Chapter Twelve

3.6K 62 1
                                    

MAAGANG nagising si Hestia, bumaba s'ya sa at nag-tungi sa kusina at nakita n'ya ang dilaw na sticky note.

'Good morning, Hes! I will be gone for a week, kasama ko si Yassi, ingat ka d'yan, okay? '

Napakunot-noo naman s'ya. Yassi? Sa kanyang pagkaka-alala ay 'yon din ang pangalan ng babaeng dinala nito sa bahay no'ng nakaraang araw. Mabilis naman ang pagkakunot ng kanyang noo nang maisip kung bakit kasama pa rin ng kaibigan n'ya ang nasabing babae.

Hmm, mukhang nagiging lover boy na ang bestfriend ko, ah?

Natawa na lamang s'ya sa isip. Nag-luto lang s'ya ng pancake at nag-timpla ng gatas para sa kanyang almusal. Sa totoo lang, tinatamad talaga s'yang pumasok dahil sa nakita n'ya kahapon. Pero, kahit pa nawawalan s'ya ng gana ay kailangan n'yang pumasok, dahil kung hindi s'ya papasok ay wala s'yang kikitain. Napabuntong-hininga na lang s'ya, pera lang naman pala ang usapan, marami s'ya n'yan, pero kailangan n'ya munang sundin ang gusto ng ama.

"Be professional, Hes! Be professional, " aniya sa sarili. Pagkatapos n'yang kumain ay agad na s'yang naligo at nag-ayos.

'Di hamak naman na mas maganda ako kaysa do'n sa babaeng kasama n'ya sa coffee shop.

She's wearing a beige chiffon top and gray pencil skirt. Nag-lagay lang din s'ya ng light red lipstick sa kanyang labi. She look so simple, pero dahil s'ya ang nag-suot, nagiging extra ordinary ito sa kanya. At dahil wala nga ang kaibigan n'yang si Helix ay walang mag-hahatid sa kanya sa company kaya nag-abang na lang s'ya ng taxi sa labas ng village nila. Buti na lang at meron agad s'yang nasakyan. Pagkarating n'ya sa office ay wala pa ang magaling n'yang boss.

Baka kasama pa n'ya ang babae n'ya kaya natagalan.

And as if on cue, her boss suddenly appear in front of her.

"Good morning, Sir. " pilit ang ngiti n'yang bati rito.

"Good morning, beautiful. " hindi na lang n'ya ito pinansin at nag-simula nang ayusin ang schedule ng kanyang boss.

"Can you please stop staring at me, SIR? " wika n'ya rito nang maramdaman na nakatitig ito sa kanya.

"Oh, sorry, staring at your beautiful face became my hobby. "  tumigil s'ya sa pagta-type sa laptop saka tumingin kay Ashton.

"Ano po bang kailangan n'yo, SIR? " talagang diniinan n'ya ang pagtawag n'ya rito ng 'sir' dahil naiinis pa rin s'ya rito.

"Follow me. " wala naman akong nagawa kaya sumunod na lang ako. Dala-dala ko ang tablet na naglalaman ng iba pang schedule ni Ashton.

"So, ano pong kailangan n'yo, SI--" hindi na natapos ni Hestia ang sasabihin nang siilin s'ya ng halik ng binata. Nanatili s'yang nakatayo lang do'n at hindi nagre-response sa halik ng boss n'ya.

Pagkatapos n'yang makipag-date sa ibang babae, hahalikan n'ya ako?!

Nang tumigil na ang halik ni Ashton ay bigla s'ya nitong niyakap.

"I missed you, Hestia, I missed you so much. "

Miss mo mukha mo!

"Ah, Sir, marami pa po kayong imi-meet today, " sabi na lang n'ya para tumigil na ito sa ginagawa. Mabuti na lang at hindi s'ya nautal.

"Cancel all my meetings today, I have to meet something important. " at sino naman ang imi-meet n'ya? 'Yong babae sa coffee shop?

Grabe, 'di na nakuntento sa date kahapon! Hah!

"Okay, Sir. Pero, p'wede bang bitawan mo na muna ako? " binitawan naman s'ya ng boss n'ya saka ginawa ang sinabi nito. Kinansela n'ya lahat ng meeting na pupuntahan nito. Napailing na lang s'ya, hindi ba nalulugi ang kumpanya nito sa ginagawa n'ya?

"Hestia.. " tawag nito sa kanya.

"Hmm? " response n'ya rito habang nakatingin pa rin sa tablet. Wala naman na s'yang ginagawa, pero ayaw n'ya lang tingnan ang boss n'yang malandi.

"Let's go on a date. " napatingin s'ya rito saka tinaasan ng kilay.

Ba't ako ang niyayayang mag-date nito?

"I thought you will meet something important, Sir? " sarkastikong tanong nito. Iniisip n'ya pa lang na ang babaeng kasama n'ya kahapon ang ka-date ng boss n'ya ay naiinis na s'ya.

Peste talaga! Peste! Peste! Peste!

"Oo nga, at ikaw 'yong something important na 'yon. Gusto kong bumawi kasi these past few days ay naging busy tayo pareho, hindi na tayo lumalabas katulad noon, " sagot nito. Gusto n'yang ngumiti dahil sa kilig na nararamdaman n'ya, pero nangingibabaw ang inis sa kanya.

"Bakit hindi 'yong babaeng kasama mo kahapon sa coffee shop ang yayain mo makipag-date, mukhang mas masaya ka naman kasama 'yon? "

"What? "

"Bingi ka ba, SIR? "

"Are you jealous, Hestia? "

"Hindi! Ba't naman ako magse-selos? "

Tae ka, self! Nagseselos ka, don't deny it!

"Aw, c'mon, Hestia, you're jealous. "

"Jealous, my foot! Tsaka, ba't naman ako magseselos, may tayo ba? Tch. Pupunta lang akong restroom, " sabi n'ya sa binata saka umalis sa opisina nito.






HINDI mapigilan ni Ashton ang mapangiti kahit pa mag-isa lang s'ya sa opisina n'ya. His Hestia is jealous, kailangan i-celebrate 'yon! Dahil ang ibig sabihin lang no'n ay may nararamdaman din ito sa kanya. Umupo s'ya sa kanyang swivel chair saka humarap sa laptop n'ya saka nag-search. Nag-search s'ya kung paano paaamuhin ang babaeng nagse-selos, he badly want to date Hestia now, na-miss n'ya ito kaya gusto n'yang bumawi. Nang makahanap na s'ya ng mga results ay agad naman n'ya itong tinandaan.

Agad n'yang tinawagan ang mga connection n'ya saka pinahanda ang mga pupuntahan nila. Medyo kinakabahan s'ya dahil ito ang first time na gagawin n'ya ang ganitong date sa isang babae.

Let's do this, Ashton!

***

A/N: awieee ♡

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon