Chapter Thirty

2.9K 43 0
                                    

MATAPOS ang coffee date nila Mrs. Monteverde at Hestia ay bumalik s'ya agad sa Hotel at nagpunta sa kaibigan n'yang si Helix. Habang nasa elevator ay hindi n'ya maiwasang isipin ang mga pinag-usapan nila ng Mom ni Ashton. Hindi n'ya maintindihana ng winika ng Ginang kanina na may rason ang anak n'ya kaya n'ya 'yon sinabi sa kanya.

Aasa na naman ba ako?

Napabuntong-hininga naman s'ya, sa sobrang pagka-lutang n'ya ay hindi n'ya namalayang nakarating na s'ya sa 8th floor kung saan nando'n ang kwarto ng kaibigan n'ya. Binuksan n'ya 'yon at good thing dahil hindi iyon naka-lock. Nang makapasok s'ya sa kwarto ay agad na hinanap ng mata n'ya ang kaibigan ngunit wala ito roon.

Nasa'n naman kaya 'yon?

Naupo na lang s'ya sa couch saka tiningnan ang cellphone n'ya. Nanlumo s'ya nang makitang wala man lang text message galing kay Ashton, kahit tawag ay wala rin.

"O, nand'yan ka na pala, Hes, " napatingin s'ya sa nag-salita at nakita n'ya ang topless n'yang kaibigan. Hindi n'ya maitatangging maganda ang pangangatawan ni Helix, ngunit para sa kanya, mas maganda pa rin ang katawan ni Ashton.

Hay nako, self, Ashton ka na naman!

"Magbihis ka nga do'n, Helix. " saway n'ya rito. Narinig naman n'yang tumawa ito dahil sa sinabi n'ya. Matalim n'ya pa itong tinitigan. Mabilis naman itong kumuha ng t-shirt.

"Bakit ba? Ikaw, nagka-boyfriend ka lang naiilang ka na sa katawan ko, " natatawa pa ring sambit nito habang nagsu-suot ng shirt.

"Hindi lang ako sanay. Tsaka, baka mamaya kung ano pa ang isipin ng ibang tao, " sabi n'ya pa. Tumabi naman sa kanya ang binata.

"Iisipin ba talaga ng ibang tao ang inaalala mo, o 'yong iisipin ng taong mahal mo? " napatitig s'ya sa kaibigan dahil sa sinabi nito.

"May wine dito, wanna drink? Pag-usapan natin 'yang puso mo, " Hestia just gave her friend a weaked smile.

"Ayoko. Mahina ako d'yan, eh. 'Tsaka, okay naman na ako, " pagsisinungaling n'ya. Napapikit naman s'ya nang pitikin ni Helix ang noo n'ya.

"Kahit kailan talaga, hindi ka marunong mag-sinungaling, " sabi sa kanya ng kaibihan n'ya saka s'ya nito niyakap.

"I know you are not okay, Hes. I'll hear you out, tell me everything, okay? You don't need to fake your smile when you're with me. You don't need to pretend that you're okay, eventhough you're not. " naiyak naman s'ya sa sinabi ng kaibigan. Niyakap n'ya ito pabalik saka binuhos ang sama ng loob dito.

"I-I don't understand him, Helix. W-why is he treating me like shit? I-I thought he love me, too. I thought we're okay. I-I thought, it's okay with him if he'll m-marry me.. " umiiyak na sambit nito sa binata. Si Helix naman ay hinahagod-hagod lang ang likuran ng kaibigan.

".. ginagantihan n'ya ba ako? Kasi, nag-sinungaling ako sa kanya? But, I explained everything to him! Ano pa bang kulang? "

".. hindi ko alam kung manhid ba s'ya o sadyang tanga, eh! Hindi n'ya ba maramdaman.. hindi n'ya ba maramdaman na mahal ko s'ya? B-bakit ba hindi n'ya ako magustuhan? Am I unattractive? Am I not seductive? Am I not satisfying? " humahagulhol na wika n'ya. Hindi na n'ya kaya 'yong sakit na nararamdaman n'ya. Hindi n'ya kasi maintindihan. Hindi n'ya maintindihan kung bakit kailangan ipamukha ni Ashton sa kanya ang mga bagay na obvious na! Una ay 'yong sa Paris sila, no'ng sinabi ng binata na hindi s'ya nito gusto. Pangalawa ay eto, ang pag-sabi sa kanya na hindi s'ya kayang pakasalan nito. Ano pa ba ang susunod?

".. hindi ba n'ya kayang i-filter 'yong bunganga n'ya? Ayos lang naman kung ayaw n'ya sa 'kin, eh.. pero 'wag namang diretsahan kasi ang sakit, eh! "

"Shh.. baka nahihirapan lang din s'yang i-express ang sarili n'ya. I-express 'yong nararamdaman n'ya.. " sabi ng kaibigan n'ya. Bumitaw s'ya sa pagkakayakap nito saka nag-salita ulit.

"Tangina! Kailangan ko kasing malaman, eh.. kailangan kong malaman kung aasa pa ba ako o hindi.. ayoko nang masaktan.. kasi sa totoo lang, gulong-gulo na ako! He doesn't like me, but the way he treated me when we're in Paris, iba, eh! He can't marry me? Bakit? May iba s'yang babae? May iba s'yang gustong pakasalan? " ikinulong n'ya ang sariling mukha sa dalawang kamay n'ya. This pain is a different level of pain. Hindi n'ya pa ito naranasan noon.

"Maybe, he doesn't like you, because he loves you. " napatingin s'ya sa kaibigan n'ya dahil sa sinabi nito.

"Kanino ba talaga ang side mo, Helix? Sa 'kin o kay Ashton? " irita n'yang tanong dito.

"Of course sa 'yo! Kaya nga binibigyan kita ng mga ganitong salita, eh, kasi base sa mga kwento mo, mukhang pareho lang kayo ni Ashton.. pareho n'yo lang mahal ang isa't-isa. " bumuntong-hininga s'ya..

"Hindi ko alam kung tama bang nag-kwento ako sa 'yo, " sambit n'ya rito saka pinunansan ang luha n'ya.

"Trust me, Hes, mahal ka nung tao. Sige na, umuwi ka na para makapagpahinga ka pa. Maaga tayong aalis bukas, " ngumiti s'yang muli sa kaibigan saka ito niyakap.

"Thank you, Helix. Kahit pa mukhang hindi naman ako ang kinakampihan mo, pero salamat kasi alam ko talagang nakikinig ka, " pagpapasalamat n'ya kay Helix saka bumitaw sa yakap.

"No worries. You know, you always have my back and my shoulder to cry on. Sige na at baka hindi na ako sikatan ng araw bukas, " napakunot-noo naman s'ya sa huling sinabi nito. Magtatanong pa lang s'ya ulit, pero tinulak na s'ya ng kaibigan palabas ng hotel room saka sinaraduhan ng pinto.

"Tss. Napaka talaga! " sumakay na lang s'ya sa elevator saka nag-tungo sa baba. Lumabas na s'ya sa Hotel saka nagpasundo sa driver n'ya.

Habang naghihintay ay tinitingnan-tingnan n'ya ang cellphone kung may text or tawag mula kay Ashton, ngunit wala pa rin.

"Seryoso talaga s'ya sa hindi n'ya pagpapakasal sa 'kin? " malungkot na tanong n'ya kahit alam naman n'yang walang sasagot sa kanya. Maya-maya pa ay may bumusina nang kotse sa harap n'ya, tiningnan n'ya ito at nang makitang kotse n'ya 'yon ay agad na s'yang sumakay.

"En nuestra casa.. " sabi n'ya sa driver at nakita naman n'yang tumango lang ito. Maya-maya pa ay may naamoy s'yang kakaiba na dahilang ng pagkahilo n'ya. At our house.

Shit!

His SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon