Chapter Twenty Six

2.8K 52 2
                                    

IT'S been one week since Hestia called Ashton to tell him that she's getting married. While telling him about her, getting married, she's crying, but she's didn't let Ashton to feel her pain. She did that on purpose, she did that to finally bid her goodbye to her boss. Ayaw na n'yang mahirapan pa, ayaw na n'yang umasa. Sa tingin n'ya ay mas mabuti pang magpakasal na lang s'ya sa hindi n'ya kakilala, kaysa naman umibig sa taong hindi naman s'ya gusto.

Walang ibang ginawa si Hestia sa buong linggo kundi magkulong sa kwarto at magmukmok, kinuha na rin ng kanyang ama ang cellphone n'ya. Ayaw na rin naman n'yang hawakan ang cellphone na 'yon dahil puno 'yon ng memories nilang dalawa ni Ashton, memories na babaunin n'ya hanggang sa pag-tanda.

"Seniorita Hestia, tu papá te dice que te prepares para tu almuerzo más tarde, " napatingin s'ya sa nag-salita. Si Feliz, ang laging pumupunta sa kwarto n'ya para mag-dala ng pagkain. Miss Hestia, your father ordered me to tell you to get ready for you lunch later.

Tango at ngiti na lang n'ya ang sinagot n'ya rito, naintindihan naman 'yon ni Feliz kaya umalis na rin ito.

Ngayon darating ang pamilya ng mapapangasawa n'ya, at ngayon pa lang din n'ya malalaman kung sino ba ang magiging groom n'ya. Bumuntong hininga s'ya, hindi n'ya aakalain na gan'to ang sasapitin n'ya ngayong dalaga na s'ya. Buong buhay n'ya ay wala pa s'yang nagiging nobyo dahil focus s'ya sa kanyang pag-aaral, at nang lumaki na s'ya ay nag-focus naman s'ya sa kompanya. Kung alam n'yang ganito pala ang kahahantungan ng buhay n'ya, sana noon pa ay nagbulakbol na s'ya.

Ilang minuto pa s'yang nanatiling tahimik, kung minsan ay lumalakad-lakad pa ito. Kinakabahan s'ya para sa lunch meeting ng magiging kabiyak n'ya.

Sana naman ay mabuti itong tao.

Nang makita n'yang maga-alas dose na ay nag-asikaso na s'ya, at pagkatapos no'n ay namili na ng susuotin n'ya. Nag-suot lamang s'ya ng puting dress at flat sandals. Nag-lagay din s'ya ng kaonting make-up sa mukha saka lumabas ng kwarto.

"Bien hecho y listo, " wika ng kanyang ama nang makita s'ya. Mabuti naman at tapos ka na.

Walang emosyon lamang s'yang nag-lakad palabas saka sumakay sa kotse na pagmamay-ari nila. Wala pang sampung minuto ay tumawag ang kanyang Papá para sabihin na sa restaurant na lamang sila magkita dahil may importante pa itong gagawin. Susunod na lamang daw 'to, sinabi naman ng kanyang ama kung saan gaganapin ang lunch meeting kasama ang pamilya ng mapapangasawa n'ya.

"Estamos aqui, Seniorita, " ani ng driver n'ya. We're here, Miss.

Inayos muna n'ya ang kanyang dress at mukha bago lumabas ng sasakyan. Gusto n'yang magmukhang presentable sa mga 'to dahil kumpanya nila ang nakasalalay sa lunch meeting at kasalang magaganap. Sinuot n'ya ang sun glasses na dala n'ya saka nag-lakad papasok sa loob ng restaurant. Sinabi n'ya lang ang kanyang pangalan sa counter at automatiko naman s'yang iginiya ng mga waiter sa isang pribadong espasyo, ipinareserve siguro 'yon ng kanyang Papá para sa lunch meeting na 'to.

Umupo na s'ya doon at nag-simulang mag-order, nagugutom na s'ya kaya kahit wala pa ang kikitain n'ya ay um-order na s'ya.

Nang ibalik n'ya ang menu sa waiter ay laking gulat n'ya nang makita ang lalaking 'di kalayuan sa kanila.

Ashton..








"MY BOY, maga-ayos lang ako sa comfort room, okay? Sasama sa 'kin ang Dad mo, kaya mauna ka na do'n sa reserved table para sa 'tin. " bilin ng ina ni Ashton sa kanya.

"Make it fast, Mom. Tandaan n'yo, hindi n'yo pa sinasabi kung ano ba ang kinalaman ng lunch meeting na 'to sa 'kin, " wika nito na bakas ang tonong pagka-irita.

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon