang linya si Hestia.

"Ashton.. " tawag nito sa kanya.

"Babe, why are you crying? Please, stop crying. Where are you? "

"You don't need to know, Ashton. I called you because I want you to know how I missed you, " sagot ng dalaga.

"I missed you too, damn much, mon amour. Where are you? Please tell me, I'm begging you. " he started crying. He badly wants to see his love again, but how? Hindi n'ya alam kung nasaan ito.

"Ashton.. "

"Yes, babe? "

"I love you so much, always remember that. " his heart melts when he heard those words from Hestia. He's about to confess his love for her also, but the next word Hestia said stopped him from doing it.

"I'm getting married, Ashton. I'm s-sorry. " and Hestia ended their call.

Hindi n'ya maintindihan ang nararamdaman, all he could feel is his heart shattered into pieces.

Why, Hestia? Why?

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon