"BABE, SMILE! " sigaw ni Ashton habang hawak-hawak ang cellphone n'ya. Nang makita n'yang ngumiti na si Hestia ay agad n'yang kinuhanan ng litrato ang dalaga.
Her smile made my heart smile, also.
Ilang pose pa ay natapos na rin ang pagkuha n'ya ng litrato kay Hestia. Tiningnan n'ya ang mga 'yon, iba talaga ang epekto ng babaeng 'yon sa kanya.
"Huy, anong nginingiti-ngiti mo d'yan? " saad ni Hestia nang makalapit ito sa kanya.
"Wala lang, ang ganda mo kasi, eh. "
"Ay sus, nang-bola pa! Tara, tayong dalawa naman ang mag-picture! " sabi ni Hestia sa kanya saka kinuha ang cellphone n'ya saka sila nag-selfie. Wala naman na s'yang magawa dahil nag-picture na si Hestia.
Marami-rami rin ang picture na meron sila, meron 'yong nakatingin sila sa isa't-isa, at meron ding naka-halik sa pisngi n'ya si Hestia. Hindi n'ya alam pero nakaramdam s'ya ng kilig.
Isang Ashton Monteverde, nakakaramdam ng kilig? Ibang klase ka talaga, Hes.
"Nasa'n nga tayo ngayon, Ashton? "
Inilibot n'ya ang paningin n'ya dahil sa tanong na 'yon ni Hestia.
"Nasa Conciergerie tayo ngayon, babe, " sagot n'ya rito.
The Conciergerie was built in the 10th century to be the main palace for French kings who, over the centuries, enlarged it. Its Great Hall was one of the largest in Europe; another hall was where the palace's 2,000 workers ate. Today the Conciergerie is a popular tourist attraction in Paris but also still serves as courts.
Nang manawa na sila kaka-picture do'n ay nag-punta naman sila sa susunod nilang destinasyon, ang Pantheon. Ang Pantheon ang nagsisilbing libingan ng mga sikat na mamamayan sa France. Noon, ito ay isang simbahan na dedicates kay St. Guinevieve, ang patron saint ng Paris. Kalaunan, ito ay nabago sa during French Revolution para bigyang pugay ang mga revolutionary martyrs.
Nag-picture rin sila roon at nang-istorbo pa si Hestia ng ibang tao para lang picturan silang dalawa.
"Hi, Miss, can you take us a picture? " tanong ni Hestia sa isang turistang babae. Natawa na lang s'ya ng patago.
"Sure, " sagot naman ng babae. Nakita naman n'yang binigay ni Hestia ang phone n'ya sa babae. Pumwesto naman sila ni Hestia at nag-pose.
"You two look good together. You look like a newly wed couple. " nakangiting wika ng babae sa kanila matapos silang picturan. Napangiti naman s'ya rito, nakita n'ya ring namula ang pisngi ng dalaga.
"Ah, thank you, " sabi n'ya sa babae. Tumango lang sa kanya ito saka umalis na.
"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan? " tanong ni Hestia sa kanya. Tiningnan n'ya ito habang may malapad na ngiti pa rin sa kanyang mukha.
"Eh kasi, sabi n'ya para daw tayong bagong kasal, hehehe, " sagot n'ya rito.
"Hindi naman mangyayari 'yon. " nawala naman ang ngiti n'ya.
"What do you mean? "
"Hindi ako gusto, 'diba? " he chuckled on what Hestia said.
"Yeah right, I don't like you, " sagot n'ya rito.
"Sige ipamukha mo pa! " inis na wika ng dalaga sa kanya saka naunang mag-lakad. Lalo naman s'yang natawa.
I don't like you, Hestia, because I already fell inlove with you.
"GRABE 'no? Ang sarap ng pagkain dito sa Paris! Lagi akong busog hehehe, " wika ni Hestia kay Ashton habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig n'ya.
BINABASA MO ANG
His Secretary
Roman d'amourIsa si Hestia Garcia sa pinakasikat na babae sa Espanya, s'ya kasi ang nagmamay-ari ng pinaka-malaki at pinaka-maimpluwensyang pagawaan ng alak doon. Kilala s'ya ng lahat at maraming kalalakihan din ang nagsusumamo sa kanyang pag-ibig. Bukod kasi sa...